JERRY OLEA
Marami sa kakontemporaryo ni Maui Taylor sa Viva Hot Babes ang inactive na sa showbiz. Kumusta siya at ang kanyang career bilang artista?
“OK naman ako,” mabining tugon ni Maui nang mainterbyu ng PEP Troika sa opening ng Startista Gallery noong Hunyo 19, 2026 sa Star City, CCP Complex, Pasay City.
“Busy pa rin with shows. Kakatapos ko lang ng Kapamilya Deal or No Deal. Tapos ngayon, itong movie na Project MILF, inaasikaso namin.
“And maraming naka-lineup na projects for us sa Viva Movie Box. So, abangan niyo lang po because Viva will make a big announcement for me and for the group as well. Exciting times!”
Co-stars ni Maui sa Project MILF ang mga kasamahan sa Viva Hot Babes na sina Katya Santos, Gwen Garci, at Sheree.
View this post on Instagram
VIVA HOT BABES REUNION?
Meron bang reunion project sila ng iba pang Viva Hot Babes, considering na matagumpay ang reunion shows ng SexBomb Girls, at pumatok sa takilya yung pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion?
“Siyempre, like everyone, gusto rin naman namin na magkaroon kami ng reunion,” sagot ni Maui.
“Kaya lang, hindi pa talaga siya time. Hindi pa oras para mag-reunion kami for a concert. Saka if ever man siguro gagawa kami ng reunion, hindi sing-and-dance.
“Kasi hindi naman kami nakilalang singers and dancers talaga. Siguro ang magiging atake namin is parang yung Viva Hot Babes In The Flesh dati.”
Apat na batches ang Viva Hot Babes, at bale 36 silang lahat.
Ang siyam na OG Viva Hot Babes ay sina Maui Taylor, Katya Santos, Gwen Garci, Sheree, Andrea del Rosario, Kristine Jaca, Jen Rosendahl, Myles Hernandez, at Hazel Cabrera.
Nasa Batch 2 sina Asia Agcaoili, Ella V., Jaycee Parker, Anna Leah Javier, Jennifer Lee, Katrina Gonzales, Alyssa Alano, R’U Miranda, Vanessa Khain, at Maia Majendra.
Read: Maui Taylor on Project MILF: "Reunion ng mga napatangkad natin."
NOEL FERRER
May mga negosyong pinagkakaabalahan si Maui Taylor, kabilang ang rentals.
Pagtatapat ni Maui: “Meron akong skincare before, napabayaan ko lang after the pandemic pero bubuhayin ko na siya.
“And I’m opening a small business within our village. Parang delivery.”
MAUI TAYLOR GRATEFUL FOR SHOWBIZ CAREER
Naging maganda o mabuti ba ang showbiz para sa kanya?
“Yes, naging very maganda. Makulay, exciting. Naging successful itung journey ko sa show business,” saad ni Maui.
“Kaya thankful ako sa lahat ng mga taong sumuporta… sa mga direktor namin, sa lahat ng naniwala sa akin. Very thankful ako.”
Nakaranas din siya ng pangmamaliit ng ibang tao?
“Hindi naman maiiwasan yon. Siguro parang hindi natin maiiwasan yung bashers,” sabi ni Maui.
“Pero happy ako na na-prove ko sa kanila na I made it. So yon, yun lang, I made it, I’m here, I’m still here. So, thankful ako siyempre kay Lord.”
Sa mga mas batang artista na nakakatrabaho niya ngayon, nakaranas ba siya ng disrespect?
“Wala. Actually yung kasama ko sa Deal or No Deal, puro bata, e. Wala, wala. Sobrang mababait lahat!” bulalas ni Maui.
“Wala akong na-encounter lately.”
Ano pa ang inaasam niya sa kanyang career?
“Ako, actually hindi na ako nagwi-wish ng lead role, e. Kumbaga, kahit ano na lang ako,” matamang pahayag ni Maui.
“Basta may project, basta ongoing. Kasi alam niyo naman, single parent ako, di ba? Meron akong dalawang boys na pinapalaki.
“Basta yun, meron lang regular na tatatak pa rin kahit na sabihin mong second lead ka lang. Basta yung tumatatak sa mata ng publiko, masaya na ako doon.”
Read: Maui Taylor, meron ding unpleasant experience with young actress
GORGY RULA
May mga nagpaparamdam pa ba sa kanya na mga politician?
Pag-amin ni Maui Taylor: “Ahhh, meron naman din. Andiyan pa rin sila, hindi naman sila mawawala.
“Pero kasi ang focus ko ngayon, e, nasa mga anak ko. Sa sarili ko at saka sa kids. So, busy ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!
“Friends na lang kami. Kumbaga I turn them into friends.”
MAUI TAYLOR AS A SINGLE PARENT
Kasama ni Maui sa opening ng Startista Gallery ang dalawa niyang anak — si Antoine who’s turning 13, at si Matteo who’s turning 11.

Anong klase siyang nanay? Gaano kalaking panahon ang ibinubuhos niya para sa mga anak? Gaano siya katutok?
“Pag wala akong work, ayan, kasama ko sila sa house. Ako ang magluluto, like the other day, nagluto na ako ng apat na ulam,” kuwento ni Maui.
“Kasi nga, alam ko the whole day, mawawala ako. So I cooked for them para sa whole day.
“Ayan, kasama ko sila ngayon. Pag puwede silang sumama sa work, isinasama ko. Kasi yung panganay ko, gustong mag-artista.
“So, ipinapakita ko sa kanya, ini-introduce ko siya sa mundo natin kung paano ba.
"Pagdating sa school naman, pag may klase sila, gumigising ako for them.
“Kumakain ako with them. Pag-alis nila, e, saka na lang ako uli matutulog. No matter how puyat. So, I’m hands on.”
Nasa formative years ang dalawa niyang anak…
“Kailangan, e. Kailangan. Kasi, yon yung mga learning years nila na hindi mo puwedeng bitawan,” pagmamatwid ni Maui.
“Kasi doon mag-uumpisa yung foundation nila, e. Yung respect nila, yung pakikitungo nila sa tao.
“Parent ang mag-i-inject nun, hindi ibang tao.”
Anong reaksyon niya nang sabihin ni Antoine na gusto nitong mag-artista?

Napangiti si Maui: “Akala ko, nananaginip lang ako. Sabi ko, ‘Ano ba ito?’ Sinabi niya, gusto niyang mag-artista.
“Sabi ko, commercials muna. So, vini-TR ko siya. Natawa ako. Kasi nung nag-VTR kami, naalala ko yung mommy ko. Mommy ko yung sumasama sa akin dati.
“Ngayon, ako na. Sabi ko, ‘Ano ba ito?!’ Sabi ko, talagang bumabaliktad ang mundo, ano? So, ako naman ang sumasama sa kanya.”
Yung dad ng mga bagets, tumutulong ba? Co-parenting sila?
“Ay! Patawang tulong ang daddy. Ganun, sabihin na lang natin, patawang tulong. Ha! Ha! Ha! Yun na yun!”
Read: Maui Taylor, tinuldukan na ang kakaibang living arrangement sa ex-partner
