JERRY OLEA
Maayos ang co-parenting nina Ara Mina at Patrick Meneses sa daughter nilang si Mandy.
“Every weekend, nandoon si Mandy kay Patrick. Tapos Mondays to Fridays, nasa amin siya ni Dave," lahad ni Ara nang makatsikahan ng PEP Troika sa opening ng Startista Gallery noong Hunyo 19, 2026 sa Star City, CCP Complex, Pasay City.
Na-maintain ang friendship nina Ara at Patrick.
Dumalo pa si Patrick sa wedding nina Ara at Dave Almarinez noong Hunyo 30, 2021 sa Alphaland Baguio Mountain Lodges Chapel sa Baguio City.
“Mabait kasi ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” pagtawa ni Ara.
“Kasi ayoko ng nega. Ayoko ng toxic, nakakatanda. At saka nakakasakit.”
Meron ba siyang naging kaaway?
“I don’t like! Wala akong kaaway!”
Nagkaroon sila noon ng hidwaan ng younger sister niyang si Cristine Reyes, di ba?
“Alam mo, kahit sinong umaway sa akin, hindi ko inaaway because I’m calm,” pagmamatuwid ni Ara.
“I’m calm and friendly. Ibig sabihin, may something pag sila yung nang-aaway. Sila yung may problema.
“Kasi if you have inner peace inside, kalmado ka. Alam mo, kapag may anger ka, bitterness sa loob mo, nagko-cause yan ng sakit. Nakakatanda, at saka nai-stress ka.
“Bakit? Yung inaaway mo, mai-stress ba sa iyo?”
Read: Matet blasts bashers, challenges Ian to tell the whole story
NOT AFFECTED BY BASHERS
Paano yung bashers? Kapag may nabasa siyang negative sa socmed…
“Ay, hindi! Natatawa na lang ako. Hindi na ako affected,” sambit Ara.
“Di ba, may lumabas na ano? Yung parang nanlalaki daw iyung eyes ko… parang in-slow yung video tapos parang adik daw or something.
“Siyempre pag in-slow mo, tapos ang kapal ng eyeliner mo, e, talagang malaki naman ang eyes ko, e, di ba?
“So parang, ‘Ay! Alam na this!’ Yung mga comment na parang ano iyung word ng mga ahhh, ‘Ay! Dilat iyung mata!’ Mga ganun.
“Ano ba yan?! Ako pa ang pagbibintangan nila?! Talaga ba?! Pagbibintangan pa ako ng ano?! Yung ganun, natatawa na lang ako.
“Kasi ano, e, wala. Sanay na ako, sa tagal ba naman natin sa showbiz. Lahat ng ano, puwedeng sabihin sa yo.
“Basta ikaw, alam mo sa sarili mo, kilala mo yung sarili mo.
“Kaya para maging healthy tayo, huwag kang masyadong mamroblema. Paggising mo sa umaga, ‘Thank you, Lord, for this day. This day will be a good and fruitful day!’
“Positive lang kasi subukan nyo, ang ganda ng mangyayari talaga. Pag inuna mo ng bad trip, bad trip na buong araw mo.
“Pero pag inuna mo nang masaya ka tapos sinabi mo, good vibes… good vibes ang whole day mo. Tapos sunud-sunud na iyan.”
NOEL FERRER
Ang ganda-ganda at ang sexy-sexy pa rin ni Ara Mina. Keri pa ba niyang gumawa ng sexy or naughty project na mas bata ang love interest?
Napangiti si Ara: “Honestly, meron akong hindi natuloy na project sa iWant. Ano siya, ang leading man ko, 25, 26, 27 [years old]? Half of my age halos, di ba?
“Si Jeremiah Lisbo. Nag-workshop na kami. So, parang na-hold yung project. Oo, nag-workshop na kami for that project.”
Read: Mister Teen Turismo La Guaira 2026 Cristhian Bazan, 19, dies in Venezuela quake
ARA MINA ON PAST RELATIONSHIP WITH POLO RAVALES
Noong single pa siya, may nakarelasyon ba siya dati na younger guy?
“Ang pinaka-younger lang na naging boyfriend ko, three years younger than me, oo,” mabining saad ni Ara.
“Si Polo [Ravales]. Naging friends ko na rin siya. Nagkita kami sa Lovers & Liars [Nobyembre 2023-Enero 2024], nag-guest ako doon.
“Andoon din kasi si Polo. E, kasama niya yung wife niya, nagchika-chika kami doon.
“Dapat kasi noon, kukunin ko siyang trainer, hindi lang kami matuliy-tuloy dahil sa schedule. Tapos nagkaka-text-an kami.
“Ayun, ikinasal na pala sila. I’m happy for them. At least nag-settle down na si Polo, no?”
One year and seven months lang daw ang relasyon nila noon ni Polo. Yun daw ang pinakamabilis na relasyon ni Ara.
“Hindi kami masyadong nagtagal. Pero siyempre sa iba, matagal na yon, di ba?” sey ni Ara.
“Pero mostly ang relationship ko, tumatagal ng four years.”
