PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Nina opens up about sexual harassment, bullying in music industry

Nina on sexual harassment in music industry: "Nangyayari talaga yan."
by PEP Troika
Published 7 hours ago
nina concert
Nina on sexual harassment in tbe music industry: “Meron, nangyayari talaga yan. Meron talaga. It’s just that you have to be strong, and be vigilant about all those things na alam mong may mga ganun, hindi puwedeng wala. ahit saan naman… Kumbaga, gusto nilang sumikat talaga. Yun ang nangyayari sa kanila.”
PHOTO/S: Echo Jham Entertainment Facebook

JERRY OLEA

May mga baguhan sa local music industry na nakaranas ng sexual harassment.

Na-experience din ba ito ng Asia’s Diamond Soul Siren na si Nina noong nag-uumpisa siya bilang mang-aawit?

“Siyempre hindi natin maitatanggi na may mga ganoon,” sabi ni Nina sa mediacon noong Hulyo 6, 2026, Lunes, sa 22 Prime, Discovery Suites, ADB Avenue, Ortigas Center, Pasig City.

“Meron, nangyayari talaga yan. Meron talaga. It’s just that you have to be strong, and be vigilant about all those things na alam mong may mga ganun, hindi puwedeng wala.

“Kahit saan naman… May mga ganoon talaga, especially yung mga bago. Kawawa.

“Kumbaga, gusto nilang sumikat talaga. Yun ang nangyayari sa kanila.”

NINA ON EXPERIENCING BEING BULLIED IN THE PAST

Nakaranas ba siya ng bullying, in one form or another?

“Parang… ahh yes, noong nag-uumpisa ako, noong hindi pa ako artist,” pagsisiwalat ni Nina.

“E, siyempre, co-singer mo, di ba? Gusto niya mas mas magaling siya. E, ako, ano lang naman ako talaga ako. Hindi ako masyadong competitive.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kumbaga, I just sing, yun lang. Let my talent prove it, yun lang ang sa akin. Hindi ako nakikipag-away sa inyo.

“Kanta na lang tayo, parang ganun.”

Nasa music industry pa ba yung mga nam-bully sa kanya?

“Ay! Hindi naman sila naging recording artist,” malumanay na tugon ni Nina.

Read: Dingdong Avanzado undergoes surgery amid health challenges

GORGY RULA

Kumakanta na sa banda si Nina mula noong high school, maging noong college student siya na kumuha ng kursong Accountancy.

“Hindi ako nag-exam. Basta sinabi lang ng daddy ko, ‘Tapusin mo lang.’ O, sige, para at least merong natapos. Yun ang usapan,” sabi ni Nina.

“Gusto pa nga ng daddy ko, accountant tapos lawyer. Ano ito, wala nang buhay? Ha! Ha! Ha!”

Against ba ang daddy niyang si Filbert Girado nang mag-pursue siya ng singing career?

Tumango si Nina: “Yeah, oo. Kasi nakita niya na parang… kasi, frustrated din siya na singer… parang siguro nakita niya, ‘Walang pag-asa diyan!’ Kasi, wala namang nangyari sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, nagre-record ako tapos hindi ko sinabi sa kanya. Parang gusto ko sana na makita na lang niya na may album.”

NINA'S LATE FATHER

Ang daddy ni Nina ay naging member ng Bayanihan Boys Choir.

“Noong naglabas ako ng album, wala na siya. Hindi niya nakita,” sambit ni Nina.

“Before pa ako magka-album, sabi niya, ‘Tumigil ka na, huwag ka nang kumanta.’ Hindi niya alam, gumagawa na ako ng album.

“Nung lumabas yung album, wala na siya. Hindi niya nakita yung success ng album.

“Siya ang nagturo sa akin kumanta. Siya lahat. Wala… pero feeling ko, siya rin yung nag-guide sa akin.”

Taong 2000 nang pumanaw si Filbert dahil sa heart attack. Bata pa lang daw si Nina ay mataas na ang blood pressure nito.

Sa mga kanta niya, alin ang alay niya para sa kanyang daddy?

“Lahat yun, para sa kanya yun. Lahat yun… para sa kanya.”

Read: Vic Sotto, Vice Ganda open to It's Showtime, Eat Bulaga! guesting swap

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

NOEL FERRER

Pinoprotektahan ng Asia’s Diamond Soul Siren ang kanyang pribadong buhay.

Pero naaapektuhan pa rin ba siya ng gulo sa social media? Yung toxic culture, hindi siya patola?

Pag-ayon ni Nina: “Yes, oo, hindi ako masyado. Like kunyari may mga bashers and all, hindi ako nagbabasa.

“Pero minsan, pag nababasa ko, ‘Ay! Ganun?!’ May mga ganun. Siyempre pag may basher ka, ibig sabihin, you’ve made it.

“So thank you for the bashers as well. Relevance! May nagba-bash pa rin. So, thankful ako sa kanila.

“Kung maganda ang criticism nila, I will take it and I’ll do something about it.

“Pero kung medyo naninira lang naman, wala namang katotohanan, X, X. Disregard na lang.”

Siyangapala, available na ang tickets para sa Nina XX The Anniversary Celebration: The Repeat na gaganapin sa Setyembre 24, 2026 sa Newport Performing Arts Theater, Newport Boulevard, Pasay City.

Panauhin dito sina Christian Bautista, Top Suzara, at Thor, sa direksyon ni Calvin Neria.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang musical director ay si Soc Mina. Produced ito ng Echo Jham Entertainment at Synth X.

nina xx the repeat

Read: Nina announces repeat of sold-out anniversary concert

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nina on sexual harassment in tbe music industry: “Meron, nangyayari talaga yan. Meron talaga. It’s just that you have to be strong, and be vigilant about all those things na alam mong may mga ganun, hindi puwedeng wala. ahit saan naman… Kumbaga, gusto nilang sumikat talaga. Yun ang nangyayari sa kanila.”
PHOTO/S: Echo Jham Entertainment Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results