PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lotlot, Dina reveal how they cope with pain of losing loved ones

Lotlot on Nora's death: "Sometimes I forget she’s gone."
by PEP Troika
Published 3 hours ago
lotlot de leon dina bonnevie 40 days
Lotlot de Leon (left) and Dina Bonnevie (right) turn emotional at the story conference of 40 Days as they reflect on the pain of losing loved ones. Lotlot shares how she continues to grieve National Artist Nora Aunor, while Dina reveals she still feels the presence of her late husband, DV Savellano, as they both navigate life after loss.
PHOTO/S: Dennis Evangelista / Gorgy Rula

GORGY RULA

Bago isiniwalat ni Lotlot de Leon ang kanyang saloobin laban sa kapatid na si Ian de Leon sa story conference ng pelikulang 40 Days noong Hunyo 19, 2026, Biyernes, hiningan muna ng PEP Troika sina Direk Louie Ignacio at Dina Bonnevie ng kanilang naramdaman at pinagdaanan sa 40th day ng pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.

Nang tinanong ko yun, nakita kong nag-iba ang mukha ni Lotlot. Ang dating sa akin, bakit pati siya ay isinama ko sa aking tanong.

Sa mga unang nagtanong kasi ay obvious na iniiwasan na ito ng aktres.

Pabiro lang ang sagot niyang mahina raw ang signal. Hindi niya masagot ang ilang katanungang may pahapyaw sa isyu nila ni Ian.

LOTLOT DE LEON ON GRIEVING

Pero nang tinanong namin ito kay Lotlot, dinugtungan ko ang tanong kung sa palagay ba niya ay bahagi pa rin ng pagdadalamhati nila sa pagpanaw ng kanilang ina na si National Artist at Superstar Nora Aunor ang pinagdadaanan nila ngayong magkakapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I think, grieving has it’s own time,” sagot ni Lotlot. “We don’t say that I’m not gonna grieve more tomorrow.

“Grieving is today you’re sad, maybe tomorrow you’re okay. The following day, maybe you’re just… lutang.

“The following day, you’re just happy remembering the person you love with all the beautiful memories. The following day could be something else.

“So, grieving is... it comes in waves, you know. It comes in waves and then you're just trying to live one day at a time. You just take it in.”

May pagkakataon daw na nakakalimutan niyang wala na ang kanyang Mommy Guy.

Naiiyak na sabi ni Lotlot: “But ako, to be honest, sometimes… when I think about Mom, I forget she’s gone.

“You know sometimes, iniisip ko, nandiyan lang siya. And then, you snap back and then you remember she’s no longer there.

“As I said nga, it comes in waves, but if there’s one thing, I guess, I would like, I’m sure with Direk Louie, with Ms. D, you’re carrying with the beautiful memories.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Those are the things that you would always be thankful and grateful for, that you are part of their journey in life.

"And that they are part of yours, and you’re just carrying that with you through time, until we’re here.

“And then, hopefully, whatever, you know, whatever beautiful memories that you’ve shared with them, you can pass it on and just tell everyone about the beautiful things that they’ve done in their life,” pahayag ni Lotlot.

https://youtube.com/shorts/BwiZpyKTxw4?si=WxfDIAy3ODS_PUQT

Pero pagdating sa kanyang mga kapatid, naging emosyonal si Lotlot at matagal itong napatigil na tila pinipigilan ang pag-iyak.

Sinabihan ko siyang sabihin lang niya ang kaya lang niyang sabihin, pero bumigay na rin si Lotlot sa huli.

Read: Lotlot breaks down in tears over Ian feud: "He can have it all!"

NOEL FERRER

Ngayong araw ng Lunes, June 22, nagsimula ang shooting ng 40 Days, kung saan isa sa kasama sa cast ay si Dina Bonnevie.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
dina bonnevie 40 days
Dina Bonnevie on the first shooting day of 40 Days
Photo/s: Dennis Evangelista Facebook

May alinlangan daw si Dina nang nabasa niya ang script.

Hindi raw nito alam kung ba niya ang ilang eksena na may kinalaman sa pagpanaw ng mahal sa buhay.

