JERRY OLEA:
Rumatsada ang Sigabo ni Coco Martin sa TV5 umpisa Hunyo 22, 2026, Lunes ng gabi.
Nabalita kapagkuwan na ipapalabas din sa TodoMax Primetime ng TV5 ang Someone, Someday nina Asia's Superstar Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Siyempre, mauunang mag-streaming sa Netflix iyang Someone, Someday — hopefully bago mag-umpisa ang Ghost Month sa Agosto 13.
MORE ABS-CBN SHOWS ON TV5
At ngayong Hunyo 27, Sabado, ibinalita ng ABS-CBN na mapapanood na rin sa TV5 ang game shows na Kapamilya Deal or No Deal at Everybody Sing umpisa Hulyo 4 at 5.
Simultaneous ang airing ng mga iyon sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live on YouTube and Facebook, iWant, at TFC.
Bahagi ng press release ng ABS-CBN, “Luis Manzano, Ang Pambasang Host, continues to keep audiences on the edge of their seats in Kapamilya Deal or No Deal.
“Joining Luis are the new batch of lucky stars for a chance to win up to P1 million.
“Vice Ganda, the Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar, keeps the energy high in Everybody Sing,’ where members of the Songbayanan take part in guessing the correct lyrics and song titles in different challenges for a chance to win P1 million.
“As viewing habits continue to evolve, media companies continue to work together to bring more local programs to more audiences.
“More viewers will be able to enjoy watching Kapamilya Deal or No Deal and Everybody Sing every weekend on more platforms.
“The two weekend shows air back-to-back every Saturday and Sunday, beginning with Kapamilya Deal or No Deal at 7:30 pm, followed by Everybody Sing, 8:30 pm, on ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWant, and TFC.”
Read: Jhen Go opens up about alleged conflict with Jericho Rosales
NOEL FERRER:
Mas pinagtibay pa ng Kapuso Network ang The Master Cutter ni Dingdong Dantes.
Pak na pak ang drama at aksyon ng The Master Cutter na sabay-sabay nang mapapanood sa GMA, GTV, Heart of Asia, at I Heart Movies ng 8:00 P.M. simula Lunes, Hunyo 29.
Mas pinatindi ang bakbakan tuwing Lunes–Biyernes sa GMA Prime Actionverse!
Kasunod ng The Master Cutter ang Taskforce Firewall, at ang replay ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.
Read: Mister Teen Turismo La Guaira 2026 dies in Venezuela quake
GORGY RULA:
Buhay na naman ang telebisyon, at hindi maitatangging may network war na naman.
Pero iba ang labanan ngayon. Apat na istasyon, ang TV 5, AllTV, A2Z, at Kapamilya Channel. Sama-sama silang kukuyugin ang GMA-7.
Kaya tama ring isama na ang Heart TV, at kahit ibang oras sa GTV, dapat isama pa rin sa aggregated ratings.
Sa totoo lang, sa ganitong collaboration, tapatan, at mga bago pang napapanood na programa mula sa iba’t ibang istasyon, ang panalo talaga dito ay ang ABS-CBN.
Isipin niyo, anim na taon na silang walang prankisa, buhay na buhay pa rin sila kahit hilahod.
Nakakapag-produce ng magaganda ng content, nakakapagpasikat ng mga bagong artista, at ang Kapamilya pa rin ang may pinakamaraming sikat na artista.
Bakit nanatili silang namamayagpag?
Dahil na rin sa tulong ng mga istasyong may prankisa. Isa na rito ang Kapuso network na tinatapatan naman at pinipilit talunin ang mga programa nila.
