PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Claudine, Nova lead emotional Home Along Da Riles premiere

Cheers, laughter, and nostalgia filled Home Along Da Riles: Da Reunion premiere.
by PEP Troika
Published 7 hours ago
home along da riles cast
Home Along Da Riles: Da Reunion receives a warm welcome during its star-studded premiere. Nova Villa, Claudine Barretto, Vandolph, Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Dang Cruz, Cita Astals, and the rest of the cast thank loyal fans who have supported the iconic family comedy for decades.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Fiestang-fiesta ang ambience sa lobby ng SM Megamall Cinemas noong Hunyo 15, 2026, Lunes ng gabi, dahil sa premiere screening ng pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion.

Hindi magkamayaw ang fans! Hiyawan at kawayan!

Nakipagkamay ang iba sa mga artista, nakipag-apir ng palad, at si Claudine Barretto ay nagpahalik pa.

Of course, may pasayaw-sayaw pa.

BOY2 QUIZON

Sabi ng direktor na si Boy2 Quizon: “Kumusta kayo, mga ka-Riles?! Maraming-maraming salamat. After two and a half years, nabuo po namin ito.

boy2 quizon home along da riles
Boy2 Quizon
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Proud na proud po kami dahil sobrang na-miss namin kayong lahat! Na-miss kayo ni Tita Nanay [Nova Villa], ni Tita Azon. Na-miss din kayo ni…

“Palakpakan natin si… ang napakagandang Miss Hillary, si Tita Cita [Astals]. Palakpakan natin si Tita Cita!

“Hindi niyo alam kung ano po yung nararamdaman namin ngayon pero maraming-maraming salamat. Sana, magustuhan ninyo itong ihinanda namin.

“Itong reunion movie na ito, hindi ito reunion ng Riles, ng Pamilya Cosme — reunion po nating lahat ito! Reunion po natin ito lahat!”

cita astals home along da riles
Cita Astals
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"DON" SMOKEY MANALOTO

Komento ng host na si MJ Felipe, parang ang yaman-yaman ni Don Smokey Manaloto.

Hiyaw ni Smokey: “Mga kaibigan, ang pambansang pamilya ng Pilipinas ay nandito na!!! Home Along Da Riles: Da Reunion!

“Maraming-maraming salamat po sa lahat sa mainit niyo pong pagpapakita ng suporta sa amin.

“At huwag ho kayong mag-alala, hindi ho sayang ang paghihintay dahil siguradung-sigurado, sulit na sulit ang paghihintay ninyo.”

Read: Alma Moreno moved to tears by Home Along Da Riles: Da Reunion

smokey and wife home along da riles
Smokey Manaloto and wife Cassie Brazal
Photo/s: Jerry Olea
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DANG CRUZ

May hanash din si Dang Cruz: “Eto po, nagbabalik uli sa Home Along Da Riles the movie si Roxanne! Maraming salamat po sa inyong pagdalo.

“Magkita-kita po tayo ngayong gabi ulit at sa mga susunod na araw.”

Tanong ni MJ, tumaas ba ang suweldo ni Roxanne?

Sagot ni Dang: “Alam mo, si Roxanne, kahit walang suweldo, sa pagmamahal niya kay Ma’am Azon, OK lang. Libre sabunot!”

dang cruz home along da riles
Dang Cruz
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Nagpasalamat din si Gio Alvarez sa mainit na suporta ng fans sa premiere night ng Home Along Da Riles: Da Reunion.

Sabi ni Gio, “Ito po’y napakagandang gift para po sa mga fathers ninyo itong Father’s Day. Itong istoryang ito, tungkol talaga sa pamilya.”

Sa Hunyo 21, Linggo, ang pagdiriwang ng Father’s Day.

CLAUDINE BARRETTO

Andaming nagsigawan nang tawagin ng host na si MJ Felipe ang Optimum Star na si Claudine Barretto.

claudine barretto home along da riles
Claudine Barretto
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Claudine: “Magandang-magandang gabi po sa inyong lahat! My Claudinians! Ready na po ba kayo?!

“Reding-ready na po ang pambansang pamilya na ipalabas itong pelikulang ito para sa inyo.

“At alam namin, nandito ang tatay namin at proud na proud at nagpapasalamat sa inyong lahat dahil nandito kayong lahat.

“Pinapangako ho namin, talagang itong pelikulang ito, ibinigay ho namin lahat para mapasaya kayo.

“At maturuan ulit ng values ang ating mga anak. So sana ho, mag-enjoy kayo ngayong gabi. Mahal namin kayo.”