Pumanaw ang mister ni Dina na si former Ilocos Sur Governor Deogracias Victor "DV" Savellano dahil sa abdominal aneurysm noong January 7, 2025.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ng beteranang aktres: “Ako, parang iniisip ko, kaya ko bang gawin ang movie na ito? Kasi about death.

“Parang masyado pang fresh. Tapos yung mga eksenang nababasa ko, nandun yung coffin.

“Parang sabi ko, 'Oh my gosh! Baka mag-breakdown ako.' Kasi parang sariwa pa. Kamamatay lang ng asawa ko.

“But then, naisip ko na, oo nga ano, yung 40th day, ang naisip ko, mas naisip ko yung dad ko.

“Kasi, ako ang nag-alaga sa daddy ko. I took care for 17 years.

“It was so difficult when he died. Kasi nga, parang hindi nakauwi yung mga kapatid ko, because pandemic.

“So I was thinking, ano kaya kung nakauwi yung mga kapatid ko nung time na yun?

“Kumbaga, dalawa lang kami ng ate ko nung namatay siya.”

DINA BONNEVIE ON 40TH DAY

Pero ang sabi naman ni Dina tungkol sa 40 days ng isang namayapa: "But then, ano ba ang nangyayari nung 40th day. Wala!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kami as a Christian, we believe na when we die, you go up to heaven na kaagad, di ba?

“Especially if you received the Lord God as your savior. When you die, andun ka na kay Jesus.

“Then I found about my husband. Sabi ko, ano ba yung nangyari nung 40th day, 'no?

“I think it’s true na before the 40th day, may mga nararamdaman ka na he’s just around. Wala kang nakikita but you feel that he’s around.

“Sometimes umiiyak ako and then you suddenly feel na parang may yumakap na mainit na mainit, and then you’re wondering na bigla kang pinagpapawisan na naka-aircon naman.

“Pero, parang somebody is hugging me so tight. I know it’s him,” sabi pa ni Dina.

Read: Dina Bonnevie reflects on becoming a widow at 63

Dina Bonnevie longs for late husband's
Dina Bonnevie with late husband DV Savellano
Photo/s: Courtesy: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Marami ang nakapansing ang ganda ng pagpayat ni Dina Bonnevie. Napapanatili pa rin niya ang ganda, na hindi naman siya mukhang biyuda.

Sakaling may umaaligid sa kanya at gusto siyang ligawan, ie-entertain kaya niya? Handa na kaya siya sa panibagong pag-ibig?

“Ayokong planuhin,” mabilis niyang sagot.

“Parang in my mind, hindi ko iniisip na maghahanap ako ng bagong partner. Pero if it happens, it will happen.

“Parang bahala na si God kung ano ang plano Niya sa akin.

“Kung ang plano ba Niya sa akin ay tumandang may kasama o tumandang mag-isa. I don’t know.

“But for now, I think finocus ko talaga ang lahat sa sarili ko.

“So, balik-alindog, exercise every day, change ng diet, basa ako nang basa about health.

“Kasi, wake-up call sa akin nung namatay yung asawa ko na healthy naman sana siya, every day siya naglalakad, and yet, di ba, na-aneurysm siya.

“Actually, I keep reading about health and how to stay healthy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, malakas ako sa vegetables ngayon, less sweets, less carbs, and todo-exercise talaga.

“Ngayon, kung halimbawa na may darating na ibigay sa akin ni Lord, kasi alam naman niyang I don’t wanna grow old alone, tingnan natin.

“But I think God will put that desire in my heart. Pero sa ngayon, wala pa,” saad ni Ms. D.

Read: Dina Bonnevie "starting all over again" after husband's death

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lotlot de Leon (left) and Dina Bonnevie (right) turn emotional at the story conference of 40 Days as they reflect on the pain of losing loved ones. Lotlot shares how she continues to grieve National Artist Nora Aunor, while Dina reveals she still feels the presence of her late husband, DV Savellano, as they both navigate life after loss.
PHOTO/S: Dennis Evangelista / Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results