PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda leads star-studded White Party Manila finale

SexBomb Dancers honored as Gay Icons at White Party Manila.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
vice ganda white party
Vice Ganda (in photo) headlines the White Party Manila finale as thousands gathered to celebrate love, equality, and inclusivity. The SexBomb Dancers received the Gay Icon of the Year award, while Metro Manila mayors showed their support for the LGBTQIA+ community in one of the biggest Pride celebrations of 2026.
PHOTO/S: Khym Manalo

GORGY RULA

Pinatunayan ng LGBTQIA+ ang power nila sa nakaraang selebrasyon ng Pride Month noong Sabado, June 27, 2026.

Dinagsa ng napakaraming tao ang Love Laban Pride event sa Quezon City, at meron ding White Party Manila: Reignite sa World Trade Center na in-organize ng Mentorque Productions sa pakikipagtulungan ng LoveYourself, Inc.

Halos napuno ang buong hall ng World Trade na dinaluhan din ng celebrities at pati mga nasa puitika.

Pinarangalan bilang Outstanding Allies of the LGBTQIA+ Community ang Metro Manila mayors na sina Joy Belmonte ng Quezon City, Francis Zamora ng San Juan, Emi Calixto-Rubiano ng Pasay, at Isko Moreno ng Manila.

VICE GANDA AS FINALE

Ilan sa mga nag-perform ay sina Marina Summers, Maki, Ben&Ben, Gloc 9, Maxie Andreison, SexBomb Dancers, at finale siyempre si Vice Ganda.

View this post on Instagram

A post shared by PEPalerts (@pepalerts)

Maaga pa lang ay nandun na si Vice Ganda.

Talagang pinaghandaan niya ang finale number niyang ganda-gandahan lang siyang rumarampa na may butterflies na nakakabit sa kanya, at may sumusunod na dalawang naka- white unicorn costume.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating din doon sina Martin del Rosario kasama si Yayo Aguila, dahil magpo-promote daw sila ng kanilang CInemalaya movie na Tayo Lang Ang Nakakaalam.

Isa sa unang nakatsikahan namin doon bago magsimula ang show ay si Ice Seguerra, na isa rin naman sa talagang sumusuporta sa LGBTQIA+ community.

Ang isa sa ibinahagi niya sa amin ay naka-hold daw muna ang plano nilang magka-baby ng kayang partner na si Liza Diño sa pamamagitan ng surrogacy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya: “Naka-freeze yung itlog ko, pero parang naisantabi na yung plano, e. Kasi ang daming ganap.

“Of course, we have our daughter naman, si Amara. So, right now, with our company, ang ganap talaga… parang 25 na yung mga anak namin, sobrang ganun yung feeling.

“I mean, I’m not closing my doors naman. Pero sa ngayon, it’s put on hold.”

Read: Jerry Yan speaks of a love now a memory; fans think of Barbie Hsu

JERRY OLEA

Ang producer ng Mentorque na si Bryan Dy ang sumundo kay Manila Mayor Isko Moreno.

Sabi ni Mayor Isko bago siya pumasok sa venue, sinabi niyang all-out ang suporta niya sa LGBTQIA+ community.

Protektado raw ang mga LGBTQIA+ sa Maynila.

“Safe na safe ang mga LGBTQIA, pati mga parents nila.

“We love this kind of peace of mind na may mga anak na LGBT,” napangiting pahayag ni Mayor Isko.

MAYOR ISKO IN HARI NG TONDO

Kinumusta namin kay Yorme ang partisipasyon niya sa bagong action-drama series nina Dennis Trillo at Ruru Madrid na Hari ng Tondo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hindi pa raw siya nagsimulang mag-taping, pero gusto naman daw niya ang role niya sa serye.

“Ano siya… it’s a good character,” tugon ni Yorme.

Mayor din ba ang gagampanan niya rito?

“Mangangalawit ng tolongges,” napangiti inyang sagot.

Hindi pa niya idenetalye ang role niya rit, pero halos kapareho rin daw ng trabaho.

“Not really. But almost the same function, manghuli ng mga criminal,” sambit ni Yorme.

Ipinagmamalaki niyang ipapakita rito ang kabuuan ng Tondo.

“The Tondo now. I know Manila is a contradicting city, e.

“Alam nyo naman ang Manila, madaming areas with different people. Halo-halo na. Diverse,” saad ni Yorme.

Suma tutal, successful ang White Party Manila noong Sabado.

Nag-post si Bryan Dy sa kanyang social media account.

Aniya, “Salamat. To everyone who showed up and became part of that beautiful sea of white, proving that Manila can come together as one, thank you.

“To everyone whose generosity helped make White Party Manila possible, thank you.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Cup of Joe's Gian Bernardino delivers emotional Pride speech

GORGY RULA

Kagaya ni Mayor Isko Moreno, nagpahayag din ng suporta ang ibang alkalde sa LGBTQIA+ community.

Pero meron pa ring tumutuligsa, na ang turing ng iba ay minority lang ang community na ito.

Meron pa ring hindi natuwa lalo na yung naapektuhan ng matinding traffic sa Quezon City na pinagdausan ng Love Laban 2026.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa nga si QC Mayor Joy Belmonte sa pinarangalan bilang Outstanding Ally of LGBTQIA+ Community, pero hindi siya nakadalo sa White Party sa World Trade Center.

Ang mga konsehal na sina Wency Lagumbay at Tope Liquigan ang tumanggap ng award.

Nandun din si San Juan Mayor Francis Zamora para tanggapin ang parangal.

Nagpahayag din ng suporta si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano. Meron pa siyang acronym na PRIDE, na ang ibig daw sabihin, Pasay Respects Inclusivity, Diversity and Expression.

SEXBOMB DANCERS: GAY ICON OF THE YEAR AWARD

Ang lakas din ng tilian nang tinanggap ng grupong SexBomb Dancers ang Gay icon of the Year award.

“Sa wakas!” tili ni Rochelle Pangilinan.

“Ang daming nagsasabi sa amin na pinalaki daw namin sila, na kami ang dahilan.

“Isang karangalan na bigyan niyo po kami ng ganitong klaseng parangal. Ang Gay Icon of the Year, dito po sa White Party. Maraming maraming salamat po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung kailan kami nagbalik saka niyo kami in-award. Ang tagal na naming nasa industriya.

“Pero ganun pa man, dumarating ito in God’s perfect time. At ito ang tamang panahon.

"Thank God. Maraming maraming salamat po.”

Lima lamang silang dumalo para tanggapin ang award: sina Rochelle, Aira Bermudez, Cherry Ann Panganiban, Jacky Rivas, at Mhyca Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-enjoy ang lahat nang nagpasiklab sila ng "SexBomb," "Halukay Ube," at "Spaghetti Song."

Tinanong namin ang kagrupo ni Jopay Paguia kung imbitado rin ba sila sa White Party, wala pa kaming natanggap na sagot.

View this post on Instagram

A post shared by PEPalerts (@pepalerts)

Read: Herlene Budol exposes alleged indecent proposal from "Gov"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda (in photo) headlines the White Party Manila finale as thousands gathered to celebrate love, equality, and inclusivity. The SexBomb Dancers received the Gay Icon of the Year award, while Metro Manila mayors showed their support for the LGBTQIA+ community in one of the biggest Pride celebrations of 2026.
PHOTO/S: Khym Manalo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results