GORGY RULA
Masaya ang tsikahan namin sa chemist at philanthropist na si Pinky Tobiano sa kanyang birthday lunch noong Huwebes, July 9, 2026.
Nag-aartista na siya ngayon bilang sosyalerang landowner sa Sigabo nina Coco Martin at Julia Montes.
Maganda ang partnership nina Pinky at Julia sa negosyo nilang Swiss Proli Lean at Night.
Kuwento ni Pinky, “When Julia offered this role, kailangan daw ng sosyal-sosyal na landowner. I grabbed the opportunity.
“Kaya I’m thanking direk Coco and Julia for this.”
JULIA MONTES' ROLE IN CCM PRODUCTIONS
Ang isa raw talaga sa ikinatuwa ni Pinky ay si Julia na co-producer ni Coco sa CCM Productions, ang TV and film production na pag-aari ng showbiz couple.
Sa isang presscon kamakailan ay inamin ni Coco na si Julia ang tunay na humahawak sa CCM Productions.
Sabi ni Coco: “Sa production namin sa CCM Films, siya talaga. Ganun talaga yung key… kaya nga sabi ko, ako sa creative, siya sa finances.
“Which is lahat ng bagay talaga ngayon, yon yung dynamics namin, e, na dapat yung mahal mo sa buhay, yun din yung katuwang mo sa lahat ng aspeto ng ginagawa mo ngayon, which sa trabaho ko.
“Yun yung mas nagpapalalim ng pagmamahalan namin ngayon, kasi nga, magkatuwang kami sa lahat ng bagay.”
Kaya ipinaubaya na raw ni Coco kay Julia ang pagma-manage ng kanilang produksiyon.
Read: Coco Martin says he feels incomplete without Julia Montes
PINKY ATTESTS TO JULIA'S DEDICATION AND LEADERSHIP
Nakita raw ni Pinky kung gaano kabusisi ang aktres.
“Iba talaga siya. By the book siya na tsine-check niya lahat. Julia is very good and promising entrepreneur.
“Malayung-malayo ang mararating ni Julia Montes,” saad ni Pinky.
Sabi pa ni Pinky, kahit sa partnership ng negosyo nila ni Julia, nakita niyang gusto talaga nitong matuto sa pagnenegosyo, at nagagamit ito ngayon ng aktres sa pag-manage ng CCM Productions.
“As a partner, very committed, at saka ano siya, madetalye. Talagang binabasa niya ang mga report.
“And one thing nice about Julia, she plans. Talagang pag may financial statement, she learns. Nag-aaral siya ngayon,” ani Pinky.
Pinupuri niya kung paano raw ito kagaling humawak ng pera.
“Julia is very careful. She manages finances. Kasi, I think, important sa isang negosyo, dapat yung cash flow healthy.
“Kaya maganda kay Julia, first, very practical si Julia. Alam niya kung kailangan na namin mag-promote, all-out siya.
“At saka bilib ako sa batang yan. Gutom siyang kumita on her own.
“Aside from showbiz, she wants something very stable.”
Read: MVP, Ramon Ang tease possible collaboration, mum on ABS-CBN rumors
NOEL FERRER
Bilang artista sa Coco Martin’s Sigabo, nagpapasalamat si Pinky Tobiano na na-experience daw niya ang istilo ni Coco sa pagdidirek.
“Sobrang galing niya. Iba siya, e. He knows what he’s doing,” bulalas ni Pinky.
May usap-usapang wala raw silang ginagamit na script.
“Meron kaming script. Minsan, may script. Tapos five minutes before, magbabago yung script,” sey ni Pinky.
“So, talagang nate-test yung versatility mo as an actor. Paano mo na-embrace yung role.”
Bilang first time niyang umarte sa isang teleserye, talagang nangangapa raw siya.
Mabuti at nandiyan daw sina Edu Manzano, Carmi Martin at Arci Muñoz na madalas niyang nakakaeksena.
“Nung una, shy ako. Pero dahil kay Edu and Carmi, yun talaga nagmo-motivate sa akin,” sambit ni Pinky.
Read: Winnie Cordero opens up about husband's death, life after loss

JERRY OLEA
Masaya ang puso ng Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon dahil sa patuloy na pagmamahal at pagsuporta ng mga Pilipino sa Coco Martin’s Sigabo.
Natutuwa naman si Prime Actress Julia Montes na patok din sa mga manonood ang mga nakakatawang banat at good vibes na mga eksena sa serye.

Maliban kina Edu Manzano, Carmi Martin, Arci Munoz, at Pinky Tobiano, nagpauga na sa Coco Martin’s Sigabo sina JM de Guzman (bida sa My Bespren Emman), Chanda Romero, Efren Reyes Jr., at Ron Martin.
Mas maraming Pilipino na ang makakanood ng Coco Martin’s Sigabo sa iba’t ibang platforms kung saan available ito Lunes hanggang Biyernes ng 8 .P.M sa ALLTV2, TV5, A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook, at iWant.
Napapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC) sa cable at IPTV.
SIGABO AND SOMEONE, SOMEDAY BACK-TO-BACK
Simula sa Hulyo 27, Lunes, ay ka-back-to-back na ng Coco Martin’s Sigabo ang Someone, Someday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
Sa official poster ng Someone, Someday ay ang Asia’s Superstar ang nasa gitna at malaki ang litrato.
Si Kathryn mismo ang pangunahing pambenta ng Someone, Someday — hindi ang tandem nila ni James.

Ang nakakatuwa pa sa pagba-back-to-back ng Coco Martin’s Sigabo at Someone, Someday ay “nagkakatulungan” ang mga bida sa remake na Mara Clara (Oktubre 2010-Hunyo 2011) na sina Kathryn at Julia.
Kung masaya si Julia sa piling ni Coco, mukhang happy rin naman si Kathryn kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
Read: Sigabo, Someone, Someday head to TV5 under new ABS-CBN deal
