GORGY RULA
Mukhang papasukin na rin ng Beautederm ang movie production.
Isa ito sa napag-usapan namin ng CEO ng naturang kumpanya na si Ms. Rei Anicoche-Tan sa launch ng mag-asawang Bulacan Vice-Governor Alex Castro at Sunshine Garcia sa bagong line of perfume, ang Alex at Sunshine, noong nakaraang linggo.
Sabi ni Ms. Rei, pinag-uusapan nila ng endorsers niya ang posibilidad na pelikulang gagawin nila.
“Pag-iisipan ko, kasi ang dami kong alaga, e,” pakli niya.
“So, ang balak ko isang movie, pero inaayos pa namin.”
MOVIE FOR 17TH ANNIVERSARY
Wala pa raw siyang masasabing ideya at iba pang detalye tungkol sa gagawing movie project.
“Surprise muna. Mangyayari yan ngayong taong ito sa 17th anniversary namin.
“Ngayon lang na 17th year. Pero tingnan natin kung saan siya ano…” nakangiting pahayag ni Ms. Rei.
Sa endorsers pa lang ng kumpanya niya ay magiging star-studded na ang pelikulang binabalak nilang gawin.
Napaatras si Mr. Rei nang tinanong ko kung isa ba siya sa mag-aartista.
Baka raw special participation lang siya, pero hindi talaga siya kasama sa cast.
Read: Dingdong Dantes blown away by Marian Rivera's acting in new movie
JERRY OLEA
Iba na raw kasi ang samahan nila ng endorsers niya na parang magkakabarkada na sila.
Napapadalas ang pagkikita ni Ms. Rei sa ilang endorsers na ka-close niya.
Kagaya ng mag-asawang Vice Governor Alex at Sunshine, sina Edgar Allan Guzman at Shaira Diaz, pati ang mag-asawang Tonton Gutierrez at Glydel Mercado.
Ilan pa sa endorsers na close nila ay sina Lorna Tolentino, Sanya Lopez, Kakai Bautista, Kitkat, Ruru Madrid, Carlo Aquino, at Piolo Pascual.
Isang pamilya na raw ang turingan nila, kaya pati ang paggawa ng pelikula ay posibleng pasukin na rin ni Ms. Rei, para na rin sa mga artistang nakakasama niya sa kanyang kumpanya.
Read: Beauty queen Skarlent Rodriguez found dead after Venezuela quake

ALEX CASTRO: ENDORSER SINCE 2013
Sabi nga ni Vice Gov. Alex Castro, “Siyempre, ilang years, since 2013, na kasama na ako ni Ate Rei.
“Nakita ko rin kung paano nag-grow yung Beautederm, at konti lang kami hanggang sa dumami na.
“Yung iba, talagang nasa A-list na e. Pero parang ikaw nandito ka dahil mahal mo yung produkto, mahal mo yung may-ari.
“Kahit na minsan sila may billboard, ikaw wala, okay lang. Basta stay put ka ang dahil nandito ka dahil relasyon ninyo pinangangalagaan ninyo.
“Lagi kong tinatandaan kung sino yung nagtitiwala sa iyo nung wala ka pa. Nandun si Ate Rei yun.”
Nagpapasalamat din ang misis ni Alex na si Sunshine Garcia sa magandang pinagsamahan nila ni Mr. Rei at ng ibang kasamahang endorsers na sumuporta sa kanilang launching.
“Bihira nga naman na mabigyan ng chance. Siguro kasi yung loyalty… hindi lang basta loyalty, yung friendship, yung love mo sa product at saka dun sa may-ari, nandodoon lahat.
“Hindi mo basta ibe-betray yung mga taong tumulong sa iyo, naniniwala sa iyo nung nag-uumpisa ka pa lang,” saad ni SexBomb Sunshine.

NOEL FERRER
Sana lang, makakuha si Ma’am Rei na magagaling na partners na writers at director pati dependable technical support sa gagawing pelikula.
Dito nakasalalay ang kalidad ng kanilang magiging first venture, lalo pa’t magagaling naman at premyadong artista ang ibang endorsers niya.
Parang given naman na kay Ma’am Rei na um-appear sa gagawin niyang pelikula dahil very visible din siya sa mga campaigns ng mga alaga niya.
Tingnan lang natin kung kaninong yapak siya susunod. Kay Ms. Annette Gozon-Valdes ba? Or Rebecca Chuaunsu? Or Quinn Carrillo? Or Baby Go? Or Atty. Aldwin Alegre?
Aabangan natin iyan!
Read: Kim Chiu posts subtle clapback to hallway incident with Ogie Diaz
