GORGY RULA
Hindi lang sa mga programa ang collaboration ng TV5 at ng ABS-CBN kundi pati sa mga artista nila.
Dahil sa muling pagsasama ng dalawang networks, lalo nilang pinalawak ang kanilang collaboration.
Nabalitaan naming kukuha raw ang ABS-CBN ng talents ng TV5 at Star Worx para sa mga gagawing content ng ABS-CBN.
Collaboration is more collaborative the second time around.
At sabi ng taga-Kapatid network, “Reciprocity is the key word.”
DYLAN MENOR REACTS TO TV5-ABS-CBN COLLAB
Na-excite ang Kapatid artists nang hiningan namin sila ng reaksiyon.
Isa na rito si Dylan Menor na nakatsikahan ng PEP Troika sa studio ng Vibe noong nakaraang Sabado, June 27, 2026.
“Talaga?” bulalas ni Dylan. “Honestly, I’m just happy na slowly nagiging open na sa mga collaborations sa mga networks.
“It feels good kasi, it’s should have been that way, ever since na parang walang, network war ba ang tawag dun?”
Sana raw ay makaka-collab din ng TV5 ang GMA 7.
“So, I’m just happy na, you know, people get to be comfortable with each other despite na magkaiba kayong network.
“So, ngayon na nag-collaborate na ang ABS and TV5, and possibly ang GMA in the future, I feel so good as an artist or all the artists who aspire to work with a lot of mahuhusay na aktor at aktres,” sabi pa ni Dylan.
Si Dylan ay dating Kapuso nang maging bahagi siya ng youth-oriented series na MAKA, na umere sa GMA-7.
Sa Kapamilya artists, wish daw ni Dylan na makatrabaho si Anne Curtis.
Aniya: “Ever since kasi, childhood crush ko si Anne Curtis, until now.
“So, getting to work with her… aside from her beauty, sobrang galing niya as an actress.
“Her personality is the best. Very charismatic, very bubbly and yun…
"Kahit anong klaseng role ako, basta kasama ko si Anne Curtis, I’ll be happy.
“Pero sobrang madaming magagaling na aktor at aktres."
Wish din daw niyang makasama sa Coco Martin’s Sigabo dahil gusto raw niyang mag-action."
Read: Former actor Michael Sandico dies at 63
ADAM BUCK ON NETWORKS' COLLABORATION
Tinanong din ng PEP Troika ang Star Worx artist na si Adam Buck.
“Oh, that’s beautiful! Hopefully!" bulalas niya.
"That would be a blessing. Obviously, I would be grateful for that.
“Yeah! That would be beautiful.”
Kagaya ni Dylan, wish din daw niyang mapasama sa Coco Martin’s Sigabo.
“I would love to work with Coco Martin as well. That would be beautiful that would be amazing!” sabi ni Adam.

NOEL FERRER
Masaya rin ang TV5 dahil malaki ang naiambag ng ratings nila sa Coco Martin’s Sigabo, na nakikipagtunggali pa rin sa katapat na The Master Cutter ng GMA-7.
Walang ini-release ang AGB Neilsen na ratings ng Lunes, June 29, 2026, kung saan nadagdag na ang channels na I Heart Movies at Heart Asia sa aggregated ratings ng GMA-7.
Noong Huwebes ay panalo pa rin ang GMA-7 at GTV ratings laban sa apat na ratings ng TV5, AllTV, A2Z at Kapamilya Channel.
JUNE 25, 2026 RATINGS
Noong Huwebes, June 25, ang It’s Showtime ay 4.7%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Ang Born To Shine ay 4.6%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.6%.
Sumunod ang Kamao na 4.8%, at ang High Street ay 0.3%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang You’re My Favorite Song ay 3.8%, at ang sumusunod na Fast Talk with Boy Abunda ay 2.8%.
Ang Lovers of The Red Sky ay 1.9%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 5.8%, ang Minute To Win It ay 0.7%, at ang Una Sa Lahat ay 1%.
Sa primetime naman ay 10.4% ang 24 Oras; ang TV Patrol ay 3.1%; at ang Frontline Pilipinas ay 1.7%.
Ang The Master Cutter ay 9.7%, at ang Sigabo ay 8.8%.
Sumunod ang Task Force Firewall na 7.7%, at ang Blood Vs. Duty ay 3.3%, at ang A Secret In Prague ay 1.4%.
Ang The Secrets of Hotel 88 ay 4.3%, ang The Alibi ay 1.8%, at ang My Bespren Emman ay 0.7%.
Ang Saksi ay 2.2%, at ang Frontline Tonight ay 0.5%.
Read: Heart Evangelista's assistant takes a swipe at critics after health scare
JERRY OLEA
JUNE 26, 2026 RATINGS
Noong Biyernes, June 26, ay 4.6% ang It’s Showtime, at ang Eat Bulaga! ay 2.6%.
Ang Born To Shine ay 4.6%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.4%, at ang Frontline Express ay 1.7%.
Sumunod ang Kamao na 4.6%, ang High Street ay 0.2%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Hindi pa rin umaangat ang You’re My Favorite Song, na naka-3.3%. Tingnan natin kung hanggang kailan ito tatagal.
Ang sumusunod na Fast Talk With Boy Abunda ay 2.7%. Ang Lovers of the Red Sky ay 2.1%, at ang TV Patrol Express ay 0.7%.
Ang Family Feud ay 5.7%, ang Minute To Win It ay 0.6%, at ang Una Sa Lahat ay 1%.
Sa primetime naman, ang 24 Oras ay 10.8%, ang TV Patrol ay 2.9%, at ang Frontline Pilipinas ay 1.6%.
Ang The Master Cutter ay 9.3%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 8.3%.

Nananatili pa ring malakas ang Task Force Firewall na 8.2%, ang Blood vs Duty ay 3.7%, at ang A Secret In Prague ay 1.1%.
Ang finale ng The Secrets of Hotel 88 ay 4.7%, ang The Alibi ay 2.1%, at ang My Bespren Emman ay 0.8%.
Ang Saksi ay 2%, at ang Frontline Tonight ay 0.6%.
BACK-TO-BACK: COCO-JULIA AND KATHRYN-JAMES
Looking forward tayo kapag ka-back-to-back na ng Coco Martin’s Sigabo ang Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Nag-motorcade ang dalawang programa noong Hunyo 28, Linggo ng hapon, sa San Fernando, Pampanga, sa pangunguna nina Coco Martin, Julia Montes, Kathryn Bernardo, at James Reid.
Nakakatuwa ang pagsasanib-puwersa nina “Mara” at “Clara”!

Dahil sa motorcade, napag-alaman nating kasama rin sa cast ng Someone, Someday sina Bong Gonzales, Gela Atayde, Kat Galang, Majoy Apostol, Matt Evans, McCoy de Leon, Miggy Jimenez, Nicco Manalo, at Verna Periwinkle.
Read: Kim Chiu low-key reacts to past hallway incident with Ogie Diaz
