PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Starletik aktres at guwapitong aktor, parehong may attitude

Starletik Aktres: “You know that I’m mastering my craft as an actress!”
by PEP Troika
Published Jul 14, 2026
blind item starletik aktres guwapitong aktor
ILLUSTRATION: Chat GPT

GORGY RULA

Naghimutok sa akin ang isang taga-production na may hinahawakang show ngayon sa isang TV network.

Himutok nito, bakit daw ang ilang kabataang artista ngayon ay ang daling lumaki ang ulo?

Porke sunud-sunod daw ang projects, akala mo sikat na?

STARLETIK AKTRES WITH AN ATTITUDE

Kagaya raw nitong si Starletik Aktres na madalas napapanood sa ilang shows ng malaking TV network.

Pero kung babanggitin mo ang pangalan niya, tiyak na marami pa rin ang magtatanong kung sino siya.

Da hu times two?

Hindi nawawalan ng trabaho si Starletik Aktres dahil, ang sabi, isa siya sa paboritong artista ng talent agency na nagha-handle sa kanya.

Hindi rin nila alam bakit siya paborito.

Dati raw ay bait-baitan ito. Pero ngayon ay ang dami na umanong demands nito.

Ayaw raw ng Starletik Aktres may mga kasama sa dressing room.

Kung may kasama man siya, dapat daw ay mga kakilala o kaibigan niya ang mga ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang hindi makakalimutan ng production staff, natarayan daw siya nitong Starletik Aktres.

Doon na raw kasi sa set ng tine-tape na teleserye ng Starletik Aktres ibinibigay ang revised script na kukunan nung araw na yun.

Nagpaliwanag ang staff na may pinapa-revise ang direktor sa script, kaya hindi na naipadala sa kanya nang maaga.

Naglitanya raw itong si Starletik Aktres! Ayaw raw niya ng ora-oradang script.

“You know that I’m mastering my craft as an actress!” mataray na dialogue ni Starletik Aktres.

Hindi raw nagbibiro si Starletik Aktres, sabi nung production staff.

Nakita raw niyang seryoso ito sa sinabi yun na akala mo bigating aktres na ito.

Ayon sa staff, naalibadbaran siya nung sinabi yun ni Starletik Aktres dahil hindi pa nga raw nito naaabot ang kasikatan ng mga nagbidang aktres sa teleserye.

Support lang si Starletik Aktres.

Ang malaki-laking role daw na nagampanan nito ay nung nagkontrabida siya sa isang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Tatlong bagong urban legend sa showbiz: Totoo o fake news?

NOEL FERRER

Hindi lang daw si Starletik Aktres ang malaki na ang ipinagbago ng ugali.

May iba pa raw mga kabataang artista na yumayabang agad kahit wala pa silang napapatunayan.

Ang layo raw sa kilalang veteran stars na baka hindi maabot ng mga nagyayabang na artistang ito.

THE "LATE" GUWAPITONG AKTOR

Di ba, inirereklamo na rin itong si Guwapitong Aktor na ang angas na raw ngayon sa ginagawa niyang teleserye?

Wala raw siyang pakialam sa co-actors niyang naghihintay sa kanya sa set.

Nale-late pa rin daw ito sa set, at hindi marunong mag-sorry sa co-actors na naghihintay sa kanya.

True bang napansin na ang pag-iiba ng ugali nito nang mag-host siya sa isang event kamakailan lang?

JERRY OLEA

Cynthia si Starletik Aktres? Cinex Films?

Maghunos-dili nawa siya bago magbitaw ng linyang, “I’m mastering my craft as an actress!”

Si Guwapitong Aktor na madalas ma-late at allergic sa pagso-sorry, in fairness ay may patunay na kahit paano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kung hindi sila mahihimasmasan sa kanilang atti (as in “attitude”), malulunod sila sa 32 oz.-hydro flask tumbler na electrolyzed water.

Abang-abang na lang tayo kung saan sila pupulutin eventually.

Read: BLIND ITEM: Lovely hospital staff files complaint vs. big boss

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Chat GPT
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results