Read: Vico Sotto names Jesse Robredo, Win Gatchalian as his leadership influences

vandolph wife and son home along da riles
Vandolph Quizon with wife Jenny and son Vito
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOVA VILLA

Of course, hiningan din ni MJ ng message si Nanay Azon o Nova Villa.

nova villa home along da riles
Nova Villa
Photo/s: Jerry Olea

Sey ni Tita Nova: “Magandang gabi sa inyong lahat. Alam po ninyo, dalawang taon ang binuno namin para po matapos ang pelikulang ito.

“Sapagkat miss na miss na miss na namin kayo, mga dear televiewers namin at mga tagahanga namin ng Home Along.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nandito ba ang mga barkada ko? Sina lola, lolo, nanay, tatay, ito yung ating mga barkada noong araw na kinagigiliwan nila at inaabangan lagi ang Home Along every week.

“Sapagkat ito naman talaga, ang ating show, ay nakakapagbigay ng aral at saya sa bawa’t pamilya.

“Kaya ito na yung pagkakataon. Talagang hindi namin kayo matiis na hindi gawin ang pelikulang ito.

“Sapagkat kayo po ang lagi naming kasama every week noong nagso-show pa tayo ng Home Along Da Riles.

“Kaya enjoy the show, at lagi ninyong iisipin, mahal na mahal namin kayo because we are family! We are family! Home Along family!”

Pagkatapos ng mensahe ni Tita Nova ay nag-photo op na ang cast ng pelikula sa entablado.

home along da riles cast
The cast of Home Along Da Riles: Da Reunion
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sa loob ng sinehan ay may maikling programa bago mismo ang screening, na ang host naman ay si Inah Evans.

Nagpasalamat muli ang direktor na si Boy2 Quizon sa mga sumuporta upang mabuo ang pelikula.

Maliban sa pagiging direktor at artista, executive producer din si Boy2 kasama sina Teddy Javines at Vandolph (na umakting siyempre).

Pagbati ni Nova Villa: “Magandang gabi, mga kaibigan. Naku, this is it. Talagang dumating na yung oras na tayo’y magkikitang muli.

“At maraming-maraming salamat unang-una siyempre sa Panginoon. Lagi kaming nagdadasal, alam niyo, bago kami magsyuting.

“Para nang sa ganoon, lahat kami ay ligtas sa anumang sakit at mga dinaramdam, mga kalungkutan. Hindi dapat magkaroon.

“Dahil nais naming matuloy ang pelikulang ito para sa inyong lahat. Matagal tayong hindi nagkita.

“At ngayon binubuksan naming muli ang pinilakang-tabing ng Home Along Da Riles para sa inyo.

“Mga nanay, mga tatay, mga suki natin na nagmamahal sa Home Along, lagi nilang sinasabi, ‘Nova, miss na miss ko na ang Home Along! Nami-miss ko na si Dolphy. Nami-miss ko na sina Vandolph.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Eto na po, eto na po! The whole cast is present para sa inyong lahat.”

maybelyn dela cruz home along da riles
Maybelyn dela Cruz
Photo/s: Jerry Olea

Maliban kina Nova, Boy 2 at Vandolph, nasa cast ng Home Along Da Riles: Da Reunion sina Claudine Barretto, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz, Jenny Quizon, at Pepe Herrera, with the special participation of Epy Quizon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nandiyan din sina Cita Astals, Ces Quesada, Sherilyn Reyes-Tan, Gardo Versoza, Vito Quizon, Celyn David, Ahmad Aboukowik, Joymee Lim, Aurora Halili, Angeli Gonzales, TJ Valderrama, Shira May Tweg, Bernie Batin, at ang OG Sunog Baga.

Kabilang sa mga nag-cameo sina Mark Anthony Fernandez, Zanjoe Marudo, at Small Laude plus Alyssa Valdez, Jema Galanza, Bernadeth Pons, Michelle Gumabao, Kyle Negrito, and Kyla Atienza.

Mapapanood ito sa 180+ sinehan nationwide umpisa Hunyo 17, Miyerkules. Rated PG (Parental Guidance) ito ng MTRCB.

home along da riles da reunion
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Michael Pacquiao prioritizes GenSan quake victims over Jimuel's wedding

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Home Along Da Riles: Da Reunion receives a warm welcome during its star-studded premiere. Nova Villa, Claudine Barretto, Vandolph, Boy 2 Quizon, Smokey Manaloto, Gio Alvarez, Maybelyn dela Cruz, Dang Cruz, Cita Astals, and the rest of the cast thank loyal fans who have supported the iconic family comedy for decades.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results