GORGY RULA
Maingay ang promo ng Coco Martin’s Sigabo na nagsimula sa primetime ng TV5, AllTV, A2Z, at Kapamilya Channel noong Lunes, June 22, 2026.
Umabot sa 404,124 ang peak concurrent viewers online ng pilot episode nito.
Ang buong akala namin ay itutumba nito ang katapat na The Master Cutter ng GMA-7 sa ratings.
Apat na istasyon na simultaneous ang airing ng teleserye nina Coco Martin at Julia Montes.
Kung aggregateda ratings ang labanan, malaki ang chance na talunin ni Gabo Magtibay (karakter ni Coco) ang serye ni Dingdong Dantes na sa GMA-7 at GTV napapanood.

Pero matibay pa rin ang The Master Cutter. Naka-9.9% ito noong Lunes.
Ang Coco Martin’s Sigabo naman ay naka-8.2%.
Kahit sa single channel lang pagbasehan, mas matibay ang The Master Cutter na 8.4% ang rating sa GMA-7 pa lang.
Pero kapansin-pansing mas mababa ito kumpara sa mga nauna nitong ratings na double digit.
Posibleng naapektuhan ito dahil sa pagdating ng Coco Martin's Sigabo.

HOW DID THE OTHER SHOWS FARE IN THE RATINGS?
Napanatili naman ng Taskforce Firewall ang madalas nitong rating na 7.8%.
Ang Blood vs Duty ay 3.3%, at ang A Secret In Prague ay 1.1%.
Ang sumunod na The Secrets of Hotel 88 ay 3.9%, ang My Bespren Emman ay 0.8%, at ang The Alibi ay 2.2%.
Ang Saksi naman ay 1.9%.
Read: Sigabo, Someone, Someday head to TV5 under new ABS-CBN deal
NOEL FERRER
Noong Lunes, Hunyo 22, din nagsimula ang You’re My Favorite Song na pinagbibidahan ni Caprice Cayetano kasama sina Heath Jornales, Clifford, at Marco Masa.
Nataon naman ito sa mababang viewership dahil may pasok na siguro ang mga estudyante.
Naka-3.7% ang You’re My Favorite Song; at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.4%.

JUNE 22, 2026 RATINGS
Narito ang ratings ng iba pang programa sa hapon noong Lunes:
Ang It’s Showtime ay 4.8%, at ang Eat Bulaga! ay 2.5%.
Ang Born To Shine ay 4.9%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 1.3%.
Sumunod ang Kamao na 4.7%, at ang High Street na 0.4%.
Pagkatapos ng Favorite Song, sumunod ang Fast Talk With Boy Abunda na naka-3%, at ang sumusunod na Lovers of The Red Sky ay 2.2%. Ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 5.6%, ang Minute to Win It ay 1.1%, at ang Una Sa Lahat ay 1.2%.
Ang 24 Oras ay 11.2%, ang Frontline Pilipinas ay 2.1%, at ang TV Patrol ay 3.7%.
Read: 32 Years Later: The Manila Film Fest Scam That Shook Showbiz
JERRY OLEA
Nabago ang primetime programming ng TV5 at AllTV sa pag-entra ng Coco Martin’s Sigabo.
Noong Hunyo 19, Biyernes, ang huling gabi na katapat ng The Master Cutter ng GMA-7 ang A Secret in Prague ng TV5, at ang Blood vs. Duty ng AllTV.
Umpisa Hunyo 22, Lunes, ang katapat lang ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes ay ang Coco Martin’s Sigabo sa AllTV at TV5.
Sa TV5, kasunod ng Coco Martin’s Sigabo ang A Secret in Prague sa 8:45 P.M. timeslot, at ang My Bespren Emman sa 9:30 P.M..
Sa TV5, susunod ang Frontline Tonight at Vibe Nights.
Kaya umatras na sa 11 P.M. ang Nag-aapoy na Damdamin, at sa 11:30 P.M. naman ang Pira-Pirasong Paraiso.
Sa AllTV, kasunod ng Coco Martin’s Sigabo ang Blood vs. Duty, at ang The Alibi: Ang Katotohanan.

JUNE 19, 2026 RATINGS
Samantala, noong Biyernes, Hunyo 19, ay finale episode ng Apoy Sa Dugo na naka- 4.5%. Ang Kapamilya Gold Hits ay 0.2%.
Ang It’s Showtime ay 5.1%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang Born To Shine ay 5.1%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.7%.
Ang Kamao ay 5.2%, at ang High Street ay 0.2%.
Pagkatapos ng Apoy Sa Dugo at Fast Talk With Boy Abunda na 3.3%, ang sumusunod na Lovers of The Red Sky ay 2.4%, at ang TV Patrol Express ay 0.6 percent.
Sumunod ang Family Feud na 5.6%, ang Una Sa Lahat ay 1.1%, at ang Minute To Win It ay 0.8%.
Pagdating sa primetime, ang 24 Oras ay 10.9%, ang Frontline Pilipinas ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 2.4%.
Ang The Master Cutter ay 11.3%, ang Blood vs Duty ay 3.5%, at ang A Secret in Prague ay 0.8%.
Sumunod ang Taskforce Firewall na 9.5%, ang The Alibi ay 2.4%, at ang My Bespren Emman ay 0.8%.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay 5.1%, at ang Love Your Enemy 1.4%.
Ang Saksi ay 2.1%.
Read: DonBelle's Tayo Sa Wakas crosses PHP110M at box office
