PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

32 Years Later: The Manila Film Fest Scam That Shook Showbiz

"Take it! Take it!" became one of the most unforgettable lines in PH showbiz.
by PEP Troika
Published 7 hours ago
manila film festival 1994 scam
Thirty-two years after the infamous Manila Film Fest Scam, the controversy remains one of the darkest chapters in Philippine entertainment history. From the shocking envelope switch and Lolit Solis' confession to its lasting impact on the local film industry, the scandal continues to fascinate and divide showbiz fans decades later.
PHOTO/S: Files
ILLUSTRATION: Chat GPT

JERRY OLEA

Ngayong Hunyo 22, 2026, Lunes, ang ika-32 anibersaryo ng Manila Film Festival Scam.

Hunyo 22, 1994 ginanap ang awards night ng Manila Film Fest sa Manila Midtown Ramada Hotel, na kinatatayuan ngayon ng shopping mall na Robinsons Manila sa Ermita district.

Presenters para sa kategoryang best actor sina Ruffa Gutierrez at Nanette Medved.

Presenters sa kategoryang best actress sina Gretchen Barretto, Miss Mauritius Viveka Babajee, at ang younger brother ni Ruffa na si Rocky Gutierrez.

Ang talent coordinator ay si Lolit Solis, manager nina Nanette at Gabby Concepcion.

Ini-announce na best actor at best actress sina Gabby at Ruffa, respectively, para sa pelikula nilang Loretta na idinirek ni Mel Chionglo.

“Take it! Take it!” ang iconic line ni Viveka kay Rocky tungkol sa envelope, samantalang kitang-kita sa TV screen ang reaksiyon ni Gretchen na mukhang bothered.

Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz

manila filmfest 1994 scam
Gretchen Barretto, Viveka Babajee, and Rocky Gutierrez presented the Best Actress category in Manila Film Festival 1994.
Photo/s: File
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabihan ng accounting firm na Sycip Gorres Velayo & Co. (SGV) ang Manila mayor noon na si Alfredo Lim na ang tunay na best actor ay si Edu Manzano para sa Zacarias na idinirek ni Toto Natividad, at ang tunay na best actress ay si Aiko Melendez para sa Maalaala Mo Kaya The Movie na idinirek ni Olivia Lamasan.

Inamin ni Manay Lolit na siya ang mastermind ng MFF 1994 fiasco.

Katwiran ni Manay Lolit, akala niya ay si Richard Gomez na leading man ni Aiko ang nagwaging best actor. Magkaribal kasi noon sina Goma at Gabby.

Dahil daw sa pagmamahal niya kay Gabby kaya nagawa iyon ni Manay Lolit. Dahil sa scam ay naghiwalay ng landas sina Manay Lolit at Gabby.

Hindi pa uso ang internet, cellphone, at social media noong 1994, subalit kataku-takot na pang-aalipusta ang inabot ni Manay Lolit kapag nagsasadya siya sa Manila City Hall para sa hearing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabalita maging sa ibang bansa ang eskandalo.

Ang vice-mayor noon ng Maynila ay si Lito Atienza.

Read: Lolit Solis reflects on biggest takeaway from 1994 MFF scam

manila film festival 1994 scam
Photo/s: File

MANAY LOLIT SURVIVED THE SCAM

Inamin ni Manay Lolit ang kanyang kasalanan, at nagtangka siyang magpatiwakal.

Naka-survive si Manay Lolit at naging host ng Startalk (Oktubre 1995-Setyembre 2015).

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging alkalde ng Manila si Lito Atienza, at naging publicist nito si Manay Lolit.

Noong Mayo 20, 2025 na birthday ni Manay Lolit ay nagpa-dialysis siya.

Kinabukasan, Mayo 21, nagkaroon siya ng birthday celebration sa Oriental Palace restaurant & banquet hall sa Tomas Morato Avenue, Quezon City.

Ang saya-saya ng mga biruan doon, at napagkuwentuhan kasama ang mga alaga niya ang mga kaganapan sa 1994 Manila Film Fest Scam.

Present doon sina Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Benjie Paras and wife, Gladys Reyes, Lani Mercado, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, at Sandy Andolong.

Andoon din ang mother ni Pauleen Luna na si Mommy Chat, ang sponsor ng birthday lunch na si Faye Lorenz, Pat-P Daza, Tet de Joya, at ang PEP Troika.

lolit solis last birthday celebration
Lolit Solis (in stripes) with her guests at her birthday celebration at Oriental Palace on May 21, 2025.
Photo/s: Jerry Olea
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi na dumalo sa anumang awards ceremony si Manay Lolit hanggang sa pumanaw siya noong Hulyo 3, 2025 sa Far Eastern University-Dr. Nicanor Reyes Medical Foundation (FEU-NRMF) sa Regalado Ave., West Fairview, Quezon City.

Ibinurol ang kanyang mga labi sa Aeternitas Chapels & Columbarium sa Commonwealth Ave., Quezon City, at dumalaw roon si Gabby.

