mJERRY OLEA
Queer drama ang Tayo Lang Ang Nakakaalam, na isa sa siyam na full-length features ng 22nd Cinemalaya indie filmfest.
M2M ito, in the sense na lead characters sina Martin del Rosario at Miguel Odron na parehong “M” ang unang titik ng pangalan.
Kasama sa cast sina Yayo Aguila, Epy Quizon, Madeleine Nicolas, Bodjie Pascua, Bong Cabrera, Adrian Lindayag, at Nour Hooshmand, sa direksiyon ni David R. Corpuz.

“It’s a romantic queer movie,” sabi ni Martin sa Cinemalaya 2026 mediacon noong Hulyo 8, Miyerkules, sa Grand Atrium ng Shangri-La Plaza, Shaw Blvd., Mandaluyong City.
“Tatalakayin nito yung complexities ng queer relationship. Kasi usually sa queer relationship, marami kayong bagay na hindi puwedeng masabi dahil mahuhusgahan kayo ng kapwa niyo.
“So, nang dahil dun sa mga hindi niyo sinasabi, ano yung consequences nun especially dun sa family na kami-kami lang ang nakakaalam nito?
“Magkakaroon ng drama dun, and magiging complex yung relationship namin sa isa’t isa.”
MARTIN DEL ROSARIO ON WORKING WITH MIGUEL ODRON
Aminadong gay si Miguel, na nag-come out noong Hunyo 2020 sa social media.
Kumustang katrabaho si Miguel?
“OK, OK si Miguel. Ahhmm hindi naman nahirapan with our chemistry. Nandun agad-agad,” sambit ni Martin.
“Comfortable kami agad-agad. Kasi mag-work on chemistry kung may ilangan. Walang awkwardness.
“Maganda rin yung proseso ng production, kasi nag-workshop kami. Relationship workshop.
“Actually doon pa lang sa workshop, kumportable na kami sa isa’t isa.”

Nagtalop si Martin last year sa dalawang run ng dulang Anino sa Likod ng Buwan, at sa Cine Silip official entry na Haplos sa Hangin.
Hindi siya naghubad sa Tayo Lang Ang Nakakaalam.
“Hindi siya daring. Restrained drama siya, e. Mga emosyon na itinatago na hindi puwedeng ilabas dahil baka mahusgahan ng tao,” saad ni Martin.
Hindi explicit ang mga eksena nila ni Miguel?
“Hindi explicit. Mas drama. Ano siya, drama. Family drama yung kuwento.”
Ang 22nd edition ng Cinemalaya filmfest ay gaganapin sa Agosto 6-18, 2026 sa Shangri-La Plaza, Gateway Cineplex, at select Ayala Malls cinemas.
“Reel Reflections” ang tema nito.
Ang opening film ay ang Enjoy Your Stay, at ang closing film ay ang Filipiñana.
Read: Cinemalaya 2026 unveils 9 feature films, 10 short films, 3 books
NOEL FERRER
Kumustang katrabaho sina Yayo Aguila at Epy Quizon sa Tayo Lang Ang Nakakaalam?
“Very warm, kay Yayo, energy naman talaga niya, very welcoming, very warm. So ang sarap katrabaho,” tugon ni Martin del Rosario.
“And of course, si Sir Epy Quizon, ilang beses ko nang naka-work. Nagkasama kami sa Voltes V. Nagkasama kami sa Gabi ng Lagim.
“Ilang beses ko na siyang nakasama and laging enjoy yung experience sa work. Napakagaling na aktor si Sir Epy.”

IS MARTIN HOPING TO WIN CINEMALAYA BEST ACTOR?
Magaling din naman si Martin, ah?! Itinanghal siyang best actor sa inaugural Cine Silip filmfest last October.
Hopia ba siyang mag-best actor din sa Cinemalaya for Tayo Lang Ang Nakakaalam?
“Bonus lang yun, bonus lang yung mga awards. Ang mahalaga, makagawa kami ng magandang pelikula,” mapagkumbabang sambit ni Martin.
“Which I think, maganda naman yung nagawa namin. So excited na nga akong mapanood. Excited na akong mag-Cinemalaya para mapanood itong ginawa namin.”
Itong Tayo Lang Ang Nakakaalam ang second Cinemalaya film ni Martin. Nauna rito ang Dagitab noong 2014.
“Matagal ko nang pinangarap na makaulit sa Cinemalaya. So, nag-audition ako [last year]. Nakuha ako, ang galing!” bulalas ni Martin.
Ang huling gay role ni Martin sa pelikula ay ang comedy na The Panti Sisters (2019) na kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino, at nagpanalo rin sa kanya bilang best actor.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss
GORGY RULA
Anong nangyari sa Multwoh (Patay na Patay sa ‘Yo) at pinalitan siya ni Joao Constancia bilang love interest ni Sassa Gurl?
Nag-shoot pa naman sila ni Sassa Gurl ng teaser para sa Multwoh na isa sa official entries ng Puregold Cine Panalo 2026 na gaganapin sa Setyembre 23-Oktubre 4.
“Parang nagkaroon ng problema with schedule. Yun ang alam ko,” sabi ni Martin.
“Hindi ako yung tumanggi, hindi ako yung tumanggi. Parang alam ko, sina Direk [Rodina Singh], parang may lock-in shoot sila na hindi kaya ng schedule ko.
“Walang isyu, walang isyu… sayang, pero baka next time, makapagtrabaho kami ni Sassa.”
Sa Agosto ay may gagawing indie film si Martin kay Direk Jay Altarejos, yung Sa Pagitan ng Ulap na pagsasamahan nila ni Arnold Reyes.
Read: Nadine Lustre wins online harassment case, netizen punished by court
