JERRY OLEA:
Magsasanib-puwersa ang Viva Hot Babes na sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, at Sheree sa pelikulang Project MILF na ipoprodyus ng Viva.
“Iyon ang pinakaaabangan na reunion ng mga napatangkad natin!” bulalas ni Maui sa opening ng Startista Gallery noong Hunyo 19, 2026, Biyernes ng hapon sa Star City, CCP Complex, Pasay City.
“Batambata ang mga leading man! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Title pa lang, aabangan na nila talaga.
“Because sasabihin nila, ‘Ay! Bakit MILF?’ Alam naman natin ang meaning ng MILF, di ba?
“So, the title itself, e, alam niyo na kung ano ang mangyayari sa pelikula. Ha! Ha! Ha! Ha!”
Of course, hindi Moro Islamic Liberation Front ang MILF sa pelikulang iyan. VMX level ba ang kapangahasan sa Project MILF?
“Hindi. More on ano siya, meron pa ring sexy. Meron silang aabangan sa lahat, sa bawat artista,” paglilinaw ni Maui.
“As to what level, e, abangan na lang nila kung kailan siya lalabas. Basta, magsyu-shooting na rin naman kami.”
MAUI TAYLOR NO PROBLEM WITH MOTHER ROLES
Nag-VMX si Maui. Andiyan ang Haliparot (2023) with Aiko Garcia, Matt Francisco and Aerol Carmelo, sa direksyon ni Bobby Bonifacio Jr.
Hindi alintana ni Maui na nanay ang papel niya roon.
“Yes, tumatanggap na rin ako ng mother roles. Kailangan na,” sambit ni Maui.
“Kita niyo naman ang mga anak ko, malalaki na. Hindi na puwedeng puro sexy.”
ON HER KIDS' REACTION TO HER SEXY ROLES
Kasama ni Maui sa opening ng Startista Gallery ang dalawang anak niyang sina Antoine na malapit nang mag-13, at Matteo na malapit nang mag-11.
Aware ang mga bagets na naging nagpa-sexy siya before?
“Feeling ko, alam na nila,” sagot niya.
OK lang kaya sa dalawang bagets na gagawa siya ng Project MILF?
“Kailangan naming mag-usap. Ha! Ha! Ha! Pero hindi naman super-level 5 iyong sa amin,” sey ni Maui.

Read: Dennis Padilla shows love letter to daughter Claudia
NOEL FERRER:
Sa mga naging leading man niya noon, sino ang gusto sana niyang makatrabaho muli sa Project MILF?
Pagtatapat ni Maui Taylor, “Ang nire-request talaga namin, ang isa sa mga guys sa MILF, si Wendell [Ramos]. Kaya lang, parang hindi yata puwede si Wendell ngayon.”
Dahil relihiyoso na si Wendell?
“Yes. Nag-ano na si kapatid, hindi na makaano,” natatawang pag-amin ni Maui.
“Pero request talaga namin siya. Kasi, siya naman yung leading man of all-time nung panahon namin.”
Nagkasama sina Maui at Wendell sa sa mga pelikulang Gamitan (2002) at Sex Drive (2008) na streaming sa VMX.
Kabilang pa sa sexy movies ni Maui na nasa VMX ang Hibla (2002), Torotot (2008), at Bugbog Sarado (2003).
Read: Ian de Leon responds to sister Lotlot's tirades against him
GORGY RULA:
Sinabihan na ba siya ng “MILF”? If so, ano ang reaksyon niya? Na-offend ba siya?
“Hindi [ako na-offend]. Actually, nakakatawa sila. Di ba? Kasi parang for a very young age, they look up to you,” mabining pahayag ni Maui Taylor.
“Tapos sasabihin nila na, ‘Oh, you’re the reason.’ Ganun palagi. ‘Ikaw ang dahilan, you’re the reason.’ Cute lang.
“Bakit sila puyat? Bakit mataas ang kuryente? Bakit mataas ang tubig? Yan, natatawa lang ako sa kanila.
“Sinasabi ko lang, ‘Congrats! Nakatulong ako sa inyo!’ Ha! Ha! Ha! Iyun lang.”
Nakipagrelasyon ba siya sa younger guys?
“Ay, wala! Hindi talaga, hindi ko kaya. Ayoko kasi ikaw ang gagastos dun. Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa muli ni Maui.
“Ikaw ang gagastos dun, di ba? Baliktad. Dapat men spend on you, not you spending on young men. Hindi ako ganun. No, no talaga.”
