JERRY OLEA
Nakaungos si Will Ashley sa karamihan sa housemates niya sa PBB Celebrity Collab Edition.
Sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 ay nominado si Will na best actor para sa Love You So Bad, at bilang best supporting actor para sa Bar Boys: After School.
Nominado naman si Bianca de Vera bilang best actress para sa Love You So Bad.
Yung iba pang mga kasamahan nina Will at Bianca sa PBB Celebrity Collab ay may entries din sa MMFF.
Andiyan si Dustin Yu na dalawa rin ang official entries, Love You So Bad at Shake, Rattle & Roll: Evil Origins.
Sangkap sa Call Me Mother sina Brent Manalo, Mika Salamanca, Klarisse de Guzman, River Joseph, Shuvee Etrata, at Esnyr.
Nasa cast din ng Bar Boys: After School sina Klarisse de Guzman at Emilio Daez.
Pero hindi sila na-nominate sa 51st MMFF Gabi ng Parangal.
WILL ASHLEY WINS BEST SUPPORTING ACTOR AT 9TH EDDYS
Si Will, nagwaging best supporting actor sa 9th EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editor (SPEEd) noong Hulyo 5, Linggo ng gabi, sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom ng Newport World Resorts, Pasay City.
Iyon ay para sa Bar Boys: After School.
Katabla niya sa nasabing award si Rico Blanco para sa Manila’s Finest.
Bahagi ng acceptance speech ni Will: “Maraming-maraming salamat sa lahat ng mga co-actors ko. Thank you so much.
“And of course to my fellow nominees, congratulations din po sa inyo.
“At maraming salamat din po sa lahat ng nagmamahal at sumusuporta rin sa akin. And to my GMA family, thank you so much po.
“Mabuhay po ang pelikulang Pilipino!”
Read: Jericho Rosales, Maris Racal win top acting honors at 9th EDDYs
WILL ASHLEY'S ENTRY TO MMFF 2026
Noong Hulyo 7, Martes, sa Greenhills Mall, San Juan City, inihayag na kasama sa first four official entries ng MMFF 2026 ang Amir ng GMA Pictures kung saan tampok sina Dennis Trillo, Argus Aspiras, Glaiza de Castro, at Will.

Host ng mga programa at premiere night ng MMFF 2025 sina Michael Sager at KaladKaren.
This year ay mukhang sila na naman ang hosts para sa mga pauga ng MMFF 2026, kagaya nga sa announcement ng First 4 entries kung saan nagpakilig at gumiling-giling sina Brent Manalo, River Joseph, at Ralph de Leon.
Nang usisain nina Michael at KaladKaren ang tatlong makisig na binata kung meron ba silang bagong movie ay wala silang naisagot.
Hanggang sa natapos ang programa noong Martes sa Greenhills Mall ay nagmistulang dekorasyon sa gilid sina Brent, River, at Ralph.

NOEL FERRER
Nasubaybayan ni Direk Adolf Alix Jr. ang evolution ni Will Ashley bilang aktor.
“Nakatrabaho ko siya sa teleserye, pandemic,” lahad ni Direk Adolf sa storycon ng pelikulang The Blue Hour noong Hulyo 3, 2026 sa VS Cinema ng Victoria Sports Tower 2, EDSA, Quezon City.
“The Fake Life [Hunyo-Setyembre 2022]. Tapos nag-audition siya para doon. So, nasa akin pa yung audition tape niya noon.
“Tapos after The Fake Life, ginawa namin yung The Vigil na bida siya. Binili iyon ni GMA, ini-release na lang exclusively sa YouTube.
“Tapos nun, yung May-December niya kay Ina Raymundo, yung X & Y [2024]. Di ba po?
"Tapos after nun, Poon, na September daw po ilalabas.
“So Poon, na nahati sa pagitan nung… nag-shoot kami, buhay pa si Miss Jane [Jaclyn Jose], at tinapos namin last year nung lumabas siya [Will] galing PBB.
“Kaya ako nagpapasalamat sa kanya. Kahit nabago na ang kanyang sitwasyon, di ba, kasi lumaki siyang artista.
“Yung commitment niya to finish Poon, tinapos niya pa rin.
“Kaya nung nag-uusap kami, sabi ko, parang nasundan ko lahat ng evolution niya as an actor.
“Pero ako, natutuwa, kasi si Will hindi naman nagbago. Tama lang for him. Kasi kung mahusay ka talagang artista, di ba, magandang mabigyan pa siya.
“Sabi ko nga sa kanya, ‘Maganda yang i-explore mo lahat ng meron.’”
Read: 9th EDDYs Highlights and Sidelights

WILL ASHLEY'S AFTERNOON SERIES
Magkatuwang sina Direk Adolf at Direk Dominic Zapata sa pagdidirek ng Kapuso afternoon comedy series na Delivery Boi kung saan title role si Will.
Suportado rito si Will nina Meryll Soriano, Eric Quizon, Keempee de Leon, Vince Maristela, Mikoy Morales, at Maricar de Mesa.
What works for Will ay tuluy-tuloy talaga ang mga assignment kung saan siya napapansin.
Magandang break sa kanya ang Amir — ang official entry ng GMA Pictures sa MMFF 2026.
Nakakatulong din kay Will na yung nakakasama niya sa trabaho ay laging may good word para sa kanya, kahit na yung mga nakatrabaho niyang mga Kapamilya.
Sa industriyang ito, hindi naman kasi sapat na magaling ka lang. Dapat marunong ka ring makisama.
At ganyan nga raw si Will Ashley.
GORGY RULA
Ratsada ngayong 2026 si Will Ashley.
Nag-workshop na siya para sa bagong drama series na pagbibidahan niya, ang Delivery Boi.
Nagpapasiklab na si Anton Vinzon para sa Kamao na consistent mataas ang ratings.
Pero ang You’re My Favorite Song ni Caprice Cayetano, kasama ang kapwa PBB Celebrity Collab 2.0 housemates na sina Heath Jornales, John Clifford, at Marco Masa ay hindi ganun kagandahan ang ratings.
Tingnan natin itong kay Will kung tatangkilikin ng televiewers.
WILL ASHLEY'S RUMORED LOVELIFE
Mukhang happy naman ang lovelife ni Will kahit wala pang pag-amin sa kanila ni Mika Salamanca.
Aba! May pa-duet sila sa kotse ng 1978 song ni Rey Valera na "Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko.
As we write this, mahigit 367K na ang likes sa Facebook reel na iyon na ipinost kahapon, Hulyo 8, 2026.
Swabe ang pagdu-duet nila, at kaytamis ng ngiti para sa isa’t isa.
“Kung tayo ay matanda na/ Sana'y di tayo magbago
“Kailan man/ Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
“Makuha mo pa kayang/ Ako'y hagkan at yakapin oh/ Hanggang sa pagtanda natin
“Nagtatanong lang sa'yo/ Ako pa kaya'y ibigin mo
“Kung maputi na ang buhok ko…”
Panimula na kaya ito ng pag-open ng kanilang relasyon?
Sana, mag-duet din sila ng iba pang Rey Valera songs gaya ng "Maging Sino Ka Man," "Kung Kailangan Mo Ako," at "Pangako."
Read: Will Ashley, Mika Salamanca deny rumors of “hard launch” Thailand
