GORGY RULA
Hindi akalain ng mga taga-Star City na ganoon katindi ang magiging reaksiyon ng publiko sa bagong bukas na Startista Gallery, kung saan makikita ang mga estatwa ng ilang sikat na Pinoy celebrities.
Nakausap namin sa aming programa sa DZRH noong Martes, June 23, 2026, ang tatlong taong involved sa bagong attraction na ito ng Star City.
Si Jerry Santos ng Jerry Santos Lifesize Statues ang head artist sa mga ginawang estatwa.
Si John Galang ang project head ng Startista Gallery.
At si Dennis Antenor ang PR Officer ng Star City.

Simula noong Biyernes, Hunyo 19, naka-display sa Startista Gallery ang 23 statues ng kilalang celebrities sa showbiz, sports, at pulitika.
Pagkatapos ng grand opening, pinutakti ito ng iba’t ibang komento na karamihan ay pambabatikos sa ilang estatwang naka-display.
Pinakamaraming puna sa estatwa ni Pops Fernandez.
Dahil dito, nag-decide ang pamunuan ng Star City na tanggalin muna ito, pati ang kay Mayor Lucy Torres-Gomez, para ayusin.
Read: Pops Fernandez reacts after fans slam her Startista statue

STARTISTA GALLERY ARTIST BREAKS SILENCE
Pero hindi pa rin tumitigil ang bashing, at ang natamaan nang husto ay si Jerry Santos na gumawa ng mga estatwa na gawa sa resin print ang mukha, at fiber glass ang katawan.
Hand-painted daw ang mukha ng mga eistatwa.
Nakilala ang team ni Jerry sa paggawa ng animated characters.
Sila raw ang gumawa ng tallest Bumblebee sa ating bansa na kinomisyon ng Mobile Legends at licensed ng Hasbro.
Sila rin ang gumawa ng Voltes V na ini-release sa ibang bansa.
First time daw nilang gumawa ng estawa ng mga kilalang personalidad.
Pahayag ni Jerry: “Admittedly po, this is my first time na gumawa ng requirement is realistic yung mukha talaga ng tao.
“Kaya nga po ako’y nagpapasalamat sa tiwala sa akin ng Star City, dahil nag-risk po sila… na sa experience ko.
"Hindi naman po talaga ko gumagawa ng realistic. Pero nag-risk po sila sa akin na ipagawa itong project na ito.”
Bagamat aminado siyang hindi perfect ang pagkakagawa nila, idiniin niyang hindi pangit ang mga ito.
“Kung ako po, yung naramdaman ko, okay lang. Kasi, una, alam kong ginawa ko yung best ko,” saad niya.
“Ang alam ko, maganda talaga, sa akin. I can be biased kasi I’m part of the team. Pero, I believe, maganda.
“Kasi yung mga tumingin lang o nagsalita, hindi pa nakapunta [sa Star City], e."
Sabi rin ni Jerry: “Hind naman talaga perfect, e. Hindi po perfect ang gawa namin, pero hindi siya pangit.
“Hindi ko po tatanggapin na pangit ng gawa namin. Kahit po i-bash po ako ngayon.
“Kasi kung pangit po yan, e, hindi na yan tinanggap ng mga officers natin sa Star City. Hindi naman po siguro malabo ang mata nila."
Tanggap daw niya ang mga bashing na inabot nila, at nakahanda silang i-improve pa ang mga estatwa.
Nasasaktan lang daw siya sa mga matinding bashing, gayung ang mga namba-bash ay hindi naman daw nakapasok sa Startista Gallery.
Ani Jerry: “In terms po sa mga tao ko, dun po ako nasasaktan sa mga…kasi ako nga ho, okay lang.
"Pero pag nakikita mo yung mga tao mo na nasaktan, kasi pinaghirapan din naman nila yun.
“Gustung-gusto nila… mahal namin yung project, e. Tapos pinintasan, e, nakikita ko, nasasaktan sila. Kaya nasasaktan din ako.
“Iyon po yung reaction ko diyan. Pero naiintindihan ko po yung comments.
“Pero sa totoo lang, minsan kasi may bastos na, e.
"In-accept namin, hindi siya perfect. Pero hindi naman below the belt.”
Read: Ashtine laughs off "hindi kamukha" comments about her statue
JERRY OLEA
Inilahad ni John Galang, project head ng Startista Gallery, kung paano nila napagdesisyunang magtayo ng Startista Gallery sa loob ng Star City.
Nilinaw niyang wala silang ambisyong tapatan ang mga ganitong kahalintulad na museum sa ibang bansa.
Pero maganda raw ang pakay ng may-ari ng Star City na si Mr. Fred Elizalde na dagdagan ng magagandang section ang theme park para sa mga taong pumapasok.
Wala raw itong dagdag na bayad sa mga pumasok na sa Star City.
Ang pakay lang daw talaga ni Mr. Elizalde ay dumami pa ang attractions sa loob ng amusement park.
Ani John: “Nasa puso ng chairman natin na nasa puso niya, kung papaano ba mapaganda ito na ang pumupunta dito, masaya lalabas.
“So ito, primarily, itong Startista Gallery, sa ideas niya na para talaga ito sa mga pumupunta sa Star City.
“Iyon yung gusto niya para mapasaya dun sa mga pumupunta sa Star City.
“Nandito ka na, bakit hindi natin pasayahin?”
May 21 statues ang naka-display sa loob ng Startista Gallery at dadagdagan pa raw ito.
Ongoing daw ang mga pagbabago at dagdag na statues na ilalagay, kaya tuluy-tuloy ang mga babaguhin at aayusin kung merong kailangang ayusin.
READING COMMENTS AND SUGGESTIONS
Binabasa at kino-consider daw nila ang mga komento at suhestiyon ng iba. Hindi raw sila titigil sa pag-improve pa ng Startista Gallery.
Sabi ni John, “Lahat ng comments na nababasa, we will use it as inspiration.
"Kumbaga, habang yung conversation na nagagawa ng mga tao, parang additional information sa atin, e. Kung papano natin siya pagagandahin.
“Kasi ano ito, e… ongoing na project ito, e. Kailangan lang talaga natin magsimula.
“Tapos yung mga interactions, mga engagements na nakikita natin dun sa netizens, these are all ano… kahit negative yan, I will take it positively as inspiration.
“Alangan namang tumigil kami. We’ll just have to move forward and gamitin nating ano ang information we can take from these comments, gawin na lang natin para mapaganda nang husto yung ano…”
OK, kailangang bumalik tayo sa Startista Gallery sooner or later at tingnan kung may pagbabago ang statues nina Isko Moreno, Richard Gomez, Imee Marcos, Hidilyn Diaz, Django Bustamante, Efren “Bata” Reyes, Rhian Ramos, Angel Aquino, Rica Peralejo, Ruffa Gutierrez, Ashtine Olviga, Wilbert Ross, Bea Binene, Diana Zubiri, Paolo Contis, Michael V., Ara Mina, Maui Taylor, Gladys Reyes, Michael Flores, o Lisa Macuja-Elizalde.
Read: Rene Baterbonia's mother makes emotional plea at son's funeral





