GORGY RULA
Umapir sina Vic Sotto at Vice Ganda sa Greenhills Mall, San Juan City, matapos i-announce na pasok ang pelikula nilang The Greatest Showdown sa 52nd edition ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Martes ng hapon, Hulyo 7, 2026.
Nagkagulo tuloy ang mga taga-media pati ang fans na nasa pagtitipon.
Nakorner ng PEP Troika sina Vic at Vice sa backstage. Tinanong namin sila kung aasahan ba natin ang swap ng guesting nila sa It’s Showtime at sa Eat Bulaga!.
Magpo-promote kaya si Bossing Vic sa It’s Showtime, at si Meme Vice naman sa Eat Bulaga!?
“Let’s see kung papayagan tayo,” sagot ni Vice.
“But would love to. Sa noontime audiences, para sa Madlang People at sa mga Dabarkads. Kung ano ang ikaliligaya nila, we would love to be doing that for them."
Sabi naman ni Bossing Vic: “Malalaman niyo! Darating tayo run.
“Never naman kami nagkalaban. Nagkatapat lang. Pero never nagkalaban.
“Isa lang naman ang gusto namin. Mag-entertain ng tao.”
VIC-VICE TANDEM: LONG TIME COMING
Ayon pa kay Bossing Vic, matagal nang naplano ang pagsasama nila ni Vice sa pelikula dahil ito ang hiling ng karamihan.
“Medyo last year yung pag-negotiate,” banggit niya.
Hindi raw nagtagal ang desisyon na ituloy na nila ngayon ang collab project nila.
Sabi ni Vice, “Parang hindi. Nung nagkatanungan kung puwede, sabay naman kami nag-yes.”
Nakakatuwang ramdam na nila ang suporta ng lahat.
“Nakakatuwa, kasi even yung mga hosts ng parehong programs, sobrang willing sumupport. Talagang full force kami dito ngayon!” bulalas ng Unkabogable Superstar.
“Talagang pasabog naman talaga. Kahit ako naman, e. Ang surreal nito for me, e.
“Itong nagkita kami for the first time last Sunday sa Gateway, pasabog talaga siya.
“Ako mismo, iba ang naramdaman ko, nahiya ako. Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Na-starstruck ako, na-intimidate ako.
“Sabi ko, ang pasavog pala ng feeling!” sabi pa ni Vice.
Read: Vic Sotto, Vice Ganda unite onscreen: The Greatest Showdown is on!
JERRY OLEA
PasaVog after PasaVog ang pagsasanib-puwersa nina Vic Sotto at Vice Ganda, sa direksiyon ni Jun Robles Luna.
NO BILLING ISSUE
Meron na ngang nagtatanong kung bakit sa inilabas na poster ng The Greatest Showdown, nauna ang pangalan ni Vice kesa kay Bossing Vic.
Marketing strategy iyon. Hindi iyon kasalanan ni Vice.

Take note na ang M-Zet ni Bossing Vic ay co-producer ng project.
Ang tatlo pang producers ay ABS-CBN Film Productions, Inc. (Star Cinema), The IdeaFirst Company, at APT Entertainment, Inc.
Hindi idi-disrespect ni Vice Ganda si Bossing Vic!!!
At hindi iyon isyu kay Bossing Vic!!!
Vic Sotto is Vic Sotto is Vic Sotto!
Facebook post ni Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company: “Excited and extremely grateful to be working on our 7th MMFF film in the last decade, and with no less than the 2 box-office giants that we’ve had the honor and pleasure of working with before: the Unkabogable Vice Ganda, whom we worked with on And The Breadwinner Is… and Call Me Mother, and Bossing Vic Sotto, whom some of my production team and I worked with years ago when we produced Who Wants To Be A Millionaire? on TV5.
“I am still starstruck seeing each of them, let alone seeing them together! Lezzzgooo Team IdeaFirst x Star Cinema x APT x Mzet!
“THE GREATEST SHOWDOWN, a film by Jun Robles Lana, an Official Entry to the 52nd Metro Manila Film Festival!”
Read: Vic Sotto-Vice Ganda movie among first 4 MMFF 2026 entries
NOEL FERRER
Ang sabi ni Direk Jun Robles Lana sa entablado: “Maraming-maraming salamat po sa pagkakataong ito. Kasama uli kami sa selebrasyon ng pelikulang Pilipino ngayong Disyembre.
“Gagawin po namin ito para sa mga manonood. Gusto namin kayong mapasaya. Maraming salamat.”
Hiniling ng host na si KaladKaren kay Meme Vice Ganda na bumati.
Sabi ni Vice, “What’s up, mga dabarkads?! Magandang hapon po sa inyong lahat. Maraming salamat po sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival at hahayaan nyo ulit kami na makapagpasaya ng mga manonood sa araw ng Pasko.
“At sobrang excited po yung buong team namin dahil ito po talaga yung pinakahihintay namin na mai-offer sa inyo, ang collaboration namin ni Bossing Vic Sotto.
“At pinapangako po namin sa inyo na sa araw ng Pasko ay magbibigay talaga kami ng malalaking ngiti at halakhak sa mga buong pamilya ninyo.
“Pagtutulungan po namin ng buong team ng Greatest Showdown po yan. Maraming-maraming salamat.”
Ang pagbati naman ni Bossing Vic: “What’s up, Madlang People?!”
Sigawan ang mga tao at kabilang si Vice sa mga pumapalakpak.
Dagdag ni Bossing Vic, “Nasabi na lahat ni Vice, e! Kaya… ang totoo niyan, ninenerbiyos kami kanina.
“Nag-uusap kami. ‘E, pag di tayo natawag?!’”
Napahalakhak ang mga tao, kabilang si Direk Jun, saka nagpatuloy si Bossing Vic, “Nag-usap kami, magsa-shopping na lang kami! At magmemeryenda ng burger.
“Ganoon pa man, maraming-maraming salamat sa MMDA, sa Metro Manila Film Festival. It’s good to be back.
“And I’m back with the Best Actor. Topgrosser. Vice Ganda. It is my honor and pleasure.
“Maraming-maraming salamat po. We’re very excited for this project at ito po’y handog namin sa lahat ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.
“Maraming salamat po. Thank you.”
Read: Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