Read: Lolit Solis, hindi pinagsisisihan ang Manila Filmfest scam

"SWITCHING" UNTIL LOLIT'S DEATH

Hanggang kamatayan ay may “switching” sa kuwento ni Manay Lolit.

Pinagtalunan kung ano ba ang edad niya nang pumanaw, kung 78 o 80 — kung anong taon ba talaga siya isinilang.

Meron ding switchings sa mga puwesto ng funeral wreaths.

Nauna nang pumanaw si Viveka Babajee, 37 na nag-suicide noong Hunyo 25, 2010 sa Bandra, Mumbai.

Setyembre 21, 2019 yumao si Direk Mel Chionglo, 73.

Hindi inihayag sa publiko ang medical cause of death niya pero matagal-tagal na siyang nakaratay sa karamdaman noong panahong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa COVID-19 ay pumanaw si Mayor Alfredo Lim, 90, noong Agosto 8, 2020, at si Direk Toto Natividad, 63 noong Abril 27, 2021.

NOEL FERRER

Matapos ang 1994 Manila Film Fest Scam ay tumamlay ang local movies sa takilya.

Lugmok maging ang 20th MMFF noong 1994, kung saan walang pinagkalooban ng award para sa mga kategoryang best picture, Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award, best director, at best screenplay.

Ang official entries sa MMFF 1994 ay ang mga sumusunod:

Kanto Boy 2: Anak ni Totoy Guapo nina Ian Veneracion at Kimberly Diaz

Lucas Abelardo ni Roi Vinzon

Mama’s Boys 2: Let’s Go Na nina Anjo Yllana, Ogie Alcasid, Michael V, at Patrick Guzman

Ang Pagbabalik ni Pedro Penduko ni Janno Gibbs

Shake, Rattle & Roll V nina Ruffa Gutierrez, Sheryl Cruz, at Manilyn Reynes

Wanted: Perfect Father nina Dolphy, Dawn Zulueta, at Edu Manzano

Nakabangon kapagkuwan ang local movie industry, ngunit bumagsak muli sa paglaganap ng COVID-19 pandemic noong Marso 2020.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagsara kasi ang mga sinehan. Namayagpag naman ang streaming platforms, at lider diyan ang Netflix.

Umariba rin ang VMX (dating Vivamax) sa mga erotikong palabas.

Noong 2020 rin nawalan ng prangkisa ang ABS-CBN, at nakaapekto yun hindi lang sa local TV landscape kundi maging sa ating movie industry.

Read: Manila Film Festival Scam 1994: Mga katanungang hanggang ngayon ay wala pang kasagutan

THIRTY-TWO YEARS LATER

Ngayong 2026 ay may bago nang pag-ibig si Aiko, si Onemig Bondoc. Ang tandem nila ay tinaguriang OneKo.

Aktibo sa social media si Edu, partikular sa Facebook, at marami siyang kuwelang post.

Sa Startista Gallery ng Star City na nag-open noong Hunyo 19, Biyernes, ay kabilang sa 23 celebrities na merong statues sina Ruffa at Goma. Magkakaroon din daw si Gabby.

Nadawit si Gretchen sa kaso ng lost sabungeros.

But most of all, I miss Nay Lolit Solis!

GORGY RULA

Naalala ko pa two years ago, noong 30th anniversary ng MFF scam, parang natulala si Manay Lolit Solis nang nalaman niyang tatlong dekada na pala ang dumaan matapos ang malaking iskandalong sinimulan ng namayapang talent manager.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero noong huling gabi ng lamay ni Manay Lolit, inungkat ito mismo ng bunsong anak niyang si Sloopy. Binanggit nitong baka hanggang langit daw ay gumawa pa ito ng scam.

Na-off ang ibang nandoon sa lamay. Nag-react ang ibang alaga, na bakit binuhay pa raw itong scam na hindi pinag-usapan sa halos isang linggong lamay roon.

Pinalampas na lang namin yun alang-alang sa katahimikan ng lahat.

Lahat ay nakapag-move on na at ito lang ang ikinatuwa ni Manay Lolit, dahil nakita raw niya kung gaano katatag ang isang tao na dumaan sa ganitong mabigat na pagsubok.

Lagi niyang sinasabi noon: “Tingnan nyo si Nanette [Medved]. Sa halip na magmukmok sa pagkasangkot niya sa gulong yun, nag-aral siya. Nabago talaga! Tingnan nyo siya ngayon!”

Marami pa ang nasangkot na nakapag-move on at lalo pang umalagwa ang career.

Read: Lolit Solis: Far from perfect, fascinating till the last

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Thirty-two years after the infamous Manila Film Fest Scam, the controversy remains one of the darkest chapters in Philippine entertainment history. From the shocking envelope switch and Lolit Solis' confession to its lasting impact on the local film industry, the scandal continues to fascinate and divide showbiz fans decades later.
PHOTO/S: Files
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results