PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Demanding at salat sa malasakit na aktor, nilayasan ng driver

Driver, nagkasakit dahil madalas abutin ng hatinggabi sa pagda-drive sa aktor.
by PEP Troika
Published 5 hours ago
blind item actor and his driver
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Naghihimutok ang ex-driver ng yummilicious actor nang sandali kong nakausap sa opening ng Startista Gallery sa Star City, CCP Complex, Pasay City, noong Biyernes, Hunyo 19, 2026.

Umalis na siya kay Yummylicious Actor.

Nagmamaneho na siya ngayon sa isa sa mga artistang dumalo sa opening ng Startista Gallery.

SALAT SA MALASAKIT

Ikinumpara ni Driver ang yummylicious actor sa bago niyang amo. Napakalaki raw ng difference.

Napaka-demanding daw ni Yummylicious Actor. Salat sa malasakit.

Hindi man lang daw naisip ni Yummylicious Actor na napapagod din siya at kailangan ng sapat na tulog.

Madalas daw ay inaabot noon ng hatinggabi si Driver kay Yummylicious Actor, at dapat alas kuwatro ng umaga ay babalik siya uli.

Isang oras raw ang biyahe niya pauwi kaya halos wala na raw siyang pahinga.

Okay raw sana kung may overtime pay siya. Kaso, waley raw. As in, ngangey.

Hindi nga raw siya mapakain nito. Kaya puyat at pagod na siya, gutom pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang ending, nagkasakit siya.

Ang payo ng doktor ay dapat makumpleto ang tulog niya, or else…

Read: Cacai Mitra questions PHP94K electric bill; Meralco responds

NOEL FERRER

Yun ang rason kaya umalis si Driver sa paglilingkod sa yummylicious actor.

Nagpahinga muna siya.

Nang makabawi ng lakas, hindi na bumalik si Driver kay Yummylicious Actor.

Nakahanap siya ng ibang amo.

Napakabait daw ng artistang pinagtatrabahuhan niya ngayon. Napaka-considerate.

Para sa mga artista o celebrity, kailangang tratuhin nila nang mabuti ang mga nagtatrabaho sa kanila or else… kakalat at kakalat ang kasiraan nila.

JERRY OLEA

Dumalo sa opening ng Startista Gallery last Friday sina Bayani Agbayani, Gladys Reyes, Ara Mina, Maui Taylor, Michael Flores, at Lisa Macuja-Elizalde.

Sino kaya sa kanila ang bagong amo ng ex-driver ni Yummylicious Actor? Ang hirap hulaan dahil lahat sila ay mukhang mababait talaga at may malasakit sa kapwa.

Hopefully ay maayos na ang pakikitungo ni Yummilicious Actor sa bago niyang driver.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Otherwise, baka magpaalam din ito sa kanya, at ma-blind item na naman natin siya.

Read: Bayani Agbayani confirms upcoming John Lloyd-Ellen Kapuso sitcom

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results