NOEL FERRER
Ayon naman sa PR Officer ng Star City na si Mr. Dennis Antenor, na-appreciate nila lahat na mga komentong ipinaparating sa Startista Gallery.
Negative at positive ay tanggap nila dahil marami raw sila natutunan, at malaki ang nagagawa nito sa lalong ikagaganda ng naturang gallery.
Pahayag ni Dennis: “Startista Gallery is very wide open. Pinag-uusapan po namin ang lahat na komentaryo.
“Kaya kami nagpapaliwanag ngayon, dahil baka akala niyo, hindi kami naaapektuhan. Naaapektuhan po kami. Kaya nga kami nagpapaliwanag ngayon, e.
“So ibig sabihin, nakikinig, binabasa po namin lahat na po ng mga bashing. Yung mga pumupuri, maraming-maraming salamat po.”
PERSONAL VISIT TO STARTISTA GALLERY
Pero sana, puntahan daw ang Startista Gallery, hindi yung namba-bash base lang sa nakikita sa video at litratong naipo-post.
“Isa lang yung pakiusap ko dun sa mga nagba-bash. Ngayong nakita niyo yung mga bina-bash ninyo, tapos pagagandahin.
“Dun sa mga nag-bash, puntahan niyo rin po kami. Tapos, ilabas niyo po yung komentaryo na nakita ninyo at naramdaman ninyong pagbabago dun sa bagong nakitang binagong nireklamo before.
“Ikuwento niyo rin po. That’s the challenge. Puntahan niyo po.
"See it face to face, yung mga statute po, at feel it. At iwan niyo po dun sa mismong Facebook ng Startista Gallery.
“Wala hong editing na mangyayari, walang magde-delete. Lahat po yan, babasahin namin at lahat po pakikinggan,” pahayag ni Dennis.
Ang maganda lang daw ay napansin at pinag-usapan ito ng taumbayan.
Wika ni Dennis: “Naisip ko lang, papano kung nai-launch namin ang Startista Gallery na wala man lang nag-react?
“Walang nagreklamo, walang pumuri?
"Kasi yung pagba-bashing, gusto lang nila ng pagbabago, di ba? Gusto nila meron lang silang sariling standards.
“E, kami ngayon, we’re now reading all these comments. Naiintindihan namin yung nararamdaman nila.
“Kasi, siyempre itong mga artistang ito, hindi naman sila mga artistang pangkaraniwan. Kaya nga sila hinahangaan, e.
“Ituluy-tuloy lang natin yung paghanga, lalung-lalo na sa mga Pilipinong gumagawa ng magagandang bagay.”
Gusto rin nilang linawin na ang Startista Gallery ay hindi para lang sa estatwang nakikita, kundi kung ano ang kuwento sa bawat estatwang naka-display.
Aniya: “Siguro ang pinaka-primary reason bakit pinatayo yung Startista, because kailangan pag-usapan kung ano yung mga naging kontribusyon nila sa industriya.
“Kailangan, hindi siya mag-stop. Kailangan, yung istorya na naipapasa from the magulang papunta sa mga anak.
“Right now, ang mga nakukuhang atensiyon ng Startista Gallery ngayon ay sapat para maging curious yung mga kababayan natin. Para malaman, para makita nang face to face.
Pag-imbita pa ni Dennis, “Puntahan niyo po nang face to face. Kasi kayo po ay magiging proud pag nasa loob ho kayo ng Startista Gallery.”
Read: Matet de Leon fires back at Ian: "Sana sinabi mo rin sa tao yung mga nagawa mong mali."
