PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sunshine Garcia speaks up on rumored SexBomb rift

Is there Team Rochelle vs Team Jopay in SexBomb?
by PEP Troika
Published 8 hours ago
rochelle sunshine jopay
Sunshine Garcia (center) on alleged divide within SexBomb Dacers and Team Rochelle (left) and Team Jopay (right) rumors: “Sa pamilya, hindi natin maiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawaan... So, isipin niyo naman na ang dami namin. Magkakaiba kami ng pinanggalingan. May time talaga na hindi kami magkakasundo sa maraming bagay. Pero ang importante dun is nakikita nila kaming buo pag nagpe-perform."
PHOTO/S: Facebook

GORGY RULA

Maingat si Sunshine Garcia sa mga sagot niya nang tanungin ng PEP Troika ang matagal nang pinag-uusapang alitan umano sa mga miyembro ng SexBomb Dancers.

Nakausap namin ang dancer-actress sa launching bagong line ng perfume sa Beautederm na ipinangalan sa kanila ng mister niyang si Bulacan Vice-Governor Alex Castro, ang Sunshine at Alex.

Ginanap ito sa Beautederm building sa Angeles City, Pampanga, noong Huwebes, June 25, 2026.

Pagkatapos ng question and answer, nagpaunlak ang mag-asawa ng interview, at isa sa napag-usapan ay ang isyu umano sa SexBomb.

Bagamat maingat si Sunshine sa pagsagot, halatang ayaw niyang diretsahin na meron talagang hindi pagkakaunawan sa grupo nila.

Pero nilinaw niyang okay silang lahat at ang mahalaga ay magkakasama sila sa trabaho.

“Ang daming lumalabas na isyu,” pasakalye ni Sunshine.

“Kasi ganito yan, e. Kumbaga, yung fans ngayon, iba na rin. Minsan, gumagawa sila ng sarili nilang istorya.

“Sa pamilya, hindi natin maiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawaan. Ano na yan, given na yan. Kahit saan, sa magkakapatid, sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, isipin niyo naman na ang dami namin. Magkakaiba kami ng pinanggalingan.

"May time talaga na hindi kami magkakasundo sa maraming bagay.

“Pero ang importante dun is nakikita nila kaming buo pag nagpe-perform, at hindi nila makikita yung… kumbaga, kasi ang ilang fans, naaapektuhan sila.

“Huwag na sila maapektuhan.

"Kasi, at the end of the day, paggising nila sa umaga, meron silang personal na problema na dapat nilang ayusin.

"Tapos dadagdag pa kami. E, kung intindihin nila sa amin, madagdagan pa. Huwag na.

“Mga 40s na kami. Hayaan niyo na kaming… kaya namin ito. Kung meron mang hindi pagkakaunawaan, given yun,” saad ni Sunshine.

Read: Is a divide brewing within SexBomb Girls?

sexbomb dancers
Photo/s: Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SEXBOMB DANCERS MAINTAINS PROFESSIONALISM

Sumang-ayon si Sunshine sa sinabi naming maging professional sila dapat pagsampa sa entablado. Kailangang kumpleto silang nagpe-perform para sa kanilang fans.

“Isa na yun,” sambit niya.

“Siyempre, makikipagplastikan ba tayo na sabihin ko, hindi, di ba? Kailangan naming maging professional sa lahat ng bagay.

“Kasi ang gusto naming ibigay sa fans ay maging happy kami na buo kami.

"Kasi darating talaga yung time na maghihiwa-hiwalay kami. Magkakaroon kami ng kanya-kanya buhay.”

Habang mainit sila ngayon ay kailangan daw nilang namnamin ang lahat ng blessings na dumarating sa kanila.

Samantala, matagal nang close ang mag-asawang Alex Castro at Sunshine kay Ms. Rei Anicoche-Tan ng Beautederm. Finally, nabigyan sila ng produktong ie-endorse.

At noong Huwebes ay itinayo na rin ang kanilang billboard sa may NLEX.

Nandoon ang perfume nilang Sunshine at Alex, kasama sa iba pang collection nilang Bespoke, Rein, Rei, at Audrey.

Read: SexBomb rAWnd 4: stunts and surprises in an unforgettable reunion

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
sunshine alex rei beautederm
Sunshine Garcia and Vice-Governor Alex Castro with Beautederm owner Rei Anicohe-Tan (center)
Photo/s: Gorgy Rula

NOEL FERRER

Halata kay Sunshine Garcia na nagpaka-safe siya sa pagsagot sa isyu ng gap sa ilang kasamahan niya sa SexBomb.

Ayon sa mga naririnig namin, nasa kampo siya ni Jopay Paguia, na napapabalitang may isyu kay Rochelle Pangilinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal nakasagot si Sunshine nang tinanong kung "friends" ba sila ni Rochelle.

