GORGY RULA
Lalong umaalagwa ang ratings ng primetime shows ng GMA-7.
Nananatiling double-digit ang rating ng The Master Cutter, at consistent ding mataas ang rating ng Taskforce: Firewall.
Pero ayon sa mga taga-Coco Martin’s Sigabo, na katapat ng The Master Cutter ni Dingdong Dantes, masaya pa rin sila dahil lumalaban daw sila at dumidikit pa minsan.
Bukod pa riyan ay malakas ang viewership ng Sigabo online.
JULY 10, 2026 RATINGS
Noong Biyernes, July 10, 2026 ay tumaas ang viewership kahit sa panghapong programa.
Simulan muna natin sa It’s Showtime na 5.4%, at ang Eat Bulaga! ay 2.9%.
Sumunod ang Born To Shine na 5.3%, ang Can’t Buy Me Love ay 0.6%, at ang Frontline Express ay 2%.
Ang Kamao ay 5.1%, at ang High Street ay 0.4%.
Ang You’re My Favorite Song ay 4.5%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.5%.
Ang Fast Talk With Boy Abunda ay 4%, ang sumusunod na Lovers of the Red Sky ay 3%, at ang TV Patrol Express ay 1.2%.
Ang Family Feud ay 7.8%, at ang Una Sa Lahat ay 1.2%, at ang Minute To Win It ay 1.2% din.
Sa primetime, ang 24 Oras ay 12.7%, ang Frontline Express ay 1.7%, at ang TV Patrol ay 3.5%.
Ang The Master Cutter ay 10.9%, at ang Coco Martin’s Sigabo ay 7.3%.

Sumusunod ang Taskforce: Firewall na 9.1%, at ang Blood vs. Duty ay 3.4%, samantalang ang A Secret In Prague ay 0.8%.
Ang First Yaya ay 4.1%, ang The Alibi ay 2.5%, at ang My Bespren Emman ay 0.5%.
Ang Saksi ay 1.7%, at ang Frontline Tonight ay 0.3%.
Read: MVP, Ramon Ang tease possible collaboration, mum on ABS-CBN rumors
NOEL FERRER
Pagdating sa weekend ay mataas din viewership sa hapon.
JULY 11, 2026 RATINGS
Noong Sabado, July 11, ang It’s Showtime ay 5.8%, at ang Eat Bulaga! ay 3.7%.
Ang Born To Shine ay 5.5%, ang Tubig To Handle ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 2.2%.
Sumunod ang Tadhana na 4.9%, at ang rewind ng My Bespren Emman ay 0.3%.
Ang Wish Ko Lang ay 4%, at ang SOCO ay 1.1%.
Sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 6.4%, ang Frontline Weekend ay 0.6%, at ang TV Patrol Weekend ay 1.7%.
Sumunod ang Vibe+ na 0.4%.
Ang The People Have Spoken ay 5.8%, at ang Tao Po ay 2.9%.
Ang Pepito Manaloto ay 7.8%, at ang Deal or No Deal ay 4%.
Ang Magpakailanman ay 6.8%, at ang Everybody Sing ay 4%.
Ang Planet XP ay 4.1%, at ang MMK ay 1.9%.
JULY 12, 2026 RATINGS
Noon namang Linggo, Hulyo 12, ang All Out Sundays ay naka-3.2%, ang Sunday Noon Blockbuster ay 0.8%., at ang Cine Astig ay 0.7%.
Ang Regal Studio Presents ay 2.6%, at ang Tubig to Handle ay 0.5%.
Ang Resibo ay 3.1%, at ang My Puhunan ay 0.3%.
Ang FPJ sa GMA ay 4.6%, at ang Rated Korina ay 0.4%.
Sa primetime, ang 24 Oras Weekend ay 6.3%, ang Frontline Pilipinas Weekend ay 0.6%, at ang ASAP XP ay 1.5%.
Ang Kapatid Mo, Idol Raffy Tulfo ay 0.8%.
Tumaas ang BBL Gang na 6.5%, pati ang The Clash Teens na 8.0%. Ang Deal or No Deal ay 3.9%.
Namamayagpag pa rin ang Kapuso Mo, Jessica Soho na 12.4%.
Ang Everybody Sing ay 2.7%, at ang MMK ay 0.8%.
Ang TBATS ay 2.4%.
Read: Who is Margarita Gutierrez? Meet Brian Poe Llamanzares' fiancée and DOJ undersecretary
JERRY OLEA
Nalalapit na ang pagtatapos ng Blood vs. Duty pero hindi pa rin ito bumabalik sa Top 10 TV Shows ng Netflix Philippines.
Yung The Master Cutter ay naliligwak na sa nasabing talaan pero bumabalik-balik pa rin.
Sa Hulyo 27, Lunes ng gabi, ay magpa-pilot ang Someone, Sunday nina Kathryn Bernardo, James Reid, at Maja Salvador.
May mga pagbabago sa programming ng TV5 at AllTV simula sa araw na iyon.
Naulinigan nating pagsapit ng Agosto ay mas pagtitibayin pa ang collaboration ng TV5 at ABS-CBN.
JULY 13, 2026 RATINGS
Narito ang nakalap nating TV ratings para sa mga programang ipinalabas noong Hulyo 13, 2026, Lunes.
Sa tanghali, ang It’s Showtime ay 5.1%, malaki ang agwat sa Eat Bulaga! na 2.7%.
Ang Born to Shine ay 5.1%, ang replay na Can’t Buy Me Love ay 0.5%, at ang Frontline Express ay 1.3%.
Ang Kamao ay 4.5%, at ang rerun ng High Street ay 0.2%.
Ang You’re My Favorite Song ay 3.4%, at ang Kapamilya Gold Hits ay 0.3%.
Ang Fast Talk with Boy Abunda ay 3.1%, ang Red Sky ay 2.4%, at ang TV Patrol Express ay 0.8%.
Ang Family Feud ay 6.0%, ang Minute to Win It ay 1.0%, at ang Una sa Lahat ay 1.0%. Ang Frontline Pilipinas ay 1.9%.
Pagsapit ng primetime, ang 24 Oras ay 11.9%, at ang TV Patrol ay 3.1%.
Ang The Master Cutter ay 11.9%, vis-a-vis Coco Martin’s Sigabo na 8.1%.

Ang Taskforce Firewall ay 10.7%, ang Blood vs. Duty ay 3.7%, at ang A Secret in Prague ay 0.9%.

Ang First Yaya ay 4.7%, ang The Alibi ay 2.3%, at ang My Bespren Emman ay 0.6%.
Ang Saksi ay 2.5%.
Read: From Nora Aunor to Atasha Muhlach: A new era for Annie Batungbakal
