PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Richard Gutierrez, Barbie Imperial react to Bela exit, use of AI

Richard Gutierrez defends AI use in 'Blood vs. Duty': "It's there forever."
by PEP Troika
Published A day ago
barbie imperial richard gutierrez
Richard Gutierrez praises girlfriend Barbie Imperial's performance in Blood vs. Duty: “Naalala ko nung hindi pa kami nagsisimulang mag-taping, lagi siyang kabado. Kinakabahan siya, 'Kaya ko ba ito?' She was questioning her capability as an actress. And I always reassure her na, ‘Kaya mo yan. Kaya mo yan. Study the script, the character.' And yung lahat na mga kaba niya, and lahat na mga worries niya, nawala.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Anim na episodes na lang sa Netflix at matatapos na ang streaming ng Blood vs. Duty (80 episodes) na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Gerald Anderson.

Sa July 24, 2026, Friday, ang last airing nito sa free TV.

Mahirap hulaan kung ano ang magiging ending ng kuwento dahil namamayagpag pa rin ang mga kontrabida rito, sa pangunguna ni Gen. Manuel Carillo (Bodjie Pascua).

Nakatsikahan namin ang magkasintahang Richard Gutierrez at Barbie Imperial sa Super Sam Quezon City noong Lunes, Hulyo 13, 2026.

Maingat sila mag-spill kung ano ang mangyayari sa kanilang mga karakter.

Mas marami pa raw matitinding aksyon at madramang tagpo sina Richard at Gerald, dahil magkakaalaman nang magkapatid sila.

Ayon kay Richard, lahat sila ay involved sa Blood vs. Duty para lalong mapaganda ang takbo ng kuwento.

Halos lahat daw sila ay may ambag, may inputs sila para sa lalong ikagaganda ng seryeng ito.

Ani Richard: “Lahat may mga inputs. Kaya nga yung writer at saka producers namin, minsan nahihilo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi lahat ng mga artista, siyempre thinking actors, di ba?

“So, lahat siyempre may input. Lahat, may ideas. But it’s in a very positive manner naman.

“Even yung fight scene namin with Robin [Padilla], yung sa amin nina Gerald? It was really a very collaborative action scene.

“Kumbaga, lahat may input. Lahat gusto mapaganda eksena, lahat gusto mapaganda yung show.”

Pero nilinaw nilang nasusunod pa rin ang writers at directors.

“Pero yun nga, it’s up to the directors and the writers to manage that.

“Sila pa rin. And of course, sa editing, si Ms. JRB. But, of course, everybody wants the best for the show,” tugon ni Richard.

Si "JRB" na binanggit ni Richard ay si Julie Anne R. Benitez, ang producer ng Blood vs. Duty at head ng JRB Creative Production.

Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites

blood vs duty cast
Blood vs. Duty cast
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON BELA PADILLA ISSUE

Dahil napag-usapan ang involvement ng mga artista sa kuwento ng Blood vs. Duty, tinanong ng PEP Troika ang intriga sa pagpatay sa karakter ni Bela Padilla.

Kaya ba tinanggal si Bela dahil sa madalas na pangingialam daw nito sa taping ng teleserye?

Natawa lang si Richard, at hindi kami sinagot.

Sabi naman ni Barbie, “Si Bela? Hindi namin alam kung anong nangyari kay Bela.

“Respect naman kay Bela. Kasi magaling naman talaga si Bela.”

Pero marami raw talagang isina-suggest si Bela na nakakatulong naman sa produksiyon.

“Marami! Maraming suggestions,” bulalas ni Barbie.

“Para ano naman yun, e. Para sa ikabubuti ng character niya,” dagdag ng aktres.

Read: Ejay reacts to alleged exit of Bela from Blood vs. Duty

NOEL FERRER

Sinagot naman ni Richard Gutierrez ang isyu tungkol sa paggamit ng AI o Artificial Intelligence sa Blood vs.Duty.

“Nakakatuwa rin na pinag-uusapan na ang AI as early as now kasi parang kami ang isa sa mga unang gumamit ng AI,” pag-amin niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And I think it’s a really good discussion. Siyempre we can’t deny the fact that AI is there. And it’s gonna be there forever.

