JERRY OLEA
PG (Parental Guidance) ang MTRCB rating sa Ilocano BL series na All The Things I Leave You (Patawid).
Meron ditong kissing scene at partial nudity ang dalawang bida na sina Benedix Ramos at Justin Paul Basobas.
Palabas ang six episodes ng BeneTin series umpisa Hunyo 17, 2026, Miyerkules, sa SM Cinemas nationwide.
Ang special ticket prices — PHP275 sa Metro Manila, P230 outside Metro Manila.
Ang Sine Sulit Promo prices kung Lunes, Martes, at Huwebes — PHP199 sa Metro Manila, PHP180 outside Metro Manila.
NOT EXPECTING A BLOCKBUSTER
Bakit sa SM Cinemas lang ito showing?
Pagtatapat ng producer na si Alemberg Ang sa mediacon noong Hunyo 15, Lunes ng hapon, sa Event Screen ng SM Aura, Taguig City, SM ang nag-offer na ipalabas ito exclusively.
“So we’re more than happy to show the film as part of Pride [celebration],” sambit ni Alemberg.
Susog ng direktor na si Jade Castro, gusto nilang mapanood ito ng mas maraming tao.
“With SM, baka naman, di ba?” pakli ni Direk Jade.
Anila, yung SM ang mas maraming sinehan sa mga lalawigan na marami ang nagsasalita ng Ilocano.
Dagdag ni Direk Jade: “Ako, personally, I’m not expecting a blockbuster… but kaya kami nandito ngayon, kasi gusto naming ma-reach yung audience na magbe-benefit from viewing it.
“Kasi minsan alam nating maganda yung sine pero mahal, tapos magastos pag pumunta sa mall.
“Pero minsan, nagugustuhan natin yung palabas. Minsan nagugulat ako pag pumunta ako sa sinehan, ‘Ay! Meron palang ganito! Sayang, hindi ko siya napanood!’
“So, yun ang hope ko, na yung mga tao, na puwede pala silang mag-enjoy ng ganitong pelikula. Sana makaabot sa kanila. Tapos sila ang pumunta sa sinehan at makanood.”
Pag-asam ni Alemberg, “Saka sana rin, sana lang may manood especially from the regions. Kasi it goes to show na merong clamor, merong audience ang regional cinema.”
Nag-shooting ang All The Things I Leave You (Patawid) sa Ilocos Norte, sa San Nicolas at Laoag City.
Nasa cast din ng Ilocano BL series sina Elle Pagdilao, James Lomahan, Brenda Lee Honorio, Lourdes Estabillo, Zairene Fernandez Aquino, Manolito Gonzales, Jem Theodore Arrieta, at Joshua Manalo.
Two hours and 43 minutes ang running time nito.

Salaysay ni Direk Jade: “We made it talaga as a series, six episodes. Pero nag-snowball na lang, e.
“Kasi nung napasok sa mga festival, tapos pinapanood siya nang buo, para siyang isang buong film, tapos na-invite nang na-invite.
“Tapos ngayon, gustong ipalabas sa sinehan. So, parang movie na rin siya… parang Avatar lang, isang mahabang pelikula lang.
“May mga parang chapters lang yung film. Parang iyon yung demarcation lines.”
Read: Benedix Ramos admits nerves over first BL kissing scene
NOEL FERRER
Na-enjoy ni Direk Jade Castro ang pakikipagtrabaho kina Benedix Ramos at Justin Paul Basobas sa Ilocano BL series na All The Things I Leave You (Patawid).
Pahayag ni Direk Jade, “I love working with both of them, sa totoo lang, pwera biro. Si Justin, first time kong na-meet sa audition. Si Bens, nakita ko na siyempre. “
Alam ko, magaling talaga si Benedix. Si Justin, nagalingan ako sa kanya sa audition.
“And then working with them was a blast. But also, may context akong idadagdag. Mas alam nila yung Ilocano kesa sa akin, e.”
Taga-Pangasinan ang BeneTin tandem. Si Benedix ay taga-Dagupan, samantalang si Justin ay taga-Alaminos. Pareho silang marunong mag-Ilocano.
Pagpapatuloy ni Direk Jade: “So, natututo rin ako sa kanila while we were working on this series/film.
“So, yung appreciation ko of working with them, hindi lang basta nagagalingan ako sa kanilang artista or gaano sila kagaling katrabaho, kundi naging learning experience din for me.”
A BL SERIES FOR THE PRIDE MONTH
Swak sa Pride month ang Ilocano BL series na ito. May aral na mapupulot dito ang mga manonood.
“In general, I want us to celebrate life. There’s always a struggle, e,” pagmamatwid ni Direk Jade.
“And with this film/series, may struggle but because of the genre, there’s also a possibility, no.
“Parang ako, I wanna tell everybody in the LGBTQ community and everybody else, na life is for celebrating din.
“We fight the fight but we must also have fun, and make ourselves happy.”
Ang sumulat ng istorya ng Ilocano BL series na ito ay si Lance D. Collins.
Ang script ay pinagtulungan nina Jerome Dulin, Sef Arcegono, Tim Rone Villanueva, Jade Francis Castro, at Joseph Daoang.
Handog ito ng Hawaii Institute for Philippine Studies, North Beach-West Maui Benefit Fund Inc., HK West Maui Community Fund, at Daluyong Studios.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources

