JERRY OLEA
First time ng VMX actor na si Victor “VR” Relosa na lumabas sa isang musical sa Sa Apolonio Samson, Si Apolonio Samson na itinanghal noong Hunyo 28, 2026, Linggo sa Parkway Village Covered Court, Quezon City.
Ang musical play ay handog ng Dulaang Apolonio Samson at Brgy. Apolonio Samson Council.
Gumanap si VR bilang Apolonio Samson, at kasama sa cast sina Carl Conde bilang Rodel, Jairus Tiburcio bilang Florante, Mark Pelicano bilang Andres Bonifacio, at Kapitana Elizabeth de Jesus bilang Gregoria de Jesus.
Co-actors din sa palabas sina Jean Pangilinan, Ruther de los Reyes, Erickson Negrito, Sean Dev Singh, Russel Baltazar, at Sophia de Asis, sa direksyon nina Raffy Tejada at Rjay Rosales.

“Iba yung pressure niya, kasi hindi talaga ako kumakanta,” pagsisiwalat ni VR.
“Kaso, naniwala si Direk [Raffy], sabi niya, kaya ko raw. So ayun, inaral ko talaga. Tatlo ang kanta kong solo, tapos may part-part sa iba.
“Bale eight songs lahat. Tatlong solo, tapos limang may part ako.”
Read: Bea Alonzo's 2021 tarot prediction resurfaces after wedding
FROM STAGE PLAY TO MUSICAL
May mga nagawa nang dula before si VR, gaya ng 3 Men On An Island ng PhilStagers Foundation last year.
Mas mahirap bang mag-emote pag kumakanta?
Mabilis na tugon ni VR: “Opo, kasi iisipin mo. Akala ko dati, mahirap na yung stage kumpara sa film. Kasi sa stage, parang habang nag-i-internalize ka, nadi-distract ka sa ilaw.
“Tapos nagre-react ang mga tao. May mga nangyayari on the spot na hindi katulad sa set ng film.
“Sabi ko, akala ko, yun na, parang mahirap na yun. Ngayong naka-try ako ng musical, mas mahirap pala.
“Kasi maliban doon sa blocking mo, yung lines mo, tapos yung lighting, yung mga sound, may kung anu-anong nangyayari sa paligid.
“Iisipin mo pa ngayon, ano yung tono? Tapos kapag nawala ka sa tono, nawawala ka sa emotion. Kasi hahabulin mo yung beat ng kanta. Mas mahirap siya!”

Marami sa nakatrabaho niya ay mga estudyante. Merong paslit, merong PWD.
“Halos lahat po actually nung kasama ko dito, yung ibang cast, mga first-timer po talaga sa teatro,” saad ni VR.
“Mga totoong residente talaga sila ng lugar. Tapos yung mga fineature [sa LED screen] na pictures ng sunog, baha, talagang sila yung naka-experience.
“So, talagang totoong mga story yung ikinukuwento nila. And sabi ko nga sa kanila, sobrang privileged lang na ganapan yung tao kung saan nakapangalan ang lugar nila.
“Tapos ikinukuwento nila sa akin, mga totoong istorya talaga. Kung anong alam nila sa tao na yun. Mga na-experience nila sa lugar nila.
“So, parang sobrang personal nung play na ginawa namin.”
Halos apat na buwan ang rehearsals para sa pagtatanghal ng musical play na Sa Apolonio Samson, Si Apolonio Samson.
“Karamihan ng cast, estudyante. After school, diretso sila ng rehearsal. Tapos hindi talaga sila mga artista, so tinuturuan silang umarte,” lahad ni VR.
“Tapos pag weekend naman, nagbo-voice lesson sila. So, talagang trinabaho nila lahat ito.”
Kung weekend lang pumunta sa rehearsal si VR. Naka-10 sessions siya ng praktis.
Read: Angel Loscsin questions Robin Padilla after his "Komunista po ako" declaration

