GORGY RULA
Tatlong lungsod ang hosts ng 52nd Metro Manila Film Festival (MMFF) — San Juan City at Mandaluyong City sa National Capital Region (NCR), at Bacolod City sa lalawigan ng Negros Occidental.
Present ang tatlong mayors sa announcement ng first 4 entries ng MMFF 2026 noong Hulyo 7, Martes, sa East Atrium ng Greenhills Mall, San Juan City.
Naunang nagsalita si Mandaluyong City Mayor Carmelita “Menchie” Abalos, na sinundan ni San Juan City Mayor Francisco Javier Zamora, at Bacolod City Mayor Greg G. Gasataya.
Later on ay sabay-sabay na naggiling-giling sa entablado ang tatlong alkalde upon the prodding of program hosts KaladKaren and Michael Sager.
Kasama ang MMDA Chairman at MMFF ExeComm Overall Chairman Atty. Romando “Don” Artes, in-announce nila ang apat na script na napiling pasok sa MMFF ngayong taong.
Dalawampu’t apat (24) na scripts ang pinagpilian.
Inilahad ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo ang criteria sa pagpili — technical and creative merit (40%), commercial value (40%), global appeal (10%), at infusion of Filipino values (10%).
Read: Vic Sotto-Vice Ganda movie among first 4 MMFF 2026 entries
THE FIRST FOUR MMFF 2026 OFFICIAL ENTRIES
2ND MIRACLE IN CELL NO. 7
Ang unang tinawag ay ang family drama ng Viva Films na prequel ng Miracle In Cell No. 7.
At ang title nito ngayon ay 2nd Miracle in Cell No. 7, na si Aga Muhlach pa rin ang bida. Kaya nga siguro puspusan ang pagpapayat ni Aga.
Facebook post ng Viva Films: “Akala mo alam mo na ang buong kwento? Lahat ng himala ay may pinagmulan.
“The phenomenal Philippine family-drama movie that touched millions of hearts is back! Abangan ang 2nd Miracle In Cell No. 7 this Christmas Day!
“An official entry to the 52nd Metro Manila Film Festival. Written by Mel Mendoza-del Rosario. Directed by Nuel Crisostomo Naval.”

Ang 2019 Pinoy adaptation ng Miracle in Cell No. 7 ang topgrosser ng 45th MMFF. Wala itong nakuhang tropeyo sa MMFF 2019 Gabi ng Parangal.
Humakot noon ng 11 awards ang Mindanao nina Judy Ann Santos at Allen Dizon, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.
Nakawalo naman ang Write About Love, at nakatatlo ang Sunod.
AMIR
Ang pangalawang in-announce ay ang fantasy drama ng GMA Pictures na Amir, na pinagbidahan nina Dennis Trillo, Argus Aspiras, Glaiza de Castro, at Will Ashley.
Ang pagkakaalam ko, may halong animation ang naturang pelikula. Kaya tiyak na pambata ito.
Bahagi ng FB post ng GMA Pictures: “Amir is a powerful story of a family forced to face an encroaching darkness that will test their love, challenge their faith, and reveal the extraordinary courage found in one another.
“From acclaimed director Zig Dulay, with a screenplay by award-winning screenwriter Ricky Lee and Anj Atienza.”
FB post ni Direk Zig=: “Mga kapitbahay, pasok tayo sa MMFF 2026! Kita-kita ulit tayo sa float parade! “
Kaway-kaway sa bawat pusong naniniwala at sumusuporta sa kuwento ng paghilom, pagbangon at pag-asa — kuwentong matagal nang naghihintay na mapansin at marinig.”

Magkakasama sina Dennis, Direk Zig, Sir Ricky, at Anj sa pagbuo ng Green Bones (2024), na nagwagi sa 50th MMFF sa mga kategoryang best best picture, best actor, best supporting actor (Ruru Madrid), best screenplay, best cinematography (Neil Daza), at best child performer (Sienna Stevens).
HAUNTED CARNIVAL
Pangatlong tinawag ang horror/suspense/thriller ng Regal Entertainment na Haunted Carnival, na tatampukan nina Julia Barretto, James Reid, John Arcilla, Maricel Soriano, Fyang Smith, RK Bagatsing, Ronnie Alonte, at Charlie Fleming.
Bahagi ng FB post ng Regal producer na si Roselle Monteverde: “It’s going to be a tedious process, but definitely an incredible journey. Grateful to bring together this amazing cast for Haunted Carnival.”
Ididirek ito ni Joey de Guzman, mula sa panulat nina Alan Tijamo at John Paul E. Abellera.
Bahagi ng FB post ng Regal Entertainment: “For generations, Regal has brought Filipino horror to life.
“This Christmas, we invite you to experience our most ambitious nightmare yet.
“A terrifying new chapter in the Haunted universe awaits inside HAUNTED CARNIVAL — where spectacle, folklore, and fear collide.”

Kung tama ang aming pagkakatanda, ang huling Haunted movie ng Regal ay Haunted Mansion (MMFF 2015) na pinagbidahan nina Janella Salvador, Marlo Mortel, Jerome Ponce, Iza Calzado, at Janice de Belen, sa panulat at direksyon ni Jun Robles Lana.
THE GREATEST SHOWDOWN
Gaya ng inaasahan ng nakararami, pasok sa MMFF 2026 ang comedy nina Vic Sotto at Vice Ganda na The Greatest Showdown. Sanib-puwersa rito ang ABS-CBN Film Productions, Inc., The IdeaFirst Company, APT Entertainment, at M-Zet Productions.
Ang direktor ay si Jun Robles Lana, na nagdirek ng nakaraang dalawang MMFF entries ni Meme Vice na And The Breadwinner Is…, at Call Me Mother.
Ang scriptwriter ay si Jumbo Albano.
Pangako ng Unkabogable Superstar sa FB: “Atake itong pelikula natin with bossing Vic Sotto and direk Jun Robles Lana! So UnkaVVogable!”
FB hirit naman ng The IdeaFirst Company: “PasaVog after pasaVog! Sigurado na ang saya at tawa this Christmas because The Greatest Showdown is now an official entry to the 52nd MMFF!”

