PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Wilbert Ross-Bea Binene fans liven up Love U Lots presscon

They prepared booths, freebies, and veggies.
by PEP Troika
Published 2 hours ago
bea binene and wilbert ross top-bill Love U Lots
Fans of Wilbert Ross and Bea Binene prepared booths, freebies, and even vegetables for the Love U Lots press conference.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nasaksihan namin kung gaano katodo sumuporta ang mga fans ngayon sa mga iniidolo nilang love team.

Nakita ko ang fans nina JM Ibarra at Fyang Smith na full support sa promo ng pelikula nilang Almost Us.

Kahit buwag na ang MarVen tandem nina Marco Gallo at Heaven Peralejo, meron pa rin silang loyal fans na may outreach programs sa kanilang ngalan.

Read: BINI tapped as Philippine tourism ambassadors

WILBEA FANS

Nakita na naman namin ito sa WilBea love team nina Wilbert Ross at Bea Binene.

Grabe sila kung mag-effort sa paghahanda para sa grand media conference ng bagong romantic comedy series ng Viva One na Love U Lots.

Magsisimula na ang streaming nito sa July 24, 2026, sa Viva One. Mapapanood ang bagong episode tuwing Biyernes.

Maganda ang resulta ng unang tambalan nina Wilbert at Bea sa Wattpad series na Golden Scenery of Tomorrow, kaya nagkaroon sila ng fandom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay muling mapapatunayan ang lakas nila dito sa Love U Lots na dinirek ni Victor Valbuena.

bea binene and wilbert ross top-bill Love U Lots victor valbuena
Bea Binene (M) and Wilbert Ross (L) top-bill Love U Lots, which is directed by Victor Balbuena.
Photo/s: Gorgy Rula

Dagsa ang fans sa Atrium ng Robinson’s Manila noong Biyenes, July 3, kung saan ginanap ang mediacon na parang mall show na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang galing mag-organize ng fans na tumulong sa mga taga-Viva para maging successful ito.

May banda silang umiikot sa loob ng Atrium, may mga booths para doon kumuha ng freebies, at meron pang gulay na ipinamigay.

WILBERT ROSS ON FANS

“Overwhelming siyempre,” bulalas ni Wilbert nang tinanong siya sa suporta ng kanilang fans.

“Tuwing may event, lagi nilang nilalagpasan pa, ini-exceed pa lagi yung ginagawa nila.

“And hindi nga ganun katagal yung announcement nitong mall show, e. Mabilisan lang. But still, nandito sila, sumusuporta sila, nagpakita sila.

“They show their love, support. At yung love na yun, umaapaw. Grabe. Sobrang grateful lang po kami,” sabi pa ni Wilbert.

Bukod kina Wilbert at Bea, kasama rin sa rom-com series na ito sina Xia Vigor, Vito Quizon, Katya Santos, Janno Gibbs, DJ Durano, Candy Pangilinan, at Migo Valid.

Read: Kathryn Bernardo in Feng Shui remake? Direk Chito Roño reacts

NOEL FERRER

BEA BINENE ON FANS

Nagpasalamat din si Bea Binene sa suportang ibinigay ng WilBea fans.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Na-i-inspire rin daw sila ni Wilbert upang lalo pang pagbutihin ang kanilang trabaho para sa ikatutuwa ng lahat.

“Sobrang grateful lang po talaga,” pakli ni Bea. “Katulad ng sabi ni Wilbert, it’s really very overwhelming in a good way.

“Parang at the same time, siyempre, kahit papaano, nandun yung pressure, but in a good way din naman.

“Kasi, like they show so much love. They give so much love. They give so much support.

“Ahhh, kahit anong ‘ly,’ e. Physically, sa social media. And they pitch din financially to give support din sa lahat na pinupuntahan, sa lahat na ginagawa namin.

“And siyempre, yung pressure will always be there. Because we want that… gusto namin na kahit papano ma-give back namin ang lahat na pagmamahal na binibigay nila.

“And siguro it motivates us. Ako personally, it motivates me and inspires me. Because, the fact na may naniniwala po sa akin, naniniwala at sumusuporta sa amin, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ibig sabihin, we’re doing something good, and it drives us to do better and to always be better everyday,” saad ni Bea Binene.

JERRY OLEA

May magandang resulta pa ang tambalang Wilbert Ross at Bea Binene dahil nagsimula na silang magtayo ng kanilang negosyo.

Binanggit nila sa grand mediacon nung Biyernes na simula ngayong Sabado, July 4, ay magsisimula na sila sa pagbebenta online ng mga produkto nila sa The SunsetAvePh.

Nung ginagawa pa lang daw nila noon ang Golden Scenery Of Tomorrow o GSOT, pinag-uusapan na raw nila kung ano ang magandang negosyong itatayo nila.

“Actually, sinabi ko sa kanya na matagal ko nang gusto na parang eyewear brand. And then, one time sa taping namin ng GSOT, 'Uy, may naisip ako na name,'” sambit ni Bea.

“Mga shades po, tumbler, caps. Lifestyle-lifestyle brand siya, so, para in the future baka mag-venture out pa. May iba pang items, products.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ngayon...mga shades, caps, tumblers, saka belt bag. Saka online pa lang so far,” sabi pa ni Bea.

Business-minded kasi talaga si Bea, kaya maaring naimpluwensyahan niya si Wilbert.

“Mahilig din po talaga ako sa business. Na-timing lang na may partner din na talagang ano din, very business-minded din. Kaya ayun,” saad ni Wilbert.

Hands-on daw sila sa sinimulan nilang negosyo na talagang hati raw sila sa puhunan.

Kaya maaring isa ito sa lalong nagpapatibay sa kanilang relasyon bilang magka-love team, dahil meron silang pinangangalagaang negosyo.

“Sana po,” tugon ni Bea. “So pag nawala yung business, alam niyo na. Charot!” natatawa na niyang pahayag.

Meron pang produkto si Bea na line of perfume na Scent Wave, at si Wilbert naman ay mga bago ring librong sinulat na malapit nang ilunsad.

Teka! Binisita na kaya nina Wilbert at Bea iyung statues nila sa Startista Gallery ng Star City?

May pictures kasi tayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
bea binene and wilbert ross statues
Wilbert Ross and Bea Binene's statues
Photo/s: Gorgy Rula
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Fans of Wilbert Ross and Bea Binene prepared booths, freebies, and even vegetables for the Love U Lots press conference.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results