PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

SB19, Ben&Ben lead unforgettable OPM Con Generations 2026

SB19's collab with Bamboo steals the show at Puregold OPM Con 2026.
by PEP Troika
Published 20 hours ago
sb19 ben&ben opm con 2026
SB19 (top) and Ben&Ben (bottom) thrilled thousands of fans at Puregold OPM Con Generations 2026, highlighted by surprise collaborations and spectacular performances.
PHOTO/S: Courtesy of Puregold

JERRY OLEA

Panalo ang pagsasanib-puwersa ng SB19 at Ben&Ben sa Puregold OPM Con Generations 2026 noong Hulyo 11, Sabado, sa Araneta Coliseum, Cubao, Quezon City.

Sa engrandeng "Visa" finale ay kasama nila ang iba pang artists sa palabas — Skusta Clee, Flow G, Sunkissed Lola, G22, KAIA, Xonara, at Alamat.

opm con generations 2026 finale
All the artists at the grand finale of Puregold OPM Con Generations 2026
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lima’t kalahating oras ang concert extravaganza na nag-umpisa ng 6:00 P.M. sa "Dagundong" ng Alamat (na naka-collab si Jett Pangan sa kantang "Salamat).

9:44 P.M. sumalang ang Ben&Ben, samantalang 10:39 P.M. nag-start ang set ng SB19.

Dumagundong nang lubos ang Big Dome sa mga pasiklab ng Ben & Ben, at sa unang pagkakataon ay ipinarinig nila nang live ang bagong version ng "Leaves."

Mas nakakatulig ang hiyawan at tilian nang magpayanig na ang SB19, na pinasimulan sa "GENTO."

SB19-BAMBOO COLLAB

Maluha-luha ako sa collab ng SB19 at ni Bamboo.

Pag-intro ni Stell: “A’TIN, makinig! Sa bawat wakas, naniniwala kami na may bagong simula kaya nag-post kami ng kambing.

“At habang magkakasama tayo ngayong gabi, may pag-asa pa rin. May pag-asa pa rin tayo para tumindig, magsalita, at gumawa ng pagbabago.

“Tama ba, A’TIN? Walang mali, lahat tama! Tama?!”

Hindi ko na napansin kung sinu-sino pa sa SB19 ang sumambot, at ang lakas-lakas pa ng sigawan ng fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, patuloy lang daw sa pagbibigay ng inspirasyon ang kanilang musika.

At ayun na nga, nakasalo ng SB19 si Sir Bamboo sa paghataw sa "Tatsulok" (2007).

“Totoy, bilisan mo, bilisan mo ang takbo/ Ilagan ang mga bombang nakatutok sa ulo mo

“Totoy, tumalon ka dumapa kung kailangan/ At baka tamaan pa ng mga balang ligaw

“Totoy, makinig ka wag kang magpagabi/ Baka mapagkamalan ka't humandusay dyan sa tabi

“Totoy, alam mo ba kung ano ang puno't dulo/ Ng di matapus-tapos na kaguluhang ito

“Hindi pula't dilaw, tunay na magkalaban/ Ang kulay at tatak ay di siyang dahilan

“Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan/ At ang hustisya ay para lang sa mayaman

“Habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok/ Di matatapos itong gulo…”

Sa huling bahagi ay ilang beses nilang inulit-ulit ang pariralang, “Di matatapos.”

bamboo sb19 opm con 2026
Bamboo with SB19
Photo/s: Courtesy of Puregold
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hirit ng SB19 pagkatapos umeksit ni Sir Bamboo, “Grabe yon! Akala namin, hindi siya matatapos!”

“Hindi matatapos!”

Kuwento ni Stell, “Sabi ko, hala, anong oras na?! Pero guys, once again, mag-ingay tayo para kay Sir Bamboo!

“Yung praktis namin kahapon, grabe. Sobrang pressure…”

Todo pasalamat ang SB19 sa Puregold para sa pagkakataong maka-collab si Sir Bamboo.

