GORGY RULA:
Tanggap na ni Dennis Padilla kung walang makakarating na pagbati sa kanyang mga anak kay Marjorie Barretto ngayong Father’s Day.
Hanggang ngayon ay wala pa rin daw siyang natatanggap na mensahe mula kina Julia, Claudia, at Leon Barretto, pagkatapos siyang magpa-interview sa PEP Troika noong nakaraang linggo.
Ang hiling lang naman daw niya ay makausap ang kanyang mga anak, lalo na si Claudia na nag-file ng petition na tanggalin ang apelyidong Baldivia ni Dennis.
Hindi raw niya kokontrahin ito sa korte. Pero sana raw ay mabigyan siya ng pagkakataong mag-usap silang dalawa.
Kaya siya nagpa-interview sa PEP Troika para maiparating daw ang mensahe niya sa kanyang mga anak.
DENNIS PADILLA ON KIDS' SILENCE
Hindi rin daw alam ni Dennis kung na-block ba siya, at hindi rin niya natiyak kung nabasa ba ng mga anak niya ang mga mensaheng ipinadala niya.
Ani Dennis, “Actually, pag nagme-message ako, kunwari Christmas or gusto ko lang bumati ng birthday, I tried pa rin using pa rin yung Viber or text. Pero walang reply, e.
“Hindi ko alam kung nakakarating or hindi. Ang sender ba sa Viber, there’s a way kung nalaman natin na nabasa?”
Pinag-usapan pa namin kung paano malaman na nabasa ang mga ipinadala niyang mensahe.
“Sa Viber I think may double check, di ba? Pag nag-violet, ibig sabihin nabasa.
“So, sa mga huling Viber message ko nitong huli, walang check, e. So ibig sabihin, hindi nabasa.
“Sa text din, hindi ko din alam kung ano… kasi I think naka-iPhone sila, e.
“Kasi, di ba, sa iPhone meron siyang… I mean sa iPhone, puwedeng nakita nila yung message na hindi mo alam, nabasa nila.
“May ganun ba ang iPhone? Hindi ko alam kung may ganun, e. So, hindi ko sure.
“I tried to message, pero hindi ko alam kung nakarating o hindi.
“Hindi ko alam kung papano gagamitin yun, e. Kaya tina-try ko na makahanap ako ng paraan para maka-relay ako ng messages ko sa kanila.
“Iyun nga, nagta-try ako mag-message sa text or sa Viber, saka ito.
“Itong interview na ito na sana makarating sa kanila na gusto ko lang sana magkausap kami before dun sa initial hearing na na-move ng September,” sabi ni Dennis.
Read: Dennis Padilla accepts daughters' decision to remove his surname
NOEL FERRER:
Noong kasal nina Claudia at Basti Lorenzo, gumawa raw siya ng sulat para kay Claudia, pero hindi na raw ito naiparating sa kanyang anak.
Wala na raw siyang paraan kung paano ito maipadala kay Claudia. Kaya hanggang ngayon ay nasa kanya pa rin ang sulat na ito.
DENNIS PADILLA ON HIS LETTER TO CLAUDIA
Ipinadala niya sa PEP Troika ang nakapaloob sa sulat na iyun. Dapat ay ililipat pa raw niya iyun sa maayos na papel pero hindi na niya ito nagawa.
Ang nakasaad sa sulat na ipapadala niya dapat kay Claudia: “To my daughter CLAUDIA,
“Never question how loved you are.
“My heart chose you the moment I met you….
“You are a great blessing! So proud!!
“Now matter how big the world gets or how strong you become… you’ll always be my little girl…
"[Heart] Papa.”

Sa halip na ipadala ang sulat na iyun, nag-rant na si Dennis sa social media.
Aminado naman siyang pagkakamali niya iyun. Kaya inihihingi niya ito ng kapatawaran sa kanyang anak.
Read: Dennis Padilla says wedding rant may have led Claudia to drop Baldivia
JERRY OLEA:
Sabi pa ni Dennis Padilla, dito raw niya napagtanto na tama ang sinasabi ng karamihan, na ang mga anak ay kayang tiisin ang kanilang magulang. Pero ang magulang ay hindi.
Huwag daw sana umabot sa sitwasyon na napakatanda na niya o baka wala na siya, gusto nang makipag-usap o makipag-ayos ng kanyang mga anak.
Ani Dennis, “Nung araw, ang tatay at nanay ko pag nagsasalita sila sa akin ng ganun, hindi ko naintindihan. Nagagalit din ako sa tatay at saka sa nanay ko.
“Kaya lang, nung naging magulang ako, dun pa lang tumalab — na parang totoo, pag naging magulang ka na, saka mo lang maunawaan ang magulang mo.
“Kaya lang, ang disadvantage kasi, by the time na naging magulang ka, ang magulang mo, it’s either wala na, o ang tanda na nila.
“Parang mas limited na yung time mong makabawi. Kasi, nagkaedad ka na bago mo na-realize, e. So, yung magulang mo doble na yung edad."
Dagdag niyang pahayag, “Kamukha tatay ko, wala na tatay ko. Buti pa nanay ko, buhay pa. Marami pa akong tsansang makabawi. Sa tatay ko, nakabawi naman ako bago siya nawala.
“So, parang gusto rin sanang i-apply yun sa mga anak ko sa akin.”
Sabi pa ni Dennis, ang sinusunod daw niya ngayon ay ang pinaniniwalaan niyang “faith over fear.”
“Pag may pananampalataya sa Diyos, wala akong takot harapin ang mga pagsubok.
“Yung pag-reach out sa aking mga anak ay isang pagsubok. God will lead the way,” sabi pa ni Dennis.
