GORGY RULA
Nakalabas na ng hospital si Heart Evangelista kahapon, Linggo, June 28, 2026, pagkatapos niyang ma-confine noong Biyernes, June 26.
Ipinost ni Resty Rossel, assistant ni Heart, noong nasa hospital ang actress-TV host.
Sabi ni Resty sa post niya sa social media (published as is): “Health is wealth Ganda.
"Sana naisip mo yan, rest rest din kpag may time, tapos itong mga lintek na bashers na to kung husgahan ka grabe, hindi nila alam kung gaano ka kasipag para kumita ng pera.”
Tinext ng PEP Troika si Resty para kumustahin si Heart.
Nakalabas na raw ng hospital ang The People Have Spoken host, pero kailangan pa raw nitong magpahinga.
Okay naman daw ang resulta ng mga lab test nito.
Sobrang napagod lang daw si Heart sa sunud-sunod na ginagawa nito.
Text sa amin ni Resty: “Sobrang pagod lang po talaga. Kasi, one week na siyang nilalagnat, work, work, work pa din, e.
“Nung Thursday, nag-taping siya ng The People… sobrang nahihilo na siya, nilalagnat, at masakit ang ulo.”
Kaya dinala na raw nila si Herat sa hospital kinabukasan.
“Okay naman ang labtest niya, and lahat ng ginawa sa kanya, okay lahat na results,” text pa uli sa amin ni Resty.
Ilang araw lang daw magpapahinga si Heart dahil medyo nahihilo pa ito at may nararamdaman pang sakit ng ulo.
Pero kailangan na raw niyang bumalik sa trabaho, lalo na ang taping sa The People Have Spoken.
Read: Cacai Mitra questions PHP94K electric bill; Meralco clarifies consumption pattern
NOEL FERRER
Kailangan na raw ni Heart Evangelista bumalik ng trabaho dahil sunud-sunod ang commitments niya.
Bago naospital ay galing siya ng Singapore para sa event ng Fendi. Bumalik lang siya sa Pilipinas para sa taping ng The People Have Spoken.
Nakatakda rin siyang pumunta ng China para sa shoot at event naman ng Max Mara.
Kaya kailangan daw makapag-taping ni Heart ng regular show niya sa GMA-7 dahil sa sunud-sunod na events at shoots na kailangan niyang gawin.
JERRY OLEA
Health is wealth, indeed.
Kailangang pangalagaan natin ang ating kalusugan, ano man ang ating edad o status.
Inaasam nating maayos na ang lagay ni Heart sa pagbabalik-trabaho niya!
Read: Matet de Leon fires back at Ian: "Sana sinabi mo rin sa tao yung mga nagawa mong mali."
