JERRY OLEA
Hubo’t Hubad ang tema ng Virgin Lab Fest (VLF) XXI noong Hunyo 3-28, 2026 sa Tanghalang Ignacio Gimenez o CCP Black Box Theater sa CCP Complex, Pasay City.
Figurative ang pagtatalop ng mga karakter sa labinlimang (15) one-act plays sa theater festival na ito.
Walang literal na nagtanggal ng saplot sa katawan. Walang nag-display ng kuyukot, boobey, o ari.
Para sa second quarter ng 2026 (Abril-Hunyo), frontrunners sa talaan natin ng Los Hubaderos sina Jayden Fernandez, Juan Paulo Calma, Drei Arias, Vince Tañada, Gerald Magallanes, Johnrey Rivas, at CerJoy San Marcos.
JAYDEN FERNANDEZ
Abril 24 nang kumalat online ang video ng Tiktokerist na si Jayden Fernandez kung saan katalik ang isang babaeng maraming tattoo.
Sa scandalicious series na ito ay nauna ang The Big Four na sina Ron Angeles, Nikko Natividad, Gil Cuerva, at Arron Villaflor.
Pebrero 28 pinagpistahan ng netizens ang videos ng kanilang intimate moments na may babaeng kakuyangyangan.
Sumunod sina Nico Locco at Andre Cue, and then ito ngang si Jayden.
Read: Jayden Fernandez, umaming may video scandal; nag-sorry sa partner

JUAN PAULO CALMA
Sabi ni Juan Paulo Calma, wala siyang plaster nang tumalon sa may Daranak Falls para sa isang eksena sa pelikulang Palitan 2, na nag-streaming sa VMX umpisa Mayo 29.
Hindi na bago kay Juan Paulo ang magbuyangyang sa pelikula man o entablado.
Hintayin daw natin ang pagbabalik ng streaming platform na AQ Prime.
Sa pelikulang Buskay ng AQ Prime ay nag-hello muli ang kanyang kadakilaan.
Sa Hulyo 10, Biyernes, ay streaming sa VMX ang pelikulang Siping kung saan tampok si Juan Paulo, kasama sina Shannon Sizon, Cheena Dizon, at Chad Solano, sa direksyon ni Christopher Novabos.

DREI ARIAS
Ang Mr. Gay World Philippines 2026 na si Drei Arias ay nag-frontal nudity sa dulang Reverse Card na bahagi ng twinbill na Double Take.
Napanood namin yung tagisan nila ng baklang kanal na si Inah Evans, na walang gatol na nag-butt exposure.
Itinanghal ang Double Take nang weekends mula Mayo 29 hanggang Hunyo 21 sa Illumination Studio, Chino Roces Avenue, Makati City.
Idinirek ito ni Paul Jake Paule. Ang isa pang dula sa twinbill ay Al.Ter.

VINCE TAÑADA
Nag-rerun ang dulang Ang Bangkay noong Hunyo 26 at 27 sa PSF Black Box Theater sa Calabash St., Balic-balic, Sampaloc, Manila, malapit sa kanto ng PS Bank sa G. Tuazon St.
Nag-frontal si Atty. Vince Tañada bilang Señor Segismundo Corinto, ganoon din sina Gerald Magallanes at Johnrey Rivas na magka-alternate bilang Lemuel Alonzo.
Pagtatapat ni Atty. Vince sa TDR (technical dress rehearsal) noong Hunyo 25: “Nahirapan ako sa paghuhubad, kasi ano, parang… kapag lalaki kasi ang naghubad, habang buhay.
“Ang lalaki kasi, by the way, hindi sa inaano ko, what I’m saying is, ang lalaki kasi — yung size, nakadepende siya sa maraming bagay, e.
“Sa emotions mo, sa temperature, sa stress. Sila [mga babae] kasi, pag naghubad sila, yun na yun.
“Yung sa amin, puwede kaming mahusgahan forever. Pero malay mo, may mga factors na, ‘Ay! Juts naman yan, e!’ O kaya, nakakasiya.
“So mahirap yun, kasi iniisip namin, sobrang… isipin pa lang namin na maghuhubad kami, na-stress na talaga ako. Nakaka-stress na talaga.
“So, parang doon ako talaga pinakanahirapan. Pero hindi siya puwedeng hindi gawin. Hindi siya puwedeng hindi gawin…
“Parang ito yung kailangan mong gawin. So, yun. Marami kasing naghuhubad na hindi naman kailangan. Pero ito, palagay ko, kailangan.”