GORGY RULA
Love letter sa Ilocano language and region ang All The Things I Leave You (Patawid).
Ipinagmamalaki ni Direk Jade Castro na isa ito sa mga pinakapaborito niyang obra sa kanyang career.
“May mga nagawa ako rito na gustung-gusto kong gawin,” lahad ni Direk Jade.
“Dalawang bagay. Isa, di ba, sa industriya, sanay na sanay tayong nandadaya ng locations.
“Yung magsu-shoot ka, kunyari dito sa Batangas pero nasa Rizal lang kayo, yung ganun. Nandiyan lang kayo sa Morong, di ba?
“Eto, nagawa talaga namin na as is, where is. Kasi, iso-showcase yung lugar, and yung culture. So, parang nakakatawa naman kung dadayain mo yon, di ba?
“Pangalawa, parang sanay din tayo na laging bida yung direktor. Naniniwala tayo na pag pelikula, boses siya ng direktor, di ba?
“Minsan, nire-reject ko yun, e. Na tingin ko, collaboration talaga ang pelikula. So dito, nagawa ko talaga.
“Naramdaman ko talaga na tool ako, tapos boses ng community yung nagsasalita. Mga katrabaho namin, mga writers namin, Ilocano. May mga intern, mga bata, puro mga Ilocano din.
“Hanggang sa pag-subtitle, parang andami kong… so parang naramdaman ko talaga na although siyempre inilalagay ko ang sarili ko, 'no, and all of my desires and passions, ganyan — but also, it’s the voice of somebody else other than me.
“So, parang nabubura ko yung auteur theory. Nabubura ko yung idea na bidang-bida yung direktor.
“So, minsan mahirap gawin yun, e. Kasi akala ng lahat, parang sa iyo tumitingin for everything. Dito, parang naramdaman ko talaga [na team effort].
“So, kaya isa siya sa pinaka-proudest kong nagawa.”

SETTING ASIDE HIS PRIDE
Taga-Southern Tagalog si Direk Jade, taga-Cavite. Hindi siya sigurado noong una kung dapat niyang tanggapin itong All The Things I Leave You (Patawid).
May mga Ilocano director naman. Pero siya raw ang choice ng writer na si Lance D. Collins.
“BL kasi, gusto niya yung feels. Yung vibe, ganyan. So, sabi ko, hindi ko magagawa ito kung hindi mga Ilocano ang katrabaho ko,” saad ni Direk Jade.
“So, sa shoot dapat laging may Ilocano na kasama. Nagsimula doon, yung mindset na alam ko, ako, kailangang maraming matutunan.
“I think iyon yung unang set, na dapat tanggalin muna yung yabang. Kailangang tanggalin muna ang yabang, at meron kang sine-serve na kuwento.
“Parang dapat, meron kang fidelity to a larger truth. Hindi yung parang ego na sumasagabal.
“So, yun ang kailangan mong gawin. And constantly siyang parang dire-diretso, sunud-sunod.”
Read: Ateneo players Sam Reyes, Kieffer Alas recount harrowing Aurora drowning tragedy