Dumalo sina Bossing Vic at Vice sa announcement of first 4 entries ng MMFF 2026. Binati ni Vice ang Dabarkads, samantalang binati ni Bossing Vic ang Madlang People.
Alam na this?!
Read: Vic Sotto, Vice Ganda open to It's Showtime, Eat Bulaga! guesting swap
NOEL FERRER
Masaya at level up talaga ang darating na 52nd edition ng MMFF.
Hindi nawawalan ang MMFF ExeComm ng mga bago at magandang pasabog at features para lalong tangkilikin ito ng mga Pinoy.
PHP299 TICKET PRICE
Sabi ni Atty. Romando 'Don" Artes, chairman ng MMDA, may deal na sila with Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).
PHP299 na lang ang cap o pinakamahal na sine ticket sa MMFF 2026, na puwede pang ibaba ang presyo lalo na sa probinsya, depende na lang sa magiging deal with the individual producers.
Sa mga regular na sinehan iyon applicable — hindi kasali ang specialty cinemas at Director’s Club.
“Kasi siyempre, yung specialty cinemas, ilang seats lang yon. At may cost siyempre sa sinehan iyon,” paliwanag ni Atty. Don Artes.
“Kaya hindi po makakasama. Pero again, yung PHP299 ay maximum limit po yan for regular cinemas, at puwede pa pong bumaba yan depende po sa lugar.
“So i-expect po natin, meron pang PHP200… PHP250, depende po sa lugar.”

Wala pang pelikulang Pinoy na naka-format para sa IMAX, kaya malamang na ang palabas doon ay Avengers: Doomsday o Dune: Part Three.
Tapos, yung I’mPerfect na Best Picture winner ng MMFF 2025, ie-exhibit sa Lucania International Film Festival sa Italy ngayong August. Suportado rin ito ng MMFF.
MMFF STUDENT SHORT FILM CONTEST
Si FDCP Chair Joey Reyes naman na kasama rin sa MMFF ExeComm ay nag-anunsiyo na ibabalik na yung student short film contest.
Sabi niya, open ito sa lahat ng college at high school students.
May PHP100,000 na grand prize para sa mananalong 5-minute film.
Ito’y sa pakikipagtulungan din ng MMFF, Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Film Academy of the Philippines (FAP).
At first time ever sa MMFF, tatlo na ang host cities: Mandaluyong with Mayor Menchie Abalos, San Juan with Mayor Francis Zamora, at Bacolod with Mayor Gary Gasataya.
Dadalhin ang mga pelikula at promo at parada sa Bacolod sa Disyembre kaya’t kaabang-abang talaga ito!
Read: Anjo Yllana appeals ruling ordering him to pay TVJ PHP3.5 million
JERRY OLEA
Ang MMFF 2023 Parade of Stars ay ginanap sa CaMaNaVa — Caloocan, Malabon, Navotas, at Valenzuela.
Ang parada ng mga bituin ay nag-umpisa sa Navotas Centennial Park, bumagtas sa C-4 Road, Samson Road, at MacArthur Highway, at nagtapos sa Valenzuela City People's Park.
Ang MMFF 2023 Gabi ng Parangal ay ginanap sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City.
THREE CITIES HOST MMFF 2026
Paano napagsama-sama ang Mandaluyong, San Juan, at Bacolod bilang host cities ng 52nd MMFF?
Pagsisiwalat ni MMFF ExeComm Overall Chairman Atty. Don Artes: “We want to cover as many areas as possible.
“Yung sa Bacolod City naman po, nag-usap kami ni Mayor Zamora. Napagkasunduan nga namin, sinuggest niya bilang presidente ng League of Cities of the Philippines [LCP], baka puwedeng dalhin din natin ito sa ibang lugar.
“For promotion din. At sinuggest niya po yung Bacolod City, then tinawagan niya si Congressman Albee Benitez, na kaagad naman pong tumugon doon sa ano, nakipagmiting po siya.
“And then in-inform po yung mayor ng Bacolod, si Mayor Greg. At kami po’y nag-agree ng mga gagawin sa Bacolod to promote iyong MMFF.”

Sa susunod, puwede raw na maging host city rin ang isang lungsod sa Mindanao.
“Iiikot natin iyan. So, simula pa lang ito. Alam nyo naman, lahat ng innovations natin na magaganda, hindi natin inili-limit dito lang sa Metro Manila, kundi sa buong Pilipinas,” tugon ni Atty. Don Artes.
Saan gaganapin ang awards night ng MMFF 2026, sa San Juan o sa Mandaluyong?
“Well, pag-uusapan po namin yan. Maghahanap po kami ng magandang venue para po sa awards night,” sabi ni Atty. Don Artes.
“Pero yung parade, definitely we’ll start… nag-usap na po kami, mag-i-start sa Mandaluyong, then iikot po sa San Juan. Mag-e-end po sa Pinaglabanan Shrine.”
May Parade of Stars din sa Bacolod!
“Yung tentative date namin, I think, ay December 11 sa Bacolod. At December 19 naman po sa Mandaluyong at San Juan.”
Read: Sachzna Laparan and Mark Pascual end three-year relationship