NOEL FERRER
Dalawa ang timeline ng dulang Sa Apolonio Samson, Si Apolonio Samson — present time, at panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila noong 1896.
May social statement ang palabas.
“It all boils down sa pagtutulungan ng mga tao, ng mga Pilipino. Noong 1896, sa pakikibaka sa mga dayuhan,” pagmamatwid ni VR.
“Sa present time, kapag may disaster. Talagang kapag nagtulungan tayo, may magiging effect iyon sa buhay natin.”
Napaluha si VR habang nagpe-perform.
Tumango ang VMX actor, “Yung mga kids, hindi pa masyadong maano sa pag-acting. So ako ang tinatanong nila, ‘Kuya, kuya, paano ba humugot dito?’
“Sabi ko sa kanila, ‘Alam niyo, sa totoo lang, ako, hindi ko siya inisip. Kasi, yung mga kuwento niyo lang, totoo yung ginagawa natin.
“Totoong may apo pa si Apolonio na buhay. Tapos lahat ng part ng play, totoong nangyari.
“So, yung fact pa lang na ikinukuwento nila sa akin yung experience nila, bawat isa, doon sa totoong nangyari na yun, hindi na ako nahirapan kumbaga mag-relate doon sa eksena.
“Kasi totoo yung ginagawa ko.”

ANDRES BONIFACIO AND GREGORIA DE JESUS
Bahagi ng musical play ang characters nina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus. Sa nasabing lugar daw kasi ay may headquarter ang KKK (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan) noong 1896.
“Sabi nila, parang iyon daw ang center ng KKK before… kaya diyan pinasya iyung ano ng sedula talaga,” sambit ni VR.
“Kaso, yun nga, parang… nasabi din nga sa play at doon sa libro ni Apolonio na parang sayang talaga, hindi nakita yung ulo [ni Apolonio].
“Parang… hindi ko rin alam kung anong relevance… pero parang dahil sa hindi nakuha iyung ulo niya, parang medyo nabura siya sa history.
“Medyo nabura siya dahil wala yung ulo.”
Read: Heart Evangelista's PA calls out Mimiyuuuh over "clean money" remarks

GORGY RULA
First love ni Victor “VR” Relosa ang theater. Diyan muna siya lumabas bago sumabak sa mga mapangahas na pelikula ng VMX.
“Iba po talaga ang experience sa teatro. Iba yung feeling pag nagawa mo siya. Iba yung fulfillment,” sambit ni VR.
“Sa musical, hindi ko masasabi na ready na ako sa full musical na malakasang kanta.
“Pero nakakatuwa yung experience na matuto ka ng bagong skill, na masabi mo sa sarili mo na, ‘Kaya ko pala ang mga ganun!’
“For the longest time kasi, alam ko sa sarili ko, hindi ako kumakanta, e! Ano lang ako, sa banyo lang at sa karaoke malakas ang loob ko.
“Pero naniwala si Direk. Sabi niya, kaya ko raw. So sabi ko, ‘Sige, tingnan natin!’”
Naging consideration ba ang talent fee bago niya tinanggap itong Sa Apolonio Samson, Si Apolonio Samson?
Mabilis na tugon ni VR: “Hindi po. Sa totoo lang, nung binigay sa akin itong play, ang sabi ko agad, oo.
“Ang ine-expect ko talaga, walang talent fee. Kasi sabi ni Direk, community theater nga raw, historical play. Akala ko talaga, wala.
“Nalaman ko lang na may TF after a few days, nung nagkausap kami ni Direk.”
Pinanood ng mga kaibigan ni VR sa VMX na sina Angela Morena, Sahara Bernales, Gold Aceron, at Kych Minemoto ang pagganap niya.
Puring-puri nga nina Gold at Kych si VR.

VR RELOSA'S UPCOMING PROJECTS
Siyangapala, bida si VR sa short films na Hoy, Hoy, Ingat! (QCinema 2025, Cinemalaya 2026) at Starfish (Puregold Cine Panalo 2026).
Nasa cast si VR ng psychological horror film Andoy kung saan bida si Cedrick Juan, at co-stars sina Jennica Garcia, Albie Casiño, Paolo Gumabao, Angelica Lao, at Aya Fernandez.
Isa si VR sa 20 participants sa The Masters Series: FDCP Acting Workshop for Filipino Talents.
Ang mentors doon ay ang mga premyadong direktor na sina Laurice Guillen, Jose Javier Reyes, at Joel Lamangan.
Kabilang sa VMX movies ni VR ang Palitan 2, Sex Trip, Maharot, Paluwagan, Pihit, Check-In, Mama’s Boy, Akin Ang Gabi, Tampipi, Kamadora, Langoy, Kahalili, Palipat-lipat, Papalit-palit, Lagaslas, Sila Ay Akin, at Kabit.
Read: Sachzna Laparan reveals she repeatedly bailed out ex Mark Pascual over debts
