PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tatlong bagong urban legend sa showbiz: Totoo o fake news?

Newbie actor, ginawang sex slave ng girlfriend?
by PEP Troika
Published 5 hours ago
blind item urban legend
ILLUSTRATION: Chat GPT

JERRY OLEA

May mga urban legend sa showbiz na kahit na-debunk na ng mga sangkot na personalidad ay patuloy na pinaniniwalaan ng iba.

Andiyan ang viral myth sa magandang aktres at isang “old lady” kaugnay sa elevator sa isang gusali sa Makati City.

Kumalat ding kesyo ang isa pang magandang aktres ay nabiktima ng isang mahiwagang “halfie” (half-human, half-snake… taong ahas) sa isang mall sa EDSA.

NKKLK ang istorya na isinugod sa ospital ang magkasintahang artista na nakatalukbong ng kumot dahil "na-lock" umano sila.

Binabalik-balikan ng netizens ang urban legend tungkol sa isa pang magandang personalidad na diumano’y kleptomaniac, sa isang guwapong aktor na naging alaga raw ng isang business tycoon, at ang sanhi ng pagpanaw ng ilang kilalang artista.

Kinulam? Na-dehydrate sa E? Nagpatiwakal o pinatahimik?

Kuwentong-barbero, kuwentong kutsero.

Ang kanta ng isang banda ay tungkol daw sa eskandalo at pagkamatay ng isang starlet na ginahasa.

Nabuntis daw ang isang aktres pero inilihim iyon. Anak daw niya yung nakilalang nakababatang kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kim Chiu reacts after Ogie Diaz revisits their past encounter

YOUNG ACTOR NA-IN LOVE SA KAMAG-ANAK NA VETERAN ACTOR?

May mga istorya ring pinagbubulung-bulungan sa showbiz circles na hindi gaanong tanyag.

Halimbawa, ang isang aktor na brusko at kilalang babaero ay meron umanong bahid, at naging kalukudidang dengding dongdung ang isang multi-awarded actor.

Ang mas matindi, na-in love daw ang isang young actor sa isang beteranong aktor na kadugo niya.

Figuratively in the sense na parehong “luntian” ang kanilang dugo. Literally dahil magkapamilya sila.

Huwag ninyo nang alamin kung anong degree ng consanguinity.

GORGY RULA

May bahid ba ng katotohanan ang mga urband legend na ito, o gawa-gawa lamang as in fake news, propaganda, misinformation, disinformation, malinformation, or what have you?

Cautionary tale, conspiracy theory, o mangyayari pa lamang?

MATARAY NA AKTRES, BINALIKAN NG WAITER?

Nagtaray raw ang isang aktres sa isang waiter sa isang restaurant sa City of Stars & Starlets.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tahimik lang daw ang waiter habang tumatalakitok ang entitled na aktres.

Pero later on, bago i-serve ang inumin para sa aktres — ewan kung iced tea, pineapple juice, green mango shake o kung anuman — dinuraan daw ng waiter ang inumin.

Sa ibang version ng kuwento, isinawsaw raw ng waiter ang kanyang private part sa inumin bago iyon ibinigay sa mahaderang aktres.

Read: Former actor Michael Sandico dies at 63

NOEL FERRER

Meron ding kuwento sa isang male singer na noong bago pa lang sa music industry ay ginawa umanong sex slave ng kanyang bading na manager.

Obsessed at selosa raw si gay manager, kaya tuwing aalis daw ito at maiiwan si singer sa apartment na tinutuluyan, inila-lock daw ng gay manager ang pintuan.

History repeats itself, ika nga.

Noong kasagsagan ng pandemya, ang isang maalindog na starlet ay ikinukulong naman daw ng boyfriend nitong businessman sa condo unit na tinutuluyan nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NEWBIE ACTOR, GINAWANG SEX SLAVE NG GIRLFRIEND?

May kahawig itong kuwento noong nakaraang taon.

Ang isang newbie actor na lumabas sa erotic movies ng isang streaming app, ikinulong naman daw ng girlfriend nitong yayamanin sa condo unit.

Kuwento ng source ng PEP Troika: “Pinatigil ni selosang girlfriend si newbie actor sa paggawa ng mapangahas na pelikula. May allowance itong P10,000 every week.

“Ang kasunduan, makakalabas lang si newbie actor sa condo unit kapag kasama si selosang girlfriend. Otherwise, maiiwan si newbie actor sa condo unit na nakakandado.

“Pinagpasasaan ni selosang girlfriend ang katawan ni newbie actor. OK lang noong una kay newbie actor na maging sex slave dahil sexy at maganda ang selosang girlfriend na ilang taon lang ang tanda sa kanya.

“Pero makalipas ang ilang buwan ay naburyong si newbie actor, at nangayayat ang katawan.

“Nang makatiyempo ay tinakasan ni newbie actor si selosang girlfriend at tuluyan nang nakipaghiwalay rito.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: WHAT PEP KNOWS: The UP CMC Foundation and The Missing Millions

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results