JERRY OLEA
May gagawing sitcom sina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa GMA-7, at makakasama nila rito sina Rufa Mae Quinto at Bayani Agbayani.
Ibinalita ito ni Bayani sa opening ng Startista Gallery noong Hunyo 19, 2026, Biyernes ng hapon, sa Star City, CCP Complex, Pasay City.
Hindi pa masabi ni Bayani kung kailan sila magte-taping. May ibang sitcom daw na uunahing gawin ng Kapuso network.
“Kasi pala, ang patakaran ngayon, ipinapalabas muna sa streaming platform, sa Prime Video o sa Netflix, bago ilagay sa TV,” saad ni Bayani.
“Kahit yung mga soap, e. Ilalabas muna doon. Siguro, mas may kita. Pampadagdag doon sa ipo-produce.”
JOHN LLOYD PERSONALLY REQUESTED FOR BAYANI AND RUFA MAE
Sure na ba ang sitcom na ito?
“Sa pagkakasabi sa akin ni Lloydie, sure na. Si Lloydie kasi ang line producer,” tugon ng 57-anyos na si Bayani.
“Matagal ko nang kaibigan si Lloydie. Nagkasama kami sa TFC, sa abroad. Nag-guest ako dati sa kanila sa Home Sweetie Home.
“Tapos kami na yung naging mainstay, di ba? Kami nina Vhong Navarro, Toni [Gonzaga], Alex [Gonzaga].”
Nag-line produce at nagbida na si John Lloyd ng sitcom sa GMA-7, yung Happy ToGetHer, na umere noong Disyembre 2021 hanggang Agosto 2023.
Pagtatapat ni Bayani: “Alam mo, nakakatuwa, ang sabi sa akin nung producer at saka nung writer — maraming-maraming salamat, Lloydie — kasi talagang napakabait nung tao.
“Sabi niya, ‘Hindi ko ito gagawin kung wala si Bayani at si Rufa Mae Quinto.’
“Kaya sabi ko sa kanya, ‘Sige, sasamahan kita. Tutulungan kita. Tulung-tulong tayo!’”
Read: WHAT PEP KNOWS: Bea Alonzo and Vincent Co break up for good — sources
NOEL FERRER
Nagliwaliw recently sa Europe si Bayani Agbayani at ang wifey niyang si Lenlen.
“Sarap! One month kami hanggang Portugal. Kasi, pangarap naming mag-asawa yun, e,” sambit ni Bayani.
“Ahh 57 na ako, sabi ko sa kanya, ‘Mamasyal na tayo nang mamasyal!’ Kaya ang dami ko nang hindi tinatanggap na mga projects din.
“Yung kay Coco [Martin]. E, ayoko na ng… kasi commitment, e! Mag-daily. Siyempre andami ko na ring naging daily. Kahit birthday mo, hindi ka makaka-attend, e.
“Mahirap. Kaya yung mga sitcom na ganyan, at least once a week. Pag daily, not unless ang daily mo, noontime.
“Kasi pag noontime, puwede kang um-absent. Kasi marami kayo.”
Aling teleserye ni Coco ang tinanggihan niya, yung FPJ’s Batang Quiapo o Coco Martin’s Sigabo?
BAYANI PASSES ON COCO MARTINB'S SIGABO
“Hindi, hindi ko tinanggihan! Ahh, sinabi lang namin, saka na muna. Sigabo,” paglilinaw ni Bayani.
“Mahirap tumanggi. Baka mamaya, hindi ka na kunin!”
Ow, at least balik-comedy na si Bayani!
Excited akong makita sa screen ulit si Lloydie!!!
Kailan kaya mangyayari ang lahat ng ito? Sana soon!!!
Read: Lotlot de Leon breaks down on feud with Ian: "He can have it all!"
GORGY RULA
Dalawampu’t tatlong (23) statues na ang naka-display sa Startista Gallery.
Andiyan ang statues nina Lisa Macuja-Elizalde, Isko Moreno, Lucy Torres, Richard Gomez, Imee Marcos, Hidilyn Diaz, Django Bustamante, Efren “Bata” Reyes, Rhian Ramos, Angel Aquino, Rica Peralejo, Ruffa Gutierrez, Gladys Reyes, Pops Fernandez, Ashtine Olviga, Wilbert Ross, Bea Binene, Diana Zubiri, Ara Mina, Maui Taylor, Paolo Contis, Michael V, at Michael Flores.




Wala pa ang statue ni Bayani. Mga tatlong linggo pa raw iyon bago matapos.
Dalawampu’t limang (25) statues ang kasado nang itampok sa Startista Gallery, kabilang ang kina Bayani, Dolphy, Gabby Concepcion, and hopefully, Nora Aunor.
Trade secret daw kung magkano ang gastos more or less sa bawat statue.
BAYANI AGBAYANI ON STARTISTA GALLERY AND WALK OF FAME
Pakiwari ni Bayani ay hindi pa siya deserving malagay sa Startista Gallery. Maraming naunang komedyante na mas karapat-dapat daw kesa sa kanya.
Andiyan nga naman sina Pugo & Togo, Tintoy, Chiquito, Don Pepot, Redford White, Cachupoy, Babalu, Chichay, Panchito Alba, Rene Requiestas, Aruray, Bayani Casimiro, Tado, at marami pang iba.
Thankful siya na napiling mapasama sa Startista Gallery. Anong feeling niya nang alukin siyang gawan ng statue at ii-immortalize na?
“Masarap! Oo, magiging immortalized ako, hindi na ako mamamatay!” bulalas ni Bayani.
“Masarap kasi kung natatandaan niyo, meron si Kuya Germs [na Walk of Fame] sa Eastwood, wala kasi ako doon, e.
“Kaya kapag nadadaan ako doon, tumutulo ang luha ko,” pagbibiro pa ni Bayani.
May tampo ba siya kay Kuya Germs?
Mabilis na sagot ni Bayani, “Wala! Wala akong tampo kay Kuya Germs. Si Kuya Germs, kaibigan ko, kaibigan ng nanay ko.
“Di ba, lagi kami noong nagho-host sa Metro Manila Film Festival? Sa Luneta, lagi kaming magkasama.
“Wala, at OK lang sa akin. Ito lang naman, opinyon ko… sa akin lang, kung ako yung mamimili, e, pipiliin ko yung mga nauna.
“Yung mga talagang beteranong artista, na kung hindi dahil sa kanila, walang show business.”
Noong Enero 2016 pumanaw ang Master Showman na si German Moreno fondly called Kuya Germs.
Sakaling magparamdam sa kanya si Kuya Germs sa panaginip, ano ang message niya para rito?
“Kuya Germs, I love you! Nagkita na ba kayo ni Ate Guy?"
Read: Isabel Santos deactivates Instagram account after cryptic posts
