GORGY RULA
Tabi na, mga vaklush na mahilig mag-sponsor at dyinodyowa ang mga guwapo at kilalang basketbolista!
Wala silang panlaban sa mga kababaihang mahilig tuhugin ang mga basketbolistang sinusubaybayan nila.
May nasagap na kuwento ang PEP Troika tungkol sa dalawang girlitang paboritong ipulutan ng mga pogilicious basketball players.
GURL NO. 1
Si Gurl No. 1 ay kilala rin sa ibang larangan ng sports. Related siya sa isang kilalang basketbolista.
Ang kuwentong nakarating sa amin, super chika raw si Gurl No. 1 sa teammates ng relative niyang basketbolista.
Ang tsikang nakarating sa amin, itong si Gurl No. 1 ay mahilig mag-boyfriend ng cagers. Wala raw itong pinapalampas lalo na kapag type niya ang basketball player.
Ang image tuloy nitong si Gurl No. 1 ay iniisa-isa ang mga type niyang players.
Kapag may type daw ang gurl na ito, makikipagkaibigan siya, tapos dyinodyowa na.
Ang latest na dyowa niya ay kilala ring basketbolistang "halfie."
Hindi ko gaanong kilala itong si Gurl No. 1, kaya slight ko siyang ini-stalk sa social media.
Hindi siya ganun ka-pretty pero ang lakas ng dating ng kaseksihan niya. Baka yun ang nagustuhan ng mga boylets sa kanya.
Komento nga ng isang ingiterang vaklush, kamukha raw ito ng isang gay comedian na may pagkailusyunada.
Keber ni Gurl No. 1, basta nag-e-enjoy siya sa mga nakakarelasyon niyang guwapong basketbolista.
Read: Claudine Barretto opens up about breakup with Milano Sanchez
NOEL FERRER
GURL NO. 2
E, kumusta naman si Gurl No. 2 na kilala rin sa larangan ng sports?
Isa siyang celebrity dahil sa mga content niya sa social media.
Tipong ganun din ang drama niya kagaya ni Gurl No. 1.
Pero dahil sa pagko-content niya, may konek siya sa mga basketbolista.
May image din siyang type makipag-hook sa basketball players.
Ganun din ang drama nitong si Gurl No. 2! Iniisa-isa raw nitong i-boyfriend ang mga basketbolista.
Pero tila behaved na raw itong si Gurl No. 2 dahil happy na raw siya ngayon sa dyowang basketbolista.
Parang seryoso na raw ang relasyon nilang dalawa.
Kaya paano pa makakaeksena ang mga yayamaning accla? Ano pa kundi mag-sponsor na lang sila sa mga hikahos na basketbolista.
May laban ba sila mga legit na gurls?!
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources
JERRY OLEA
May silent competition na ang dalawang gurls na itelds?
Interesting kung mag-compare notes sila ng conquests.
Sige, habang sariwa pa sila ay magmaganda sila.
Sa paglipas ng mga taon ay mababawasan ang kanilang alindog.
May new gurls on the block na kakabog sa kanila.
For all we know, nasa mga yayamaning bading na sponsors ang huling halakhak.
Maski itanong pa ninyo kina Tito K at Tio Paeng!
Read: Woman, 21, dies in freak bungee-jumping accident in Brazil
