PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vince Tañada brings Palanca-winning Ang Bangkay back to the stage

Vince Tañada makes bold Duterte remark during Ang Bangkay restaging.
by PEP Troika
Published 2 days ago
ang bangkay cast
Ang Bangkay returns to the stage for a limited run, with Vince Tañada saying its powerful themes of abuse, power, and accountability remain as timely as ever. In photo: The cast of Ang Bangkay (from left): Gerald Magallanes, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Adelle Ibarrientos, Yvonne Ensomo, and Vince Tañada.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Nagwagi sa Carlos Palanca Memorial Award ang dulang Ang Bangkay na akda ni Vince Tañada.

Nakailang pagtatanghal ang dula hanggang isapelikula at unang ipalabas noong 2022.

Tinampukan ang pelikula nina Vince Tañada bilang Señor Segismundo Corinto, Vean Olmedo bilang Isabel, Johnrey Rivas bilang Lemuel Alonzo, Mercedes Cabral bilang Miding, at Lili Montelibano bilang Oryang.

Naging official entry ito sa Sinag Maynila 2026 noong Marso 23-Abril 1, kung saan nagkamit ito ng tropeyo sa mga kategoryang best supporting actress (Mercedes Cabral), People’s Choice Award, best cinematography, at best production design.

Itatanghal muli ng PhilStagers Theater Foundation, Inc. (PSF) ang dula sa PSF Blackbox Theater, 2075-D G. Tuazon St., Balic-balic, Sampaloc Manila (malapit sa PS Bank).

Sa palabas ngayong Hunyo 26, Biyernes ng 8:00 P.M., ay tampok sina Vince Tañada bilang Señor Segismundo Corinto, Vean Olmedo bilang Isabel, Gerald Magallanes bilang Lemuel Alonzo, Adelle Ibarrientos bilang Miding, at Yvonne Ensomo bilang Oryang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hunyo 27, Sabado, ay dalawa ang pagtatanghal, 3:00 P.M. (sold out) at 8:00 P.M., kung saan si Johnrey Rivas ang gaganap na Lemuel.

Ang halaga ng tiket sa palabas ay PHP1,000.

Read: 9th EDDYs nominees: Vice, Dingdong, Jericho, Charo, Barbie, Maris lead acting race

ang bangkay psoter

RESTAGING OF ANG BANGKAY

Bakit naisipan ng writer-director-producer at bidang si Vince Tañada na i-restage itong Ang Bangkay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Naisali kasi yung pelikula sa Sinag Maynila kamakailan tapos sobrang dami nung nagko-congratulate na maganda raw yung pelikula,” pahayag ni Direk Vince sa Q&A matapos ang technical dress rehearsal noong Hunyo 25, Huwebes ng gabi.

“Kasi alam nilang play talaga ito nagsimula. So sabi nila, bakit hindi i-rerun yung play? So, nag-decide kaming i-rerun kahit na one weekend lang.”

Dahil nagwagi ang dulang Ang Bangkay sa Palanca ay libre itong isadula ng ibang theater groups.

“Hindi ko na alam kung ilang production ang gumawa pero dati, may gumawa, ginawa talaga nilang musical,” pagsisiwalat ni Direk Vince.

“Ako nga yung gumagawa ng musical, ginawa nilang musical yung Ang Bangkay. Parang… natawa ako, kasi musical yung Ang Bangkay. Parang natawa ako doon sa ano.

“Pero iba’t ibang interpretasyon, ganun naman talaga, di ba, kapag merong Palanca piece. Binibigyan din natin ng interpretasyon na iba.

“So sana, marami pang gumawa. At maimbita kami para mapanood namin yung mga gawa.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Startista Gallery artist responds to backlash: "Hindi perfect, pero hindi pangit."

GORGY RULA

Facebook post ng Philstagers Foundation kaugnay sa palabas, ito’y isang makapangyarihang obrang susubok sa iyong paniniwala, hahamon sa iyong konsensya, at magbubukas ng mga sugat ng nakaraan na matagal nang ibinaon sa limot.

