PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lorna dreams of granddaughter Tori becoming the next Lea

Lorna Tolentino on talented granddaughter: May Lea Salonga na ako
by PEP Troika
Published 4 hours ago
tori fernandez lotna's apo
Veteran actress Lorna Tolentino (not in photo) is beaming with pride after her granddaughter, Tori Fernandez (in both photos), impressed audiences at a Trumpets workshop, and now hopes to see her perform on Broadway or the West End.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Kinikilig si Lorna Tolentino sa mga papuring natatanggap niya sa magandang performance ng apo niyang si Tori Fernandez.

Nag-perform si Tori sa culminating activity ng Trumpets, Inc. noong Biyernes, July 10, 2026.

Bahagi ito ng summer workshop na sinalihan ng bagets.

Ang kinanta ni Tori ay ang "Fairest of Them All" mula sa Snow White.

Sobrang proud si Lorna sa performance ni Tori, na first apo ng aktres sa panganay niyang anak na si Ralph Fernandez.

Ang galing naman talaga kasi ni Tori sa pagkanta niya, na ipinost nila sa social media.

THE NEXT LEA SALONGA?

Sinasabi nga sa amin ni Lorna na meron na raw siyang Lea Salonga.

“Yun talaga ang dream ko sa kanya, e,” pakli ng premyadong aktres.

Kaya ang dream daw niya talaga sa kanyang apo ay makapag-aral ito sa ibang bansa.

Gusto raw niyang ma-expose ito sa Broadway o sa West End.

“Dyusko, kahit puhunanan ko pa para makapag-aral lang siya abroad,” sabi ni Lorna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Gusto ko talaga doon na siya mag-aral.

"Pero ayaw niya, e. Gusto niya, dito lang siya.

“Nandito ang mga kaibigan niya, tapos sumasali pa sila sa mga choral competition. Kaya nate-train pa rin siya.”

Read: Choral group na kinabibilangan ng apo ni Lorna, wagi sa Spain

NOEL FERRER

Talagang suportado ni Lorna Tolentino ang kanyang apo, dahil kahit noon pa man ay nakitaan na ito ng galing sa pagkanta.

Wala pa namang sinisimulang project si Lorna, kaya mas nakatutok daw siya ngayon sa kanyang apo.

Siyempre, pag tinatanong mo si Lorna kung kanino nagmana sa galing na pagkanta ni Tori, sa kanya ang kaagad niyang sagot.

Nakikita naman daw sa pamilya nila ang magagaling na singer.

Tinuro ni Lorna ang pinsan niyang si Zsa Zsa Padilla.

JERRY OLEA

Focused na si Lorna Tolentino sa kanyang mga apo, at sa future ng mga ito.

Iyon ang nagpapaligaya sa kanya.

Mukhang wala na sa hinagap ni LT na magkaroon ng sariling lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Lorna Tolentino, magpapaka-stage lola muna sa kanyang apo

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Lorna Tolentino (not in photo) is beaming with pride after her granddaughter, Tori Fernandez (in both photos), impressed audiences at a Trumpets workshop, and now hopes to see her perform on Broadway or the West End.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results