Panay-panay rin ang pagbati ng SB19 ng “Happy birthday!” kay Sir Vincent Co.

Inawit din ng SB19 ang "Emoji," "Memories," "Wakas," at "Crimzone."

sb19 opm con 2026
SB19
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa SB19 at Ben&Ben pa lang ay sulit na sulit na ang panonood sa Puregold OPM Generations 2026.

Aba! May paayuda pang grocery goods si Ninang Puregold sa mga nanood. Panalung-panalo!

Read: Meet the Top 40 finalists of Century Tuna Superbods Era 2026; Dom Corilla, Cianne Dominguez exit early

NOEL FERRER

Ikatlong edisyon na ito ng Puregold OPM Con.

Batid ng audience na panghuli sa lineup ng performers ang SB19 at Ben&Ben.

Hindi alintana ng avid fans na nakatayo at siksikan sila sa ground for nine hours more or less.

2:00 P.. ang queueing para sa VIP standing sa ground area, at 2:30 P.M. ang entry para sa VIP standing.

2:45 P.M. naman ang entry para sa Patron, Lower Box, Upper Box, at General Admission.

Nasunod na 6:00 P.M. ang concert proper.

opm con
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ALAMAT-JETT PANGAN COLLAB

Nakalimang kanta ang Alamat — "Dagundong," "Kasmala," "Salamat" featuring Jett Pangan, "Hapag," at "LuzViMin."

Ang Alamat ay binubuo nina Mo, Taneo, Alas, Jao, R-ji, at Tomas.

alamat opm con 2026
Alamat
Photo/s: Courtesy of Puregold

Anila: “Ang ganda na makita na iba-iba man ang style natin, iisa ang ipinapakita. Na ang OPM ay para sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yes, speaking of artists, ang saya ring makasama ang mga artist na dati lang namin pinapanood at pinapakinggan, at ngayon kasama na namin sila sa iisang stage.

“Kaya sobrang nakaka-inspire. Salamat sa pagbubukas ng daan sa bagong henerasyon ng OPM artists tulad namin.

“Kaya palakpakan natin lahat ng mga performers ngayong gabi. At sana, at sana magustuhan nyo ang munti naming surpresa. Handa na ba kayo?”

At bumanat na nga sila ng "Salamat" kasama si Jett Pangan, na afterwards, inilarawan nila bilang “the legendary, the one and only, ang tunay na Alamat… Jett Pangan!”

Na-pressure daw ang Alamat sa pakikipag-collab kay Jett.

Sey ni Jett, siya rin.

Nagbiro pa si Jett na ang sarap sa feeling na makasama niya ang mga kaedad niya.

alamat jett pangan opm con 2026
Alamat with Jett Pangan
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

XONARA / KAIA / G22

Tatlong kanta ang toka sa Xonara, na first time nag-Araneta.

Ang mga ito ay "Tabi," "Ikigai," at "TBC."

Ang Xonara ay binubuo nina Tin, Eureka, Lei, Ella, Dominique, Megumi, at Namie.

xonara opm con 2026
Xonara
Photo/s: Courtesy of Puregold

Ang KAIA ay nakalimang kanta — "Tanga," "Walkie Talkie," "Dati Rati" featuring Sam Concepcion, "5678," at "Hulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KAIA is composed of Charice, Angela, Alexa, Charlotte, and Sophia.

kaia opm con 2026
KAIA
Photo/s: Courtesy of Puregold

Ang ikaapat na nagpauga ay ang G22 na umawit ng "Groove On," "Super Saiyan," at "Pa-Pa-Pa-Palaban."

gss opm con 2026
G22
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa pagtatapos ng Act 1 (“OPM Back to the Roots”) ay sama-sama ang Alamat, Xonara, KAIA, at G22 sa paghataw sa "Maharani."

