JERRY OLEA
Sa Hulyo 21, 2026, Martes, ang Netflix streaming ng Episode 80 ng seryeng Blood vs. Duty nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.
Hulyo 24, Biyernes ng 8:45 P.M. ang pag-ere ng finale episode na iyon sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live.
Kumpirmadong sa Hulyo 24 mag-uumpisa ang Netflix streaming ng feel-good seryeng Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Hulyo 27, Lunes ng gabi, naman mapapanood ang pilot episode ng Someone, Someday sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at TFC.
Magiging available din ito sa iWant.
KATHRYN BERNARDO AS AN EMPOWERED WOMAN
Gaganap dito ang "Asia’s Superstar" na si Kathryn bilang empowered na babae.
Noong Hulyo 1, Miyerkules, ay naglabas ng special teaser ang ABS-CBN kung saan ipinasilip ang karakter ni Kathryn bilang ate, boss, at best friend.

Nasa cast din ng Someone, Someday sina Dimples Romana, Rowell Santiago, Rita Avila, McCoy de Leon, Daniela Stranner, Migs Casimiro, Bong Gonzales, Gela Atayde, Kat Galang, Majoy Apostol, Matt Evans, Miggy Jimenez, Nicco Manalo, at Verna Periwinkle.
Inaasahan nating raratsada ang promo ng Someone, Someday, na nag-motorcade kasama ang cast ng Coco Martin’s Sigabo noong Hunyo 28, Linggo ng hapon, sa San Fernando, Pampanga.
Ia-unveil ng Madame Tussauds Hong Kong ang wax figure ni Kathryn sa Hulyo 9, Huwebes, sa Glorietta Palm Drive Activity Center, Ayala Center, Makati City.
Dadalo kaya rito ang rumored boyfriend ni Kathryn na si Lucena City Mayor Mark Alcala?
Read: Kim Chiu posts subtle clapback to past hallway incident with Ogie Diaz
NOEL FERRER
Magkatambal sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa highest-grossing Filipino film of all time, ang Hello, Love, Again (2024).
Dating magkasintahan at magka-loveteam sina James Reid at Nadine Lustre.
LOVE, SIARGAO ON VIU
Magkapareha sina Alden at Nadine sa seryeng Love, Siargao.
Dalawang poster ang ini-release ng Viu para sa seryeng ito, kung saan magkaiba ang puwesto nina Alden at Nadine sa litrato, at magkaiba rin ang puwesto ng kanilang pangalan.

Ipinalabas ng Viu ang Episode 1 (“The Curse) ng Love, Siargao noong Hunyo 26, Biyernes.
Kinabukasan, Hunyo 27, ipinalabas ang Episode 2 (“The Island”).
Napabalita na 26 episodes ang Love, Siargao.
Ayon sa insider na source ng PEP Troika, binawasan iyon ng apat na episodes.
“Sobrang mahal mag-shoot sa Siargao, sobrang mahal,” sabi ng source ng PEP Troika.
“Tapos nagkaroon ng fuel crisis so nagtaas pa ng mga presyo. Iyon ang dahilan kung bakit nabawasan ng shooting days ang Love, Siargao, at nabawasan ng four episodes.”
Read: 8 Pinoy movies hit No. 1 on Netflix PH in first half of 2026
GORGY RULA
Sa special poster ng Someone, Someday na inilabas ng ABS-CBN noong Hunyo 26 ay mag-isa lang si Kathryn Bernardo.

Hindi pa natin batid kung ilang episodes ang Someone, Someday.
Gaya ng nabanggit, yung Blood vs. Duty ay 80 episodes.
Yung The Master Cutter ni Dingdong Dantes ay 100 episodes, samantalang yung A Secret in Prague nina Enrique Gil at Andrea Brillantes ay 115 episodes.
Parehong sa Setyembre ang Netflix streaming ng finale episodes ng The Master Cutter at A Secret in Prague.
Abangan natin kung ilang araw mangunguna ang Someone, Someday sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Yung The Master Cutter at A Secret in Prague ay parehong nakalimang araw sa top spot, samantalang yung Blood vs. Duty ay two days lang na topnotcher.
Mula nang mag-streaming ang The Master Cutter ay hindi pa ito naliligwak sa talaan ng Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Ngayong Hulyo 2, Huwebes, ay nasa pansiyam na puwesto ito, samantalang laglag na pareho ang Blood vs. Duty at A Secret in Prague.
Babalik kaya sa Top 10 TV Shows ang Blood vs. Duty bago mag-streaming ang finale episode nito sa Hulyo 21?
TOP 10 TV SHOWS ON NETFLIX
Ang Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines ngayong Hulyo 2, 2026:
- Agent Kim Reactivated
- Avatar: The Last Airbender
- Teach You A Lesson
- I Will Find You
- Notes from the Last Row
- Juvenile Justice
- The Office
- Mercy for None
- The Master Cutter
- My Royal Nemesis
Read: WHAT PEP KNOWS: The UP CMC Foundation and The Missing Millions