Ano ba ang relevance ng Ang Bangkay sa mga kaganapan nowadays sa ating lipunan?

“Napakarami po, e. Actually, napakaraming symbolism na makikita natin doon sa dula,” pahayag ni Direk Vince Tañada.

“Tungkol talaga siya sa phallic symbol. The power of the phallus, so to speak. Yun talagang pang-aapi ng kalalakihan.

“Yung misogyny, sabi ko, napaka-relevant ngayon at nung nakaraang administrasyon.

“Na ito ay napakagandang protesta para maipakita natin na hindi lamang nangyayari sa loob ng tahanan.

“Kasi nga, nababasa natin sa mga tabloid, nakikita natin sa Tulfo, nagrereklamo minsan yung ama, ni-rape yung sariling anak.

“Ahh at nangyayari rin talaga sa bayan. Kaya mahalagang mapanood ito ng marami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Susog ni Johnrey Rivas: “Sa tingin ko po, ang pinakamahalagang aral nito na sumasalamin sa kasalukuyan ay para sa gobyerno…

“Na kahit anong baho pa ang gawin ng gobyernong ito, katulad ng bangkay sa Corinto, aalingasaw ang lahat ng kanilang eskandalo.

“Kahit gaano kalimot, o pinatay na, kung sino man ang mga pinatay nila — balang araw, malalaman at malalaman pa rin nila ang totoo.”

May dialog si Miding kay Isabel, “Kaiinggitan mo ang mga patay!”

KAIINGGITAN ANG MGA PATAY

Nang usisain ang cast kung ano ang kaiinggitan nila sa mga patay, ang sagot ni Direk Vince, “Ako, kapag may Duterte ulit na naging presidente. Parang sobra na po yon. Oo, kainggitan na natin ang mga patay kapag nanalo pa ulit ang isang Duterte.

“Sasabihin mong maging bangkay ka na lang… Proud po akong sabihin iyon.”

Read: Tacloban school shooting: two minor suspects face separate legal outcomes

NOEL FERRER

Maaaring tingnan sa iba-ibang layers ang mga kaganapan sa pamilya Corinto sa dulang Ang Bangkay, vis-a-vis sa mga nangyayari ngayon sa lipunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Vean: “Nangyayari siya currently right now pero kasi, may mga bagay tayong pinagdedesisyunan sa buhay natin, and itong pamilyang ito, kung makikita ninyo, lahat ng desisyong ginawa nila at mga masasamang ginawa nila — ginagawa nila yon because of love.

“Pagmamahal ng isang ama, pagmamahal ng isang anak, pagmamahal ng isang nobyo.

“So, ano ang kaya mong gawin pagdating na sa pagmamahal? Currently ngayon marami tayong nababalitaan din na mga pinagkakait nila yung anak nila, ayaw nilang mahawakan man lang, at meron tayong mga cases ngayon ng mga child abuse and all.”

Lima o anim na beses nang ginampanan ni Vean sa entablado ang karakter ni Isabel, na nag-iisang anak ni Don Segismundo.

Ani Vean: “Ang understanding ko po kasi, kung ire-relate ko siya sa buhay ko ay napaka-impossible po. Kasi never akong nareyp ng sarili kong tatay.

“So, siguro mas ibabase ko iyong nangyari kay Isabel sa mga naa-assault, cases of rape and all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Even before, nangyayari siya and until today, nangyayari siya. So, napakahirap tingnan at mabigat para sa akin dahil nga anak ako, at may tatay ako.

“Kaya bilang paghahanda, kailangan ang research at tingnan yung sa paligid natin kung ano ang nangyayari at gaano kabigat para sa kanila.”

Read: Rene Baterbonia's mother throws emotional plea at son's funeral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Bangkay returns to the stage for a limited run, with Vince Tañada saying its powerful themes of abuse, power, and accountability remain as timely as ever. In photo: The cast of Ang Bangkay (from left): Gerald Magallanes, Vean Olmedo, Johnrey Rivas, Adelle Ibarrientos, Yvonne Ensomo, and Vince Tañada.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results