GORGY RULA
Kasama ni Esnyr Ranollo na dumalo sa White Party Manila na ginanap sa World Trade Center noong Sabado, June 27, 2026, ang baguhang si Jayson David.
Si Jayson ang bagong "love interest" ni Esnyr sa online series na First Day High.

Obviously, ang "date" nina Esnyr at Jayson sa White Party Manila ay promo sa tinatampukan nilang online series.
Si Jayson ay isa sa bagong talents ng LVD Management Corp.
Ipakikila siya sa pelikulang 40 Days na dinirek ni Louie Ignacio, pero napansin na si Jayson sa First Day High ni Esnyr.
JAYSON DAVID ON FIRST DAY HIGH
Malaki raw ang pasasalamat ni Jayson dahil kinuha siya ni Esnyr para sa First Day High.
“Sobrang grateful ko po na nakasama ko si Esnyr," sabi ni Jayson nang nakatsikahan ng PEP Troika sa nakaraang story conference ng 40 Days.
“In-invite niya ako bilang guest or bilang lead actor niya sa First Day High, yung series po.
“Sobrang malaking tulong po. Mas lalo po akong nakilala sa industry na ito. Malaking tulong po ito para sa akin.”
Magkaibigan daw sina Jayson at Esnyr, at nagpasalamat siya dahil kinuha siya para sa series nito.
“Dati pa magkaibigan na kami, nung 2025 pa, last year.
“In-invite niya ako, nung team niya, yung mga production. Pinili nila ako bilang ka-partner ni Jessa," banggit ni Jayson sa isa sa characters na ginagampanan ni Esnyr sa online series.
Dagdag niya, “Talagang thankful po ako sa inyo. Maraming salamat sa pag-imbita sa akin."
Read: Vice Ganda leads star-studded White Party Manila finale
NOEL FERRER
Puring-puri ni Jayson David si Esnyr Ranollo nung nakatrabaho niya ito, dahil napakabait at supportive daw nito sa kanya.
“Sobrang bait niya. Sobrang gaan niyang katrabaho.
“Talagang… she understands talaga as a first-timer nga. Malaking tulong siya sa akin,” sabi ng 20-year-old newbie actor.
Sa July ay mapapanood na raw ang bagong episode ng First Day High sa YouTube channel ni Esnyr.
“This coming July, meron kaming panibagong shoot na gagawin.
“So, abangan niyo lang guys yung episode 7 ng High School series,” pakli ni Jayson.
JERRY OLEA
Si Kathryn Bernardo ang matagal nang crush ni Jayson David, at isa sa pinapangarap niyang makatrabaho.
“Si Kathryn Bernardo po talaga yung crush ko po,” nakangiting sabi ni Jayson.
JAYSON ON DARING ROLES
Willing ba siyang gumanap ng daring roles? Okay ba sa kanya ang magpa-sexy?
Sagot ni Jayson: “Okay lang naman po sa akin yun… kahit anong role po, kayang-kaya yan kung talagang desidido ka bilang artista.
“So, talagang wala akong pinipiling role talaga. May mga limitations naman po tayo.
"Pero ang LVD Management na po ang bahala sa akin."
Read: Jerry Yan speaks of a love now a memory; fans think of Barbie Hsu