DOES SHE HAVE REGRETS FROM HER PAST DECISIONS?
Looking back, meron ba siyang regrets sa mga naging desisyon niya?
Napabuntong-hininga si Ara: “Well, noong una, siyempre sasabihin ko, meron akong regret.
“Pero dahil kinondisyon ko na ang sarili ko, lahat ng nangyayari sa life natin, nakasulat na yan. May reason yan kung bakit nangyari yon.
“So, hindi ko na iniisip na magka-regret. Kumbaga, hindi ako magiging ako ngayon kung hindi nangyari ang mga iyon.
“Parang positive pa rin yung pananaw ko na wala akong pinagsisisihan. Kumbaga, hindi ko na siya ire-regret o pagsisisihan.
“At least naging makulay ang buhay ko. Na naging malalim na iyung pag-aarte ko dahil may pinaghuhugutan din ako.
“Kasi kung wala akong experience sa life, hindi rin magiging malalim yung acting ko, di ba? Yun yung pakiramdam ko, na pag marami kang napagdaanan, meron kang paghuhugutan sa craft mo, e.”
GORGY RULA
Yung statue ni Ara Mina sa Startista Gallery ay naka-cheongsam, reminiscent sa role niya sa Mano Po for which tinanghal siyang best actress sa MMFF 2022.

Idinirek iyon ni Joel Lamangan, na siya ring direktor ng sexy movie na Ang Huling Birhen Sa Lupa (2003) na nagpanalo sa kanya ng tatlong best actress trophies — sa Manila Film Festival, Golden Screen Awards, at FAMAS.
“Tapos nagkaroon pa ako ng mga Icon award sa iba’t ibang award-giving bodies,” pahayag ni Ara.
“Ngayon, Versatile Actress na ang nakukuha kong ano. Like kagabi, sa WCEJA [10th World Class Excellence Japan Awards], kasama ko sina Angel Aquino, Miss Rio Locsin.
“Kumbaga, parang nare-recognize na ako, na maliit man o malaking mga award-giving bodies, oo.”
May hunger siyang gumawa ng more challenging roles?
Mabilis na tugon ng premyadong aktres: “Yes! Yes, yes! I want to do a film na makakapagbigay pa rin ng best actress award. Challenging, na lalabas ulit yung acting mo.
“And I want to do a movie for kids. And I want to do a film na rom-com. Rom-com.”
POSSIBLE LEADING MEN FOR A ROMCOM MOVIE
Sino ang naiisip niyang makapareha sa romantic comedy film?
“Nag-usap nga kami ni PJ, e. Ni Piolo [Pascual]. Kasi sabi niya, ‘Oo nga, no, hindi pa tayo nagsasama together,’” pagsisiwalat ni Ara.
“Since That’s [Entertainment] days pa, magkakilala na kami. Magkaibigan na kami.
“So, ang nakakasama pa lang niya, si Cristine [Reyes]. Ahh let’s hope. I’m hoping.”
Sa young actors, sino pa ang gusto niyang makatrabaho?
“Well, nakatrabaho ko na ngayon, si Joshua Garcia. Pero bilang anak ko. Ha! Ha! Ha! Hindi bilang lover!” bulalas ni Ara.
“Ha! Ha! Ha! Ha! Pero in fairness naman, nasabi ni Miss Dina Bonnevie, ‘Your son is too old for you!’ Sabi ko, auhhhhh…
“Tapos natuwa naman ako na parang… ‘Parang hindi naman nanay ang tingin ko sa yo,’ sabi ni Joshua. Nakakatuwa naman.
“Pero thank you, thank you.”
Nagkasama-sama sina Ara, Joshua, at Dina sa 14-episode series na Love Is Never Gone, na nag-streaming sa Prime Video.
Dagdag ni Ara: “Nakakatuwa, kasi nung pinapanood ko lang si Joshua sa It’s Okay To Not Be Okay, nung natapos ko yung serye na yun, sabi ko, ‘Magaling itong batang ito, ah?!’
“Sabi ko, ‘I hope makatrabaho ko rin siya.’ Sa mga generation ngayon, ha? So, tapos biglang afterwards, may ano sa akin.
“Di ba, sabi ko sa inyo, e. Na-manifest. Kaya don’t say negative words about yourself.
“Lahat ng sasabihin niyo at lalabas sa bibig niyo, dapat walang pangit. Dapat lahat maganda.
“Di ba, noong bata tayo, sinasabi ko, ‘Gusto kong maging artista. Magiging artista rin ako balang araw.’ Naging artista ako.
“Tapos, ‘Balang araw, mami-meet ko rin si Sharon Cuneta. Kasi, puro kanta ni Sharon Cuneta ang kinakanta ko.’
“Tapos, ‘Pagdating ng award, magkaka-award din ako.’ Nagka-award ako.
“So lahat ng sasabihin mo, nama-manifest mo iyon, e. Kaya huwag kang magsasabi ng hindi maganda sa kapwa mo.”
Read: Battle of TV networks is back, but partnerships are still on