“Lahat kami, pamilya. Pamilya kami,” safe niyang sagot.

TEAM ROCHELLE VS. TEAM JOPAY?

Meron ba talagang Team Rochelle at Team Jopay?

rochelle jopay sexbomb
Rochelle Pangilinan (left) and Jopay Paguia (right)
Photo/s: Facebook

Sagot ni Sunshine: “Wala namang ganun kasi nakikita naman, nag-iikutan

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagkakataon lang na kunwari may pumapasok na booking, ang ginagawa ko...

"Kunwari pag may nag-i-inquire sa akin na galing sa kanya [Rochelle], alam yan ng mga nag-i-inquire sa akin na, 'Ito po manager niya, si Sir Perry [Lansigan], kumontak na po kayo, direct.'

“Baka mamaya, ‘O sige, ako na mag-aasikaso.’ Intindihin ko pa, di ba?

"O kaya, ‘Eto po yung TF.’ Baka isipin pa nila, nag-mark up pa ako.

“So, at least, sila pa ang nag-direct na mag-inquire mismo.”

Sa dami nila, hindi naman daw kailangang close silang lahat, lalo na’t may kanya-kanya nang pamilya ang karamihan sa kanila.

Ang mahalaga raw ay magkakasama sila sa trabaho.

Read: Startista Gallery artist responds to backlash: "Hindi perfect, pero hindi pangit."

SEXBOMB IN CANADA

Sa July nga ay nakatakda silang magkaroon ng shows sa Canada.

Saad ni Sunshine: “Nakikita nyo rin naman yan. Pag lumabas kami sa stage, isa pa rin kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro may mga personal kaming opinyon, may mga personal kaming problema. Pero hindi na dapat isama sa work.

“Kumbaga, kung anong sa amin, sa amin na lang yun. Hindi na para pagpiyestahan pa ng karamihan.

“So, maging happy na lang tayo na lahat kami nabigyan ng pangalawang pagkakataon. Na sila [fans], nakikitang buo kami.

“Iano na natin to. I-cherish na natin ito dahil, paulit-ulit naming sinasabi, hindi namin alam kung hanggang kailan.”

JERRY OLEA

Nagbigay rin ng opinyon si Bulacan Vice-Governor Alex Castro, ayon sa nakikita at naoobserbahan niya.

Saad ni VG Alex: “Nakikita ko sa kanila, parang grupo lang.

"Parang nasa classroom. Hindi naman lahat ng kaklase mo… eto, may row 1, row 2, tahimik ang barkada, kung sino ang magkakasundo.

“Hindi naman yung kung sino yung sikat, sila lang ang magkakasama.

“So, minsan katulad siguro ng mga post, minsan nakukuwento nga niya niya sa akin, ‘O, sinong kasama mo diyan?’ ‘Si Mia [Pangyarihan].’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Simula nung nakilala ko siya, eto lang yung lagi niyang kasama. Sa dami nun, hindi naman lahat, bitbit nila.

“So, siguro nakikita ko lang sa kanila, may kanya-kanya silang grupo. Pero hindi sila magkakaaway.

“Hindi mo lang nakikita na magkakasama sila lagi sa isang picture.

“Nakikita mo magkasama lang sa isang show. Yun lang yung nakikita ko, ha? Opinyon ko lang.”

sunshine and alex endorsement
Sunshine Garcia and Vice Governor Alex Castro
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ni Sunshine na walang leader ang SexBomb. Halos bawat isa raw sa kanila ay kanya-kanyang responsibilidad.

Aniya: “Lahat naman po kami, leader na ng mga kanya-kanya naming buhay. So, depende na lang po yan.

“Basta lahat kami, leader na. May mga kanya-kanyang ano yan. May kanya-kanyang... parang may kanya-kanyang assignment kami.

“Kumbaga ngayon, pantay-pantay na kami. Wala na yung… kasi as SexBomb kami.

“Yung pangalang SB yung sikat talaga, kung titingnan niyo. Kapag nandun ka sa loob ng SexBomb, lahat kayo, pantay na.”

Read: Does Jose Mari Chan still receive royalty from his hit songs?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sunshine Garcia (center) on alleged divide within SexBomb Dacers and Team Rochelle (left) and Team Jopay (right) rumors: “Sa pamilya, hindi natin maiwasan na magkaroon ng di pagkakaunawaan... So, isipin niyo naman na ang dami namin. Magkakaiba kami ng pinanggalingan. May time talaga na hindi kami magkakasundo sa maraming bagay. Pero ang importante dun is nakikita nila kaming buo pag nagpe-perform."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results