GORGY RULA:
Mukhang boy ang ipinagbubuntis ni Alex Gonzaga. Hindi lang makumpirma ng PEP Troika, dahil wala pa namang announcement mula mismo sa actress/TV host/vlogger.
May ilan din kaming napagtanungan, at iyon daw ang nakarating sa kanila. Nagpa-baby shower na kasi si Alex, pero wala pa rin siyang sagot nang tinanong namin sa ilang detalye ng kanyang pagbubuntis.
Kinulit ko rin siya kung nagpa-gender reveal na ba siya, pero hindi niya ito sinasagot. Namimili lang si Alex ng sinasagot niya sa mga text messages ko.
Nagso-sorry siya na hindi raw muna siya magpa-interview habang nagbubuntis.
“Di pa kami nagpapa-interview. Tapusin muna namin ang pregnancy and delivery in Jesus name,” bahagi ng text sa akin ni Alex.
ALEX GONZAGA BABY GENDER
Hindi na siya sumagot nang tinanong ko kung totoo bang boy ang magiging first baby nila ni Vice Mayor Mikee Morada at kung six months na ito.
Kaya binilang na lang namin doon sa TikTok post ni Toni Fowler nung nakaraang buwan na kung saan binanggit niyang four months preggy na si Alex.
Kaya ang tantiya namin ay humigit-kumulang anim na buwan na ito.
Read: Brandon Espiritu faces fallout as brands cut ties over "halfies" remark
JERRY OLEA:
Base sa paniniwala ng karamihan, nalalaman daw sa itsura ng babae kung ano ang kasarian ng ipinagbubuntis nito.
Sabi nila, kapag lalaki ang ipinagbubuntis, nangingitim daw ang kili-kili at madalas na namamanas ang paa. Nakikita raw sa hugis ng tiyan, at pati sa itsura nito.
Nakikita iyon kay Alex sa kanyang House Tour vlog.
Sa part two ng naturang vlog, ibinahagi niya ang mga nae-experience niya, pati ang mga nababago sa katawan niya.
Idinadaan na lang niya sa pagpapatawa, kagaya ng maitim niyang kili-kili, ang paglaki ng dibdib niya, pati ang pamamanas ng kanyang paa.
Pero kahit ano man ang itsura niya ngayon sa kanyang pagbubuntis, sobrang na-enjoy ito ni Alex.
“You know what? Whatever it is na nae-experience ko in this pregnancy, I love it,” bulalas ni Alex sa vlog.
“Yung pag-itim ng kili-kili ko... But I love the boobies,” at inalug-alog niya ang kanyang boobs, dahil sa nararamdaman niyang lumalaki ito.
Sabi pa niya, “Ine-enjoy ko kasi alam nyo, di ba, yung ibang nanay parang mai-stress, maano ako.
"Ginagawa ko lang katawa-tawa pero sa totoo lang, ine-enjoy ko lahat ng anything about my pregnancy.
"Because, it is God’s blessing, and every time na nakikita na ayan, umiitim, lumalaki, nagkaka-linea nigra, lahat. Paa ko, namamanas.
"Napi-feel ko na wow, I’m really pregnant. So, I’m very very happy and blessed.”
Read: Who is Rene Clert Baterbonia?
NOEL FERRER:
Malaki ang bagong bahay ng mag-asawang Alex Gonzaga at Vice Mayor Mikee Morada na na ipina-house tour ng aktres.
Sandali lang nag-ikot si Alex, hinihingal na ito. Napapagod na raw siya. Sobra raw siyang pinag-iingat ni VM Mikee.
Sinasabi niya roon na hindi raw siya pinapaakyat ng hagdanan kapag walang kasama.
May isang kuwarto siyang ipinakita kung saan may bulaklak sa tabi ng higaan.
Linggo-linggo raw ay may bulaklak na ibinibigay sa kanya si VM Mikee.
“Every week, binibigyan ako ni Mikee,” pakli ni Alex.
“Kung ilang weeks na yung pregnancy ko ay ganun din kadami yung flowers na binibigay niya sa akin.”
Kitang-kita ang excitement kay Alex sa kanyang nalalapit na panganganak.
