JERRY OLEA
Napangiti si Michael Flores nang makita niya ang kanyang statue sa opening ng Startista Gallery noong Hunyo 19, 2026, Biyernes, sa Star City, CCP Complex, Pasay City.
Ano ang naramdaman niya?
“Siyempre sobrang… ano ba? Flattering, overwhelming. I mean, well, blessed,” saad ni Michael.
“Kasi, maging part ka nitong gallery na ito, at least ngayon makikita na ng mga tao, e, pati ng mga kabataan ngayon.
“Makikita nila yung history ng show business, di ba? Yung iba’t ibang era. Iba’t ibang genre. From ‘80s, ‘90s.
“Makikita nila kung sino yung mga sumikat noong ‘80s, noong ‘90s. Meron nang history.
“Maiintindihan na nila na, ‘Uy! Eto pala yung mga grupo na sumikat noong ‘90s!’ For example, yung group namin, T.G.I.S., di ba?
“Doon nagkaroon ng youth-oriented show sa Philippine television. So this time, makikita na nila dito. ‘Ahh, ito pala yung grupo na yon during the ‘90s.’ Di ba?”
Umere ang T.G.I.S. tuwing Sabado noong Agosto 1995 hanggang Nobyembre 1999 sa GMA Network.
Maliban kay Michael, nasa cast nito sina Bobby Andrews, Angelu de Leon, Onemig Bondoc, Raven Villanueva, Red Sternberg, Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Sunshine Dizon, at Anne Curtis.
Read: Senator Sherwin Gatchalian reacts to Bianca Manalo’s message

MICHAEL FLORES HAPPY WITH HIS STATUE
Dagdag ni Michael: “Saka natuwa ako kasi yung statue, kahawig ko talaga, e! Kahawig ko talaga kaya nakakatuwa.
“Sana, yung height, pareho rin, e. Ang tangkad nung statue! Mataas nang konti. Sana ganun din yung height.
“Pero sobra, sobrang saya lang talaga! Alam mo yung isa pang pakiramdam ng may statue ka diyan?
"Nakakatawa talaga, so thank you din. Thank you talaga!”

NOEL FERRER
Ang ribbon-cutting ceremony ng Startista Gallery ay pinangunahan ni Fred J. Elizalde, chairman ng Star City at MBC media group.
Katuwang niya ang maybahay na si Lisa Macuja-Elizalde, at sina Gladys Reyes, Bayani Agbayani, at Maui Taylor.

Katatapos lang ng ribbon-cutting nang dumating sina Ara Mina at Michael Flores.
Yung cheongsam ng statue ni Ara ay inspired ng suot ni Richelle Go, ang character niya sa MMFF 2002 na Mano Po for which she won best actress.
Pero hindi silip-buttcrack ang cheongsam ng statue. Hindi backless.

“Nakakatuwa dahil siyempre grateful dahil sa dami-dami ng mga artista dito sa Pilipinas, napili ka,” sambit ni Ara.
“So siyempre, tayo naman, finit talaga natin sa schedule. Dahil at least meron nang parang Madame Tussauds dito sa Pilipinas, which is sinimulan ng Star City.
“Para hindi na sila pumunta ng Hong Kong, ng Singapore, di ba?”
Ang wax museum na Madame Tussauds ay nag-umpisa noong 1835 sa London.
Meron itong sangay sa Berlin, New York City, Hollywood, Shanghai, Wuhan, Tokyo, Hong Kong, Singapore, Bangkok, Dubai, Amsterdam, Blackpool, Budapest, Prague, Vienna, Las Vegas, Nashville, Orlando, at Sydney.
ARA MINA'S MEMORIES OF STAR CITY
Pagpapatuloy ni Ara: “At saka may sariling atin na. Suportahan natin yung sariling atin. At yung Star City, talagang kinalakihan ko ito, e. Dito ako lumaki.
“Nakipag-date pa ako dito. Ha! Ha! Ha! Ha! Di pa, pag mga teenager, dito ka dinadala nung mga date mo. Ng mga date, nung bata ka.
“In fact, last year, last December, dito namin ginanap yung birthday ng anak ko, si Mandy. Eleven years old na siya.
“Sabi ko, ‘Tingnan mo ito. Dito lumaki si Mama.’ Mandy, Tuesdy, Wednesdy, o, di, ba?” pagbibiro pa ng premyadong aktres.
“Eto, sabi ko, yan ang mga rides namin nung bata kami. Sobrang enjoy na enjoy siya, mga after lunch hanggang gabi kami dito.
“Tapos yung Snow World, ayun ang pinakahuli namin. Di ba, hindi na nila kailangang pumunta ng Lake Tahoe? May Snow World na dito.
“Sobrang na-enjoy ng mga classmates niya. Kasi magandang ma-experience yung ganito, hindi yung puro gadgets, di ba?
“Gusto ko ngang ma-experience nila yung mga ano, e, maglaro ng jackstones. Magpatintero.
“At least itong Star City, alam mo yung hindi napapagod mag-isip para sa ikakatuwa at magbigay ng entertainment sa mga Pilipino, sa mga kids.
“So ayan, let’s support Startista Gallery… thank you sa pagpili sa akin. At sana, marami pang maka-join dito sa Startista Gallery.”
Read: Ara Mina shares update about Cristine Reyes wedding preps
GORGY RULA
Ang unang mabubungaran pagpasok sa Star Gallery ay ang statue ng prima ballerina na si Lisa Macuja-Elizalde, kasunod ang kay Manila Mayor Isko Moreno.

Bale 23 statues ang nasa unang batch na nakalagay sa Startista Gallery.
Napabalitang tinanggal na yung statue ni Pops Fernandez, kaya 22 na lang.
So, if ever, ang iba pang mga naiwan ay yung statues nina Lucy Torres, Richard Gomez, Senador Imee Marcos, Hidilyn Diaz, Django Bustamante, Efren “Bata” Reyes, Rhian Ramos, Angel Aquino, Rica Peralejo, Ruffa Gutierrez, Gladys Reyes, Ashtine Olviga, Wilbert Ross, Bea Binene, Diana Zubiri, Ara Mina, Maui Taylor, Paolo Contis, Michael V, at Michael Flores.
Read: Pops Fernandez reacts after fans slammed her Startista Gallery statue
LISA MACUJA-ELIZALDE ON HER STATUE
Ano ang reaksiyon ni Ma’am Lisa Macuja-Elizalde nang makita niya ang kanyang statue?
“Actually natawa ako! Ha! Ha! Ha! Ha! Siya ang unang-una,” pagsisiwalat ni Ma’am Lisa.
“Bakit unang-una? Kasi nga, I guess ako iung unang-unang prototype. Ako yung experiment.
“So, ako yung inilabas na unang-una dun. And natuwa ako, kasi nga, kamukha ko!
“So I just think that first, it’s an honor to be part of this Startista Gallery. And I hope that it brings a smile to everyone’s faces when they go into the Startista Gallery.
“When you know, that recognition, and then that spark, sana that experience continues.”
Sarado ang Star City mula Lunes hanggang Miyerkules.
Kung Huwebes at Biyernes, open ito mula 2:00 P.M. hanggang 10:00 P.M.
Kung Sabado at Linggo, open naman ito mula 1:00 P.M. hanggang 10:00 P.M. pa rin.
