JERRY OLEA
Hindi lang artista si Vandolph sa pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion, kundi executive producer din kasama sina Teddy Javines at Boy2 Quizon.
Kaya naman proud na proud kay Vandolph ang mama niyang si Alma Moreno matapos ang premiere screening ng pelikula noong Hunyo 15, 2026, Lunes ng gabi, sa SM Megamall, Mandaluyong City.
Iyak nang iyak si Alma!
“Opo nga, nakita ko namumugto yung mata niya after. Ibig sabihin, she liked the movie,” napangiting sambit ni Vandolph.
Wika pa ni Alma, ang tingin dati noon ng mga tao kay Vandolph ay spoiled na bata. Pero ngayon, heto, movie producer na siya.
“Teamwork namin ni Dos, ni Direk Boy2 ito. So actually, si Direk Dos, talagang tutok. Ever since, siya talaga,” saad ni Vandolph.
“Lahat naman, tumulong sa amin. Pati yung cast, pati yung crew, and everyone.
“And we’re guided by our dad siyempre.”
Ang ama ni Vandolph ay ang yumaong Comedy King na si Dolphy.
Read: Alma Moreno moved to tears by Home Along Da Riles: Da Reunion
TWO YEARS IN THE MAKING
Bakit tumagal ng mahigit dalawang taon bago natapos ang pelikula?
Pagtatapat ni Vandolph: “We were supposed to be in Metro Manila Film Fest. E, siyempre, andami nang issues na nangyari. Ayaw na naming isipin.
“Baka talagang inadya na para dito kami sa Father’s Day dahil tribute naman talaga sa tatay, kay Kevin [karakter ni Dolphy] ito at saka kay Babalu.
“At saka sa mga tatay na nakasama namin doon sa Home Along Da Riles.”
Palabas sa mahigit 180 sinehan nationwide ang Home Along Da Riles: Da Reunion umpisa ngayong Hunyo 17, Miyerkules.
May special ticket prices ito sa mga sinehan:
PHP230 – Southwoods, Festive Walk, Cityfront, Lucky Chinatown, SM Cinema at Ayala Malls
Cinemas outside Metro Manila
P275 – Uptown Mall, Eastwood, Venice Cineplex, Greenhills Cinema, SM Cinema at Ayala Malls
Cinemas sa Metro Manila
PHP280 — Fisher Mall Cinemas (Malabon, Quezon City), Gateway Cineplex 18
Para sa updates, subaybayan ang Facebook page na Home Along Da Riles.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good
NOEL FERRER
Maraming napaiyak sa premiere night ng Home Along Da Riles: Da Reunion.
Akala raw nila, comedy lang ang movie, pero matindi pala ang kurot nito sa puso.
“It’s a nostalgic movie talaga, e. Ccoz yung mga edad namin noon, mga may edad na ngayon,” lahad ni Vandolph.
“May pamilya na. Sila na ang nagtatrabaho. Sila na ang nagbabanat ng buto. Para talagang family reunion hindi lang sa amin, pati sa kanila.
“Kasi siyempre, nung pinapanood nila ang Home Along, naaalala nila yung mga kasama nila na wala na, nanonood din ng Home Along that time.
“So, it’s a sobrang nostalgic movie.”
Ang aral o mensahe ng pelikula — pag pamilya, pamilya.
Tumango si Vandolph: “Pamilya, pamilya, di ba? Kasi sinu-sino pa ba ang magtutulungan at the end of the day kundi pamilya lang?
“Pamilya mo, pamilya kong ginawa. Ganun din yun, e. So, kahit anong unos pa yan, basta sama-sama, walang imposible.”
Co-stars ni Vandolph sa Home Along Da Riles: Da Reunion sina Nova Villa, Claudine Barretto, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Boy2 Quizon, Maybelyn de la Cruz, Dang Cruz, Jenny Quizon, at Pepe Herrera, with the special participation of Epy Quizon.
Nandiyan din sina Cita Astals, Ces Quesada, Sherilyn Reyes-Tan, Gardo Versoza, Vito Quizon, at OG Sunog Baga.
Nag-cameo sina Zanjoe Marudo, Mark Anthony Fernandez, at Small Laude.

Super pinaghirapan ang pelikulang ito at sariling sikap ng isang kakaibang pamilya — kaya magandang malaman kung nagkukunek pa ito sa audience na nagmahal sa comedy series nito noong panahong nakatutok pa talaga sa TV ang mga tao.
Read: Marian Rivera's viral Q&A with Jether Palomo resurfaces online
GORGY RULA
Rated PG (Parental Guidance) ng MTRCB ang Home Along Da Riles: Da Reunion. May kapilyuhan dito.
Si Claudine Barretto, nag-dialogue kaugnay sa spakol.
Si Ces Quesada, walang kagatul-gatol sa dialogue na, “Once you go black, you never go back.”
NOW SHOWING
Showing din today, exclusive sa SM cinemas, ang six-episode Ilocano BL series na All The Things I Leave You (Patawid).
PG din ang rating ng movie, kung saan may kissing scene at partial nudity ang dalawang bida na sina Benedix Ramos at Justin Paul Basobas.
Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) ay anim na banyagang pelikula ang opening in cinemas today, June 17.
Ang mga ito ay Hungry (PG), Saccharine (R-16), Toy Story 5 (PG), Voice Message (R-16), Tigers Are Not Afraid (R-13, exclusive sa Megaworld Cinemas), at 10s Across The Borders (R-16, exclusive sa SM Cinemas).
Iyong Saccharine ay Hunyo 3 ang unang napabalitang playdate. Nalipat sa Hunyo 10, at naurong uli sa Hunyo 17.

Sa susunod na Miyerkules, Hunyo 24, Araw ng Maynila, ay opening day naman ng Drags to Riches nina Christian Bables, Elijah Canlas, at Iñigo Pascual.
So far, ang nabalitaan naming kasabay ng Drags to Riches ay Supergirl at Power Ballad.
Read: Kenneth Marcelino defends Kenneth Cabungcal's open letter: "Na-overshoot lang ni Al."