Read: MVP, Ramon Ang tease possible collaboration, mum on ABS-CBN rumors

opm con 2026
Alamat, KAIA, Xonara, and G22
Photo/s: Courtesy of Puregold

GORGY RULA

Luntian ang pinakaprominenteng kulay sa Puregold OPM Con Generations 2026, mula sa lightings hanggang sa suot ng performers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag ni Ivy Hayagan-Piedad, senior marketing manager ng Puregold Price Club Inc.: “The Big Dome has long been a home to some of OPM’ s most iconic acts and unforgettable performances, and seeing it come alive once again for Filipino music is something Puregold will always be proud of.

“OPM has the power to bring generations together. Puregold is deeply grateful to the artists, fans, communities, partners, and everyone who helped turn this vision into a true historical moment for OPM.”

SUNKISSED LOLA

Sunkissed Lola lamang ang nagpakitang-gilas sa Act 2 (“On the Street”) ng concert bonanza.

Ang apat na kinanta nila ay "White Toyota" featuring Kiyo, "Dalawang Patinig," "Pakisabi," at ang "Pasilyo" na sinabayan ng audience.

Members ng Sunkissed Lola sina Dan, Bino, Lau, Danj, at Jenson.

sunkissed lola opm con 2026
Sunkissed Lola
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

FLOW G AND SKUSTA CLEE

Para sa Act 3 (“On the Street” din), tigpito ng kanta sina Flow G at Skusta Clee.

All throughout the concert ay gamit na gamit ang mga mechanical lift.

Panalo sa pag-utilize niyon si Flow G na may kotseng pina-lift, at sa ibabaw niyon siya tumindig.

flow g opm con 2026
Flow G
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kung naka-collab ni Flow G si Chito Miranda, nakatuwang naman ni Skusta Clee sina Jay Durias at Yuridope.

Nagpakitang-gilas si Flow G sa "Driftstar," "Rapstar," "Lokal," "High Score," "Kasama" x "Harana" featuring Chito Miranda, "Telebabad," at "Feed" x "Cortez."

flow g chito miranda
Flow G and Chito Miranda
Photo/s: Courtesy of Puregold

Bumanat naman si Skusta Clee ng "Dance With You" featuring Yuridope, "Oo," "Lagabog," "Ikaw Nga" ka-duet si Jay Durias, at "Sa Susunod Na Lang" with Jay Durias on keyboards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Skusta Clee
Skusta Clee
Photo/s: Courtesy of Puregold

Featured pa rin si Yuridope sa dalawa pang kanta ni Skusta Clee na "Huli Na" at "Rosas."

Nagsara ang third act sa showdown nina Flow G at Skusta Clee sa "Since Day One."

flow g skusta clee opm con 2026
Flow G and Skusta Clee
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BEN&BEN AND SB19

Ang Act 4 (“Vibe Reset”) ay Ben&Ben na buhay na buhay ang audience sa mga kanta nilang "Araw-araw," "Sunrise,"Lifetime," "Leaves," "Pagtingin" featuring Armi Millare, "Tadhana," "Paninindigan Kita," at "Saranggola" na nagse-celebrate ng friendship.

ben&ben opm con 2026
Ben&Ben
Photo/s: Courtesy of Puregold

Ang magkakaibigang bumubuo at hindi nag-iiwanan sa Ben&Ben ay sina Pao, Migs, Pat, Agnes, Toni, Jam, Kief, Poch, at Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ben&ben opm con 2026
Ben&Ben
Photo/s: Courtesy of Puregold

Act 5 (“OPM Future”) ang SB19 na binubuo nina Pablo, Stell, Josh, Ken, at Justin.

Konting kibot lang nila ay hindi magkamayaw ang A’TIN!

sb19 opm con 2026
SB19
Photo/s: Courtesy of Puregold
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Los Hubaderos 2026 2Q: So Many Men, So Little Time

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SB19 (top) and Ben&Ben (bottom) thrilled thousands of fans at Puregold OPM Con Generations 2026, highlighted by surprise collaborations and spectacular performances.
PHOTO/S: Courtesy of Puregold
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results