“It’s just a matter of paano natin siya gagamitin in a way na nakakatulong siya sa atin in a positive way, di ba?

“Yung protected din yung mga artist, protected din yung mga workers.”

Malaking tulong daw ito sa production, para hindi na maglabas ng malaking budget sa madugong eksena. Kaya na kasing gawin ng AI.

“So I think… sa taping kasi natin, sa teleserye… that Filipinos do the teleseryes, ang hirap, di ba? Ang oras, laging hinahabol.

“So, actually, makakatulong talaga ang AI sa post-production natin.

“Mapapabilis niya yung paggawa ng eksena,” saad ni Richard.

Singit naman ni Barbie, “Pero huwag naman buong eksena AI.”

Umayon si Richard sa sinabi ng girlfriend.

Saad niya: “Pero, huwag naman sana buong eksena, o yung buong show o yung buong… yung kaeksena mo, AI din, di ba? Huwag naman sanang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa amin kasi is to enhance a little bit of the scene.

“Kumbaga, we’re gonna shoot the scene, live. And then, i-tweak nang konti sa post-production through the use of AI, which I think is yun yung best way to use it, di ba? Ma-enhance mo nang konti yung eksena.

“Not to the point na mawawalan ng trabaho yung mga tao.

“I think we have to learn to adapt kung paano natin siya magagamit in a way na makakatulong.”

Dagdag ni Barbie, “Not too much!”

Read: MVP, Ramon Ang tease possible collaboration, mum on ABS-CBN rumors

JERRY OLEA

Puring-puri naman ni Richard si Barbie dahil nandiyan daw palagi ang pag-aalaga sa kanya ng nobya.

Unti-unti pa lang daw nila nararamdaman ang sepanx sa halos araw-araw na magkasama sila sa taping.

“Ngayon pa lang nagsi-sink in na tapos na yung taping,” pakli ni Richard.

“Kasi siyempre, when we were doing the finale, ano yun, e, hard work. Grind talaga sa amin yun. Halos walang pahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So ngayon pa lang nagsi-sink in sa amin yung nami-miss yung taping, di ba? Yung slow morning. May sepanx siyempre.

“But memorable siguro, of course, working with Barbie.

“May eksena kami dito sa finale week na siya ang magpapaalam sa akin ng ibang revelations, yung character ni Jamilah. Very vital din sa finale week namin.

“So, marami kaming mga eksena na dapat abangan.”

IMPRESSED BY BARBIE'S ACTING

Lalo raw bumilib si Richard kay Barbie bilang aktres.

Kuwento niya: “Dito sa Blood vs. Duty, I think nag-shine talaga yung character niya dito as Jamilah.

“Naalala ko nung hindi pa kami nagsisimulang mag-taping, lagi siyang kabado. Kinakabahan siya, 'Kaya ko ba ito?'

"She was questioning her capability as an actress.

"And I always reassure her na, ‘Kaya mo yan. Kaya mo yan. Study the script, the character.'

"And yung lahat na mga kaba niya, and lahat na mga worries niya, nawala.”

Sabi naman ni Barbie: “For me naman po, marami naman akong natutunan talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ako po yung ugali ko, since on time ako, parang ini-expect ko na on time din siya matatapos.

“Pero I understand na sa mga tapings may mga delays, ganun.

“Then, si Chard napansin ko na lahat ng ginawa niya for the show talaga. Ang daming times talaga na uwi na ako, kasi may cut-off ako.

“Tapos, sinasabi niya talaga na, 'Okay lang yan, marami kang eksena.'"

Read: Matthew Lhuillier "crazy" about Jolie, answers Chie question

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Richard Gutierrez praises girlfriend Barbie Imperial's performance in Blood vs. Duty: “Naalala ko nung hindi pa kami nagsisimulang mag-taping, lagi siyang kabado. Kinakabahan siya, 'Kaya ko ba ito?' She was questioning her capability as an actress. And I always reassure her na, ‘Kaya mo yan. Kaya mo yan. Study the script, the character.' And yung lahat na mga kaba niya, and lahat na mga worries niya, nawala.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results