Read: Hubaderos 2026 1Q: The Big Four, Piolo, sexy actors on fire
CERJOY SAN MARCOS
Ang alter na si CerJay, na kilala rin bilang Cerjoy San Marcos at nag-aartista na rin, walang keber na nagbilad ng ding-a-ling sa waxing session.
Take note na hindi kumpleto ang talaan namin ng Los Hubaderos. Hindi namin namo-monitor lahat.
Hindi na rin namin isinasama ang sangkatutak na adult content creators, yung mga alter.
May mga nagsulputang online platforms kung saan walang pakundangan ang mga lalaki sa pagbibilad ng naghuhumindig na private part, may mga nagsasariling-sikap, at meron ding nagkakasubuan.
Noong kasagsagan ng pandemya ay may indie actors at bikini konteseros na nagpatilabsik sa livestream o video call, at may mga gumagawa pa rin niyon.

PIETRO BOSELLI
Noteworthy na banggitin natin si Pietro Boselli na pumukaw sa diwa at panagimpan ng mga Pinoy.
Tinagurian siyang World’s Sexiest (or Hottest) Math Teacher.
Noong Marso 2017 ay pumunta siya sa Manila at rumampa sa Bench Fashion Week.
Noong Hunyo 2024 pa may OF account si Pietro, at patuloy na kumakalat online ang video niya habang nagsa-shower.
IYKYK.

Read: Hubaderos 2025 4Q: The men who heated up the last quarter of 2025
GORGY RULA
Sa pagiging puwetmalu, frontrunners ang hombres ng VMX.
SOP (standard operating procedure) na naka-plaster sila sa maseselang eksena, ganoon din ang mga babaeng kapareha nila.
Narito ang talaan ng VMX movies noong Abril hanggang Hunyo 2026, at ang mga lalaking kumadyot doon at may butt exposure:
Stepdaddy — Jhon Mark Marcia
Sawsawan — Allen Legazpi, Jio Yoshida, Joko Rivera, Aeron Henry Cruz
Tayuan 2 — Marco Mora, Chester Grecia
Kesong Puti — Van Allen Ong, Mark Dionisio, Eddison Fernandez
Barurot 2 — Aerol Carmelo, JC Tan

Check-In — Victor Relosa, Chester Grecia
Scissors — Ghion Espinosa
Hayok — Nico Locco, Chester Grecia, Ram Abrera, Alejandro Francisco
Monay — Rash Flores, Sahil Khan, Calix Garcia
Palitan 2 — Victor Relosa, Juan Paulo Calma

Scandal Queen — Nico Locco, Ardy Raymundo, JJ Marquez, Sharman Azur
Sugar Mommy — Aerol Carmelo, Rash Flores
Kikirot Kirot — Mark Dionisio, Mark Niño
Latina — Marco Mora, Joko Rivera
The Cheating Wife — Vince Rillon, Primo Angeles
Hibla 2 — Albie Casiño, Ghion Espinosa

BARAKO: VMX PLUS SPECIAL FEATURE
Noong Hunyo 3 ay nag-streaming sa VMX Plus ang special feature na Barako, hosted by Nico Locco. Ito ang first ever compilation ng M2M scenes sa VMX.
Labing-isang pelikula ang itinampok doon.

