PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Heart Evangelista's PA blasts Mimiyuuuh anew

Heart Evangelista's PA laughs off Vice Ganda, Kim Chiu's "clean money'"joke.
by PEP Troika
Published 3 hours ago
heart resty mimiyuuuh clean money issue
Heart Evangelista's PA Resty Rossel (right) on her criticism of Mimiyuuuh (inset): Heart Evangelista's PA Resty Rossel doubled down on his criticism of Mimiyuuuh."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Nang matalakay ang isyu ng “clean money” sa usapan nina Mimiyuuuh at Esnyr Ranollo sa isang vlog, pinatulan ito ng PA ni Heart Evangelista na si Resty Rossel.

Hindi pa rito natapos ang isyu dahil nagamit ito sa joke nina Vice Ganda at Kim Chiu sa It’s Showtime noong Huwebes, July 16, 2026.

Tinanong ni Vice sina Kim at Amy Perez kung saang bansa makikita ang pinakamatandang restaurant na hanggang ngayon daw ay nag-o-operate pa.

Sabi ni Vice, “Ito ay matatagpuan sa Espanya. Ang tinutukoy na restaurant ay Sobrino de Botin.”

Sambot ni Kim, “Ang galing, 'no?”

Dagdag na sabi ni Vice, “Kumain ako diyan!”

Parehong tinanong nina Kim at Amy kung ano ang kinain ni Vice.

Sagot ni Vice: “Cochinillo! Ang bill namin, parang 800 thousand.

“Kaya lang, hindi ko nabayaran. Nagising ako, nananaginip lang pala ako.

“Hindi pa pala ako nakapunta diyan. Pangarap ko. Delulu!”

Sabi naman ni Amy, “Pangarap natin yan!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila patutsadang sagot ni Vice, “One day, we will go there. We will eat good food and pay from our clean money!”

Dugtong ni Kim, “Hard-earned and clean money!”

@abscbn Deserve natin ng masasarap na pagkain from our clean and hard-earned money! ???????????? #ABSCBN #ItsShowtime #LaroLaroPick #ViceGanda ? original sound - ABS-CBN

Naka-post ang video clip sa social media account ng ABS-CBN, at karamihan sa komento ng netizens ay iniuugnay si Heart.

Ang iba ay tinag pa ang Kapuso actress-TV host, pati na rin sa PA nitong si Resty.

Read: Heart's PA calls out Mimiyuuuh over "clean money" remarks

JERRY OLEA.

Naka-text ng PEP Troika si Resty Rossel kahapon, at ipinadala namin sa kanya ang video clip ng biruan nina Vice Ganda at Kim Chiu sa It's Showtime.

Natawa lang daw siya sa naturang segment.

Ayon kay Resty, nakita niyang naka-tag sa kanya ang clip, pero wala na siyang balak patulan ito.

“Busy pa ako hahaha!” text niya sa akin.

Mas pinili raw niyang magbigay ng reaksiyon sa naging pahayag ni Mimiyuuuh tungkol sa "clean money" dahil iba ang sitwasyon nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RESTY EXPLAINS REACTION TO MIMIYUUUH'S "CLEAN MONEY" REMARKS

Ayon kay Resty, ayaw niyang pumatol sa lahat ng isyu dahil baka siya pa ang mapagsabihan.

Gayunman, hindi raw niya kayang palampasin ang sinabi ni Mimiyuuuh dahil, aniya, wala namang ginagawang masama si