PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

P-Pop group GenZix dreams of following SB19’s path

GenZix: "Kung kinaya ng SB19, kaya rin namin."
by PEP Troika
Published 7 hours ago
GenZix pop
Despite losing two original members, PPop group GenZix remains determined to make its mark in the industry. The quartet opens up about their challenging journey, dreams of collaborating with SB19, and how their latest single "Teka Teka" is bringing them closer to the spotlight.

GORGY RULA

Ang daming inilulunsad na P-Pop groups.

Pero ikinagulat namin na ang ibang grupo ay matagal nang nabuo, pero ngayon lang nabibigyan ng break makilala at mapakinggan ang kanilang kanta.

Kamakailan ay nagkaroon ng unveiling ng music video ng kantang "Teka Teka" ng P-pop group GenZix.

Ginanap ang event sa Cinema 3 ng Fisher Mall, Quezon City, noong June 28, 2026.

THE BIRTH OF GENZIX: from six members to four

Halos dalawang taon na ang GenZix.

Nagsimula silang may anim na members, pero ngayon ay apat na lang sila.

Ang lider ng grupo ay si Kris, 25 years old, at graduate ng Bachelor of Science in Accountancy.

kris genzix
Kris
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang member na si Kiyo, 25, ay graduate ng kursong Industrial Engineering.

kiyo genzix
Kiyo

Si Jayu, 24, ang choreographer ng grupo.

jayu genzix
Jayu
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang pinakabata ay si Leo, 22, ay nag-aaral ng kursong Civil Engineering sa Adamson University.

leo genzix
Leo

Dahil GenZix ang pangalan ng grupo, anim daw talaga dapat silang miyembro. Pero ang isa ay piniling magtapos ng pag-aaral, at ang isa pa ay nag-iba na raw ng career.

Sabi ni Kris: “Sa iba pong fans namin, alam po yung history namin na originally, six members po talaga kami.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“But may mga iba’t ibang priorities po. Siyempre po, alam naman po yung industry ng P-Pop is nag-start pa lang. Hindi pa po siya sobrang established.

“Kaso po yung iba, nag-pursue ng different career. Nag-focus po sa studies, and yung iba po nag-focus sa mas better na career.

“Pero kami po nakayanan po namin na pagsabayin. And gustung-gusto rin naman po namin yung ginagawa namin. Kaya patuloy pa rin po kaming apat.”

Read: VIRAL: The story behind a house blessing for rented Airbnb

GENZIX ON SB19

Malaki raw ang impluwensiya sa kanila ng SB19 na matagal na nilang kilala.

Alam daw nilang maraming pinagdaanan ang sikat na grupo.

Ilang taon daw nag-training at nagtiyaga ang SB19, hanggang sa naabot ang kasikatang ine-enjoy nila ngayon.

Kaya doon daw sila kumakapit: kung na-achieve ng SB19, mangyayari rin sa kanila.

Saad ni Kris: “Dati po kilala ko na slla, e. Nung hindi pa sila nag-boom sa song nila. Nagalingan na po ako sa kanila, and naengganyo po ako na ipagpatuloy ko yung dream ko na maging PPop artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko po sana silang maka-collab.”

Ayon naman kay Kiyo: “Since hindi rin po naging madali yung journey ng SB19.

"Parang yung goal namin na through all those challenges, mararating din po namin yung narating din po ng SB19 na super boom na po sila and naipagpatuloy po nilang naiangat ang P-Pop globally.”

Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual break up; PHP50-million debt revealed

NOEL FERRER

Kahit sumuko na ang dati nilang mga kamiyembro, silang apat daw ay tuloy pa rin sa pagsisikap maabot ang matagal na nilang inaambisyong tinatamasa ngayon ng SB19.

Sabi ni Jayu: “Kumakapit po kami sa isa’t isa. Totoo po yun, na parang since nakikita po namin na okay pa naman po kami, na gusto po namin ipagpatuloy.

“Yun po yung naging lakas namin, na fuel namin na ipagpatuloy po yung ginagawa po namin.”

Si Leo, na pinakabunso na grupo, ay nagagawa raw ibalanse ang pag-aaral sa schedule ng training, rehearsals, guestings at iba pang activities.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Leo: “Ang key lang po para pagsabayin yung P-Pop and yung studies, is yung schedule lang po.

“Kapag meron lang pong important na exam or peak sa school, ipinagpaalam ko lang or sinasabi po na may ganito po akong date.

“Tapos dun na po parang mag-filter ng schedule kung kailan ang best para sa amin. Ganun lang po yung ginagawa ng management.”

GENZIX PERFORMS ON VIBE STAGE

Nagpapasalamat din ang GenZix sa dumadami nilang fans dahil talagang nakatutok sila palagi at sumusuporta sa lahat ng ginagawa nila.

Noong June 28 ay nag-perform sila sa programang Vibe ng TV5 dahil nag-top ang single nilang "Teka Teka" sa botohan ng segment na "Uprising."

Paliwanag ni Kiyo: “May voting po every day si VibePh for 'Uprising.' And then dun po… may mga free vote po sa Messenger. And dun po nag-vote yung mga tao, para mapabilang sa Top 1.

“And yung Top 1 po na yun ang mag-perform sa Vibe stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And yun po, grateful po kami sa lahat na bumoto sa amin, kasi nakapag-perform po kami sa Vibe stage. Through voting po siya.”

Read: Allen Ansay confirms he stopped courting Sofia Pablo in March

JERRY OLEA

Ang kantang "Teka Teka" ay pang-anim na single na ng GenZix.

Marami raw sa mga GenZ ang makaka-relate dito na kailangan daw mag-pause muna, magpahinga sa mga pinagkakaabalahan nila.

Nakatutok sa social media ang karamihan sa mga kabataan, at pati na rin daw sa online games.

Diyan daw sila nakaka-relate, kaya ‘teka muna’ magpahinga muna sandali.

Ani Kris, “Yung' Teka Teka,' ang ibig sabihin lang naman po nun is to take a break sa mga bagay.

“And hindi naman masamang magpahinga. Kasi, doon sa pahinga na yun, dun ka makakaipon ng lakas para sa ibigay mo na susunod na effort is bira talaga. Todo bigay.”

Pinagkakaabalahan din kasi nila ang paglalaro ng Mobile Legends, pero tinitiyak nilang hindi ito makakaapekto sa kanilang schedule, at sa kanilang personalidad. Bonding na rin daw ito ng grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung games naman po talaga, hindi po nakakaapekto sa personality sa isang tao.

Saad ni Kris: “Since yung game po talaga ginawa lang po for enjoyment, pastime ganun.

“Nasa tao na rin po talaga kung papano isasabuhay yung ginagawa. And yung nasa environment lang po talaga nakakaapekto.

“Pero kami po, thankfully, lumaki kami sa healthy environment, magkakasama kami. And pag games kami, hindi naman kami nakaka-create ng bad energy.

“Enjoy-enjoy lang.”

Kamakailan lang ay nag-third place sila sa isang tournament na sinalihan ng labing-apat na P-Pop groups.

Kasama nilang nanalo ang mga grupong Cloud 7, Yes My Love, MNL 48. Pixie, at 1621.

Read: 9th EDDYs Highlights and Sidelights: Maris, Rico score wins but never cross paths

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Despite losing two original members, PPop group GenZix remains determined to make its mark in the industry. The quartet opens up about their challenging journey, dreams of collaborating with SB19, and how their latest single "Teka Teka" is bringing them closer to the spotlight.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results