GORGY RULA
Dinagsa ng manonood ang GSIS night ng musical play na Ibarra… Ngayon na pinagbibidahan ni Derrick Monasterio noong Hunyo 17, 2026, Miyerkules, sa GSIS Theater, J. W. Diokno Blvd., Pasay City.
Mahigit 600 ang seating capacity ng teatro sa orchestra at balcony. Naglagay pa ng monoblock chairs para makaupo ang iba pa sa audience.
Open technical dress rehearsal ito na dinaluhan ng fans at pamilya ni Derrick.
Maagang dumating si Elle Villanueva na sobrang proud sa nobyo.
Bago nagsimula ang palabas, dumating ang mommy ni Derrick na si Tina Monasterio kasama ang ilang kamag-anak. Pinalipat nila si Elle sa kanilang upuan.
Kitang-kita ng PEP Troika ang closeness ni Elle sa pamilya ni Derrick.
Pagkatapos ng palabas, sobrang tuwa nila dahil nagpakita ng galing ang Kapuso actor.
Bumagay ang boses ni Derrick sa entablado, at hindi rin siya nagpahuli sa mga magagaling na stage actors.
Labinlima ang kinanta ni Derrick, at marurubdob pa ang ilang eksena habang umaawit siya.
Read: Derrick Monasterio admits losing hope in PH amid political issues

ELLE VILLANUEVA AND TINA MONASTERIO REACT TO DERRICK MONASTERIO'S PERFORMANCE
Sabi ni Elle: “Yung nabigay niya dito, it was unexpected. It was the best.
"I saw him in his element na parang… yung alam ko, mahal na mahal niya yung craft niya.”
Sobrang proud din si Tina Monasterio sa kanyang anak. Hindi raw niya akalaing ganun kagaling kumanta ang anak.
“Siyempre sa akin nagmana!” pagmamalaki ni Tina.
Nagpahayag din si Tina ng suporta sa relasyon nina Derrick at Elle.
Nag-approve sign siya nang tinanong ng PEP Troika kung boto siya kay Elle para sa kanyang anak.
Gustung-gusto raw niya ang Kapuso actress para kay Derrick.
Tinanong namin kung nagpaalam na ba sina Derrick at Elle kung ano ang plano nila.
“Gustung-gusto ko na sana,” pakli ni Tina.
Handa na raw siya sakaling magpaalam ang dalawa na magpapakasal na sila. Nasabi na rin daw sa kanya ang tungkol dito.

NOEL FERRER
Nagulat si Elle Villanueva nang hiningan ng reaksiyon sa sinabi ni Tina Monasterio.
“Wow! Nasabi na pala ni Tita,” bulalas ng Kapuso actress.
“Wala pa naman kaming paalam kay Tita. Ngayon, naka-focus pa rin naman kami sa play niya. Ako naman sa show ko.
“So, wala pa naman kaming anything na…”
Pero gusto na raw ni Tina na magkaapo kina Derrick at Elle.
Reaksiyon ng Kapuso actress, “Si Tita talaga, naghihintay. Lagi niyang sinasabi sa akin, ‘Ano kaya ang magiging hitsura ng anak niyo, ganyan.’
“Hinihintay na talaga niya.”
Pero wala pa raw sa plano nila ni Derrick na magpakasal.
“Sa ngayon, hindi pa po, e. Siguro, let’s see. Kasi nasa tamang edad na rin naman kami, e,” saad ni Elle.
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources

JERRY OLEA
Bortang-borta si Derrick Monasterio bilang Crisostomo Ibarra. Dalawang beses siyang nag-display ng abs.
Ano ang pakiramdam niya matapos ang open TDR ng Ibarra… Ngayon?
“Sobrang masaya po kasi grabe yung support ng mga co-actors ko,” tugon ni Derrick.
“And ang sarap lang gawin nito sa panahon ngayon na alam niyo naman, medyo magulo sa government natin.
“And lahat ng songs dito, talagang tumagos sa amin.”

BACK TO MUSICAL AFTER SIX YEARS
Anim na taon na ang lumipas mula nang mag-theater debut si Derrick sa seventh edition ng hit musical na Rak of Aegis noong 2019.
Aniya: “This is so much different kasi this is hard, andaming kanta. Pero yun nga, ang galing ng mga kasama ko dito.
“Talagang sobrang maalaga din sila. Kasama ko siyempre ang pinakabeteranong soprano na trained internationally, si Andrea [Manuel-Stevenson], such an actress.
“Such a good singer. Grabe siyang magbigay kaya madali lang din makakuha. Kaya maganda yung nagiging eksena.”
Si Andrea ang gumanap bilang Maria Clara de los Santos y Alba.

Kabilang gusali ng GSIS Theater ang Senado.
Dahil sa mga kaguluhan sa Senado nitong mga nakaraang linggo, mas naging relevant ang mensahe ng Ibarra… Ngayon.
Pag-ayon ni Derick, “Totoo po iyan. Yeah.”
Mas naramdaman nila?
“Feeling ko kanina, politician ako, e!” bulalas ni Derrick.
Sambot ni Andrea, “Exactly, exactly!”
Nakipagtulungan ang GSIS sa Tanghalang Una Obra para sa Rise Against Hunger Philippines, para mabuo ang Ibarra... Ngayon mula sa libretto ni Jomar Fleras at sa ilalim ng direksyon ni Frannie Zamora.
May pagtatanghal pa ang Ibarra… Ngayon this Friday night sa GSIS Theater.
Bukas, Sabado, ay dalawa ang shows, 2:30 P.M. at 7:30 P.M.
Read: Ibarra… Ngayon rehearsals, ticket sales hit by Senate conflict

