PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MVP, Ramon Ang tease possible collab, mum on ABS-CBN rumors

Guido Zaballero: More TV5 shows to air on ABS-CBN, A2Z, AllTV.
by PEP Troika
Published 1 Hour ago
manny pangilinan ramon ang collab
Business tycoons Manny V. Pangilinan (left) and Ramon S. Ang (right) tease a future partnership but stop short of addressing speculation surrounding ABS-CBN during MVP's birthday celebration.
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Espesyal ang episode ng music countdown show na Vibe+ noong Sabado, July 11, 2026, dahil ipinagdiwang nila ang kaarawan ng chairman ng TV5 na si Mr. Manny V. Pangilinan (MVP).

May special number ang homegrown talents ng Kapatid network na Block 1 ng Star Worx.

block 1 star worx
Star Worx Block 1 artists
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dumating din ang A Secret in Prague star na si Enrique Gil para batiin si MVP.

Pero marami ang nagulat at naintriga nang biglang dumating ang kilala ring negosyante, ang presidente at CEO ng San Miguel Corporation na si Mr. Ramon S. Ang (RSA).

“Nandito lang ako para batiin si MVP,” pakli ni RSA.

manny v. pangilinan ramon s. ang collab
Manny V. Pangilinan and Ramon S. Ang having a small talk at MVP's birthday celebration.
Photo/s: Gorgy Rula
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PANGILINAN AND ANG TO BUY ABS-CBN?

Nangahas ang PEP Troika na tanungin sina MVP at RSA kung totoo bang may aabangan tayong malaking partnership nilang dalawa.

May usap-usapan kasing bibilhin daw nila ang ABS-CBN.

Napangiti lang si MVP.

“Ewan ko. You have to ask him,” tugon ni MVP, na itinuro ang katabi niyang si RSA.

Hindi nila itinanggi o kinumpirma ang balita.

Ang sabi lang ni RSA, malaking karangalan daw sa kanya na maka-collab si MVP.

Abangan na lang daw kung ano ang pagsasamahan nila.

Nakorner din ng PEP Troika ang presidente at CEO ng TV5 na si Mr. Guido Zaballero.

Wala raw siyang maisasagot tungkol sa usaping bibilhin nina MVP at RSA ang ABS-CBN.

Nandoon lang daw si RSA para sa birthday celebration ni MVP.

“Kasi, siyempre birthday celebration ni MVP,” matipid niyang sagot sa amin.

Read: Battle of TV networks is back, but partnerships are still on

WHAT TO LOOK FORWARD TO ON TV5

Masayang ibinahagi ni Sir Guido sa PEP Troika na marami pang aabangan sa TV5, lalo na itong madadagdag na collaboration nila sa ABS-CBN Studios.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang daw sa aabangan sa kanila ay ang mga pagbabago sa timeslot ng mga programa nila at mga karagdagang programa na mapapanood na rin sa Kapamilya Channel, pati sa AllTV at A2Z.

“Actually, malapit na rin that we’re going to have some shows on ABS-CBN also sa hapon,” pakli ni Sir Guido.

“July 27, My Bespren Emman, book two na siya.

“So, sa hapon at 2:30 after Eat Bulaga! and after It’s Showtime, lalabas ang Emman sa ABS-CBN as well.”

Pati raw ang A Secret in Prague ay matutunghayan na sa primetime ng ABS-CBN.

Indeed, collaboration is more collaborative the second time around!!!

Read: A Secret in Prague, My Bespren Emman to air on Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Napangiti si Mr. Guido Zaballero nang tinanong tungkol sa Star Worx talents na posibleng kunin ng ABS-CBN para sa mga susunod na teleserye o programang gagawin nila.

“Sana. Sana,” bulalas ni Sir Guido.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-usap na kami ni Tita Cory [Vidanes] and sana, we can work something out.”

Samantala, doon sa birthday celebration ni Sir MVP, may mga binago at lalo pa palang pinalaki ang Vibe, na ginawa nang Vibe+ ni Mr. Johnny Manahan na siyang nagdidirek nito.

Vibe+ na po siya dahil open na po kami for songs international… and siyempre, marami pang stars kayo mapapanood dito sa Vibe,” sabi ni Queenay Mercado, na isa sa main hosts ng naturang programa.

GIGI DE LANA JOINS VIBE+

Sa pagbabago ng Vibe+ ay winelcome na rin nila si Gigi de Lana na magiging isa sa regular hosts ng countdown musical show.

Medyo nangangapa pa si Gigi sa hosting.

Nakiusap siya sa production staff na huwag muna siyang bigyan ng mahirap at mahahabang spiels.

Read: Los Hubaderos 2026 2Q: So Many Men, So Little Time

NOEL FERRER

Hindi lang ang TV5 ang mababago na rin ang timeslot, kundi pati ang AllTV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May mga programa na rin silang mababago ng timeslot.

Inilipat na sa bagong oras ang Mabilis Lang 'To, ang kanilang flagship news program.

Nagsimulang umere ang programa sa bagong oras nitong Lunes, July 6, 2026.

Napapanood na ang Mabilis Lang ‘To 10:30 hanggang alas-11:30 ng umaga, Lunes hanggang Biyernes.

Hino-host nina Ralph Lopez at Michelle Guillang, hatid ng Mabilis Lang 'To ang mga bago, diretso at mapaniniwalaang balita, updates sa buong weekdays.

mabilis lang to anchors
Mabilis Lang 'To anchors Michelle Guillang and Ralph Lopez
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating ng Sabado, 8:30 hanggang 9:30 ng umaga ay ang Sagot ni Doc na si Michelle Guillang ang host.

Kasunod ng Sagot ni Doc ang legal affairs program, Dapat Legal na hosted ni Atty. Chris Sorongon, tuwing Sabado, 9:30 hanggang 10:15 ng umaga.

Nagbibigay ang programa ng practical legal guidance at tinatalakay rin dito ang karaniwang legal issues na kinakaharap ng mga Pilipino.

Lahat ng programa sa AllTV Channel 2 ay kasabay na umeere sa AllRadio 103.5 at Planet Cable Channel 3.

Read: Sigabo, Someone, Someday head to TV5 under new ABS-CBN deal

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Business tycoons Manny V. Pangilinan (left) and Ramon S. Ang (right) tease a future partnership but stop short of addressing speculation surrounding ABS-CBN during MVP's birthday celebration.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results