GORGY RULA
Tila gusto ng taumbayan ang nostalgic projects.
Nag-hit ang pagbabalik-concert ng SexBomb Dancers.
Maganda rin ang pagtanggap ng moviegoers sa pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion.
Kaugnay nito, isa sa naisip ng MAVX Productions ay buhayin ang isa sa pinakasikat na karakter ng Pilipino Funny Komiks noong dekada ’90 sa upcoming animated movie adaptation ng Combatron.
Sa mga walang ideya tungkol sa sikat na karakter na ito, ang Combatron ay likha ng beteranong komiks artist na si Berlin Manalaysay.
Naging paborito noon ng kabataang Pilipino ang Combatron dahil sa kakaibang pagsasama ng aksyon, katatawanan, at makabuluhang kuwento.

BRINGING BACK COMBATRON FOR THE FANS AND NEW GENERATION
Dahil sa nalalapit na animated film adaptation nito, muling mararanasan ng mga tagahanga ang nostalgia ng kanilang kabataan habang makikilala ito ng bagong henerasyon ng manonood.
Nang nakaka-text ng PEP Troika si Erwin Blanco ng MAVX, inamin niyang isa siya sa fans ng Combatron, kaya na-excite siya sa project na ito.
First time din daw nilang magpo-produce ng isang animated film.
Sabi ni Erwin: “Hindi na bago sa MAVX Productions ang paggamit ng nostalgia bilang bahagi ng kanilang storytelling.
“Successful yung ang pelikulang A Journey namin na pasok ito sa Top 10 sa Netflix sa 27 countries.
“Binalik namin yung cast ng Tabing Ilog, sina Paolo Contis, Kaye Abad, Patrick Garcia.
“Patunay ito na malakas pa rin ang koneksiyon ng mga manonood sa mga kuwentong nostalgic — yung nagbibigay ng alaala at damdamin.”
Read: Jonathan Sterling, Celeste Cortesi’s boyfriend, breaks silence on rumors

JERRY OLEA
Hindi pa masagot ng mga taga-MAVX kung isa-submit nila ang Combatron sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2026.
Mabusisi ang animated film at titiyakin daw nilang pulido ang pagkakagawa nito.
Basta gusto lang daw nilang mabuhay ang interes ng fans, yung talagang sumusubaybay sa Combatron.
Umaasa ang mga taga-MAVX na muling maabot ang parehong audience ng dekada ’90 habang ipinapakilala ang karakter sa mas batang henerasyon.
Tinitiyak nilang magugustuhan ng mga manonood ang kuwento ng Combatron na may kurot sa puso.
Si Jules Katanyag ang magsusulat nito.

Wala pang inilalabas na detalye tungkol sa cast at target release date ng proyekto.
Pero ang dinig namin, si Empoy Marquez ang napipisil na magboses sa bidang karakter dito.

Sa totoo lang, may film producers na ngayon na nagsisimula nang gumawa ng mga pelikulang balak nilang i-submit sa MMFF 2026.
Sabi ni Erwin Blanco, gusto ng MAVX Productions maging bahagi ng paglago ng Philippine animation industry, at gagawin nila rito sa pamamagitan ng Combatron.
Pero ngayon pa lang ay marami na ang nagsa-suggest na isali ito sa MMFF 2026.
Read: How did Sigabo fare against The Master Cutter in the ratings?
NOEL FERRER
Speaking of Filipino animation, bukod sa pinaplanong Combatron project, kaabang-abang ang apat na animation projects na tampok ang galing ng Pinoy.
SUN CHASER
Una, ang animated fantasy series na Sun Chaser kung saan kasama ang mga boses nina Ma’am Charo Santos Concio, Liza Soberano, Dingdong Dantes, Zia Dantes, Manny Jacinto, KD Estrada, AC Bonifacio, at JR de Guzman.

Napanood nang libre ang pilot episode nito sa YouTube umpisa Hunyo 23, 2026, Martes ng 12:00 noon.
Iprinodyus ito ng Manila-based Toon City Animation at Playlab.
Umiikot ang kwento ngs Sun Chaser kay Jordan Santos, isang teenager na dumating sa Pilipinas para magbakasyon.
Nagbago ang lahat nang may isang supernatural na banta ang gumulo sa kanilang isla.
Habang unti-unting nabubunyag ang mga sinaunang kapangyarihan at matagal nang nakatagong lihim ng kanilang pamilya, matutuklasan ni Jordan ang misyong hindi niya inaasahan — ang pangalagaan ang hangganan sa pagitan ng mundo ng tao at ng mga espiritu.

Ang Sun Chaser ay nilikha ng Filipino animation talents na sina Bobby Pontillas at Bernard Badion.
Nakakuha na ng international recognition ang Sun Chaser matapos nitong mapanalunan ang Animation du Monde Prize para sa international projects sa Annecy/MIFA 2025, isa sa pinakakilalang pandaigdigang plataporma para sa umusbong na animated projects at independent series.
ZSAZSA ZATURNNAH
Ikalawa, ang animated Zsazsa Zaturnnah premiere sa Festival international du film d'animation d'Annecy ni Direk Avid Liongoren.
The audience loved it daw.
We hope the rest of the world will do too!

ELLA ARCANGEL
Ikatlo, ang Ella Arcangel ng GMA Pictures, kung saan si Bianca Umali ang boses ng title character.
Puring-puri ni Ma’am Nessa Valdellon ang animated movie na ito.

FORGOTTEN ISLAND
At ikaapat, ang Filipino-inspired animated film na Forgotten Island kung saan tampok ang mga boses nina Liza Soberano, Lea Salonga, at H.E.R.
Nakatakda itong ipalabas ito sa cinemas worldwide sa Setyembre.
Bahagi ng soundtrack nito sina H.E.R., Liza Soberano, Lea Salonga, SB19, BINI, at KATSEYE's Sophia Laforteza.
Sana, tuluy-tuloy nang mapansin at matulungan at maitaguyod at mapalawak ang animation sa pelikulang Pilipino.

Read: Can PH finally get an Oscar nomination? FAP launches PHP25M campaign