Notable na banggitin na hindi kasama sa special feature ang sex scene nina VJ Vera at Ace Toledo sa Malagkit, nina Victor Relosa at Josh Ivan Morales sa Rita, at nina Migs Almendras at Marco Gomez sa High (School) On Sex.
Ang mga na-feature sa Barako ay ang mga sumusunod:
Sisid with Paolo Gumabao and Vince Rillon
Pretty Boys with Tommy Alejandrino and Markus Paterson
May-December-January with Gold Aceron and Kych Minemoto
Two and One with Paolo Pangilinan, Miggy Jimenez, and Cedrick
Juan My Boyfriend Is A Sex Worker with Topper Fabregas and Kurt Kendrick

My Boyfriend Is A Sex Worker 2 with Kurt Kencrick and Tim Tuppil
Table for Three with Topper Fabregas, Jessie Guinto, and Arkin del Rosario
Pwede G, Pwede B with Gio Gahol and Julian Roxas
Habal with Jhon Mark Marcia and JD Aguas
Bigayan with Jessie Guinto and Mike Liwag
Foursome with Nico Locco and Mark Dionisio

Read: Hubaderos 2025 3Q: Who is the most noteworthy of them all?
NOEL FERRER
More and more and more ang mga lalaking pa-thirst trap — naka-swimwear, naka-underwear, topless, nagfe-flex ng kakisigan.
May mga ngiting makalaglag-panty. May mga ekspresyong tila nangangako ng sanlibo’t isang luwalhati.
Sa Songkran festival ng Thailand, takaw-pansin ang pa-abs nina Tony Labrusca at Teejay Marquez.

Sa dulang Endo na itinanghal sa PETA Theater Center, ang yummy-yummy nina Royce Cabrera at Esteban Mara.

Nagpa-abs din si Derrick Monasterio na title role sa musical na Ibarra… Ngayon.

Yung Bench Fashion Week Manila noong Abril 19 ay nag-peak sa 31.8K live views.
Nagpakitang-gilas sa runway sina Derrick Monasterio, Jameson Blake, Elyson de Dios, Royce Cabrera, Teejay Marquez, Kirk Bondad, Calix Esguerra, Shaun Pelayo, Jezreel Padilla, Kenneth Cabungcal, Kenneth Marcelino, at Cole Micek.

Noon ding Abril 19 ang swimwear competition ng Mr. Philippines-Pampanga sa Lakeshore Pampanga, at standout doon ang chubbylicious na si RJ Perkins.

GAY PRIDE 2026
Abril 25 pa lang ay meron nang Manila Gay Pride parade.
Rumampa nang naka-swimwear sa kalsada ang bikini boys na sina Nomer Alejo, Sebastian Dacles, Jimmy Dionisio, Alex Lee, at Jestoni Matic.
Sa launch ng White Party Manila 2026: Reignite noong Mayo 9, anim na bikini boys ang kumaldag kabilang sina Kenzuki Laxa, Troy Montez, at Rodel Suico.
Sa mismong White Party pauga noong Hunyo 27 sa World Trade Center, sandahutay ang bikini models na nagpayugyog.
Rumampa rin doon sina Alex Diaz, Kirk Bondad, Ron Angeles, Teejay Marquez, Oliver Eugen Kretz, Alexander Diaz, Vandave Paragas, Than Perez, at Eian Rances.

THIRST TRAPS
Si Jason Dy ay nag-Beyonce sa Your Face Sounds Familiar. Sa socmed, meron siyang pa-white brief. Oh-la-la!
Sa April 30 pasiklab ng Sexbomb Girls, umeksena si Wendell Ramos.

Kaugnay sa kanilang kaarawan ay may kani-kanyang sexy posts sina Eian Rances at Prince Clemente.
Sa iWant movie na Young Blood, katakam-takam sina Argel Saycon at Aljon Mendoza.
Talap-talap din sa kabilang online posts sina Tommy Alejandrino, Jameson Blake, Yuan Tanfelix, Joaquin Arce, Joseph Marco, Rafael Rosell, at Ralph Miaco ng Born to Shine.
“So Many Men, So Little Time” ang title ng kanta ng Canadian singer na si Miquel Brown. Nag-hit iyon noong 1983.
Andami pang lalaking Pinoy ang hindi natin na-mention dito, di ba?
Read: Hubadero 2025 2Q: Male nudity in films, on stage, online
