JERRY OLEA
Coming soon sa TV5, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, iWant, at TFC ang teleseryeng Someone, Sunday starring Kathryn Bernardo, James Reid, and Maja Salvador.
Pero mauuna siyempre ang streaming nito sa Netflix.
Ini-announce ito ng ABS-CBN sa press release na inilabas ngayong Hunyo 26, 2026, Biyernes.
Naglabas ang ABS-CBN ng special poster at teaser para sa "modern, feel-good and progressive series with a heart" tungkol sa isang "young woman CEO who builds a dating app to help women find love."

Sanib-puwersa ang Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday sa Primetime Bida motorcade sa Hunyo 28, Linggo ng 4:00 P.M. sa San Fernando, Pampanga.
Maliban kina Kathryn at James, kasama sa motorcade sina McCoy de Leon, Gela Atayde, at Matt Evans para sa Someone, Someday.
Pahayag ng ABS-CBN, “As viewing habits continue to evolve, media companies continue to work together to bring more local programs to more audiences.
“Following the recent launch of Coco Martin's Sigabo, more viewers will soon also be able to watch Someone, Someday on more platforms.”
Read: Sigabo, Someone, Someday head to TV5 under new ABS-CBN deal
KATHRYN BERNARDO'S WAX FIGURE
Siyempre, abang-abang din ang Kathcakes sa unveiling ng wax figure ni Kathryn sa Hulyo 9, Huwebes, sa Glorietta Palm Drive Activity Center sa Makati City.
Ibinalita iyon ng Facebook page ng Madame Tussauds Hong Kong.
For sure, walang hahanash ng “Justice for Kathryn Bernardo”! Sa Startista Gallery ng Star City ay tinanggal na yung statues nina Pops Fernandez at Lucy Torres-Gomez.
Matutunghayan ang kaibahan ng wax figure ni Kathryn sa statues ng Startista Gallery!!!
NOEL FERRER
Pagbabando ng TV5 sa socmed: “She is that girl! She’s independent. She’s driven. She’s unstoppable.
“Pero even the strongest women, umaasa pa rin for someone, someday. “May bagong entry na sa Love List mo!
“Someone, Someday, coming soon sa TodoMax Primetime ng TV5.”
SOMEONE, SOMEDAY TIMESLOT
Anong timeslot ang ookupahin ng Someone, Someday?
Yung 8:45 P.M. timeslot ng A Secret in Prague sa TV5, na timeslot din ng Blood vs. Duty sa AllTV?
Eighty (80) episodes ang Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Streaming sa Netflix ang Episode 61 nito umpisa Hunyo 26, Biyernes. Hulyo 21, Martes, ang Netflix streaming ng Episode 80 o finale ng Blood vs. Duty.
As we write this, wala pa tayong balita kung kailan ang Netflix streaming ng Someone, Sunday.
Kung mag-i-streaming ito umpisa Hulyo 24, Biyernes, ibig sabihin ay Hulyo 27, Lunes, ang pag-ere nito sa TV5 at AllTV.
Ang Ghost Month 2026 ay Agosto 13 hanggang Setyembre 11.
Sabi-sabi, hindi magandang pasimulan ang anumang proyekto kung ang petsa ay sakop ng Ghost Month.
Read: Maui Taylor opens up about raising two sons as a single mom
GORGY RULA
Nag-umpisa ang A Secret in Prague nina Andrea Brillantes at Enrique Gil sa 8:00 P.M. timeslot ng TV5.
Nang ipalabas ang Coco Martin’s Sigabo sa Kapatid Network umpisa Hunyo 22, Lunes, ay umurong sa 8:45 P.M. timeslot ang A Secret in Prague.
Kung ang Someone, Someday ay ka-back-to-back ng Coco Martin’s Sigabo, iuurong ba sa 9:30 P.M. timeslot ang A Secret in Prague? O gagawin itong pre-programming ng Coco Martin’s Sigabo?
Matatandaan na yung Totoy Bato ni Kiko Estrada ay pre-programming last year ng FPJ’s Batang Quiapo.
One hundred and fifteen (115) episodes lahat ang A Secret in Prague, at Episode 46 pa lang nito ang mag-i-streaming sa Netflix ngayong Biyernes.
Sa Setyembre pa ang streaming ng Episodes 95 hanggang 115 nito.
Paano naman ang My Bespren Emman ni JM de Guzman? Ang timeslot nito ay kasunod ng A Secret in Prague.
Kapag umurong ang timeslot ng A Secret in Prague, damay ang My Bespren Emman. Umuurong din.
Sa ngayon ay nasa 9:30 P.M. timeslot nito.
May bali-balita noon na ililipat ang My Bespren Emman sa Hapon Champion ng Kapatid Network. Hintayin natin kung ganoon nga ang mangyayari.
Sina JM de Guzman at Carmi Martin ng My Bespren Emman, maging si Edu Manzano ng A Secret in Prague, ay pawang nasa cast ng Coco Martin’s Sigabo.
MANO PO LEGACY: THE FAMILY FORTUNE
Siyangapala, simula Hunyo 29, Lunes ng 3:15 P.M. ay mapapanood na sa TV5 ang rerun ng Mano Po Legacy: The Family Fortune ng Regal Entertainment.
Umere ito sa Kapuso primetime noong Enero 2022 hanggang Pebrero 2022.
Bida sa Mano Po Legacy: The Family Fortune sina Barbie Forteza, Sunshine Cruz, at Maricel Laxa.
Nasa cast din nito sina Boots Anson Roa-Rodrigo, David Licauco, Rob Gomez, Dustin Yu, Darwin Yu, Nikki Co, Casie Banks, David Chua, Almira Muhlach, at Victor Basa.

Mapapanood din kaya sa Hapon Champion ng TV5 ang dalawang kasunod nitong installment na Mano Po Legacy: Her Big Boss (Bianca Umali, Ken Chan, Kelvin Miranda) at Mano Po Legacy: The Flower Sisters (Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, Thea Tolentino, Angel Guardian)?
Read: How did Sigabo fare against The Master Cutter in the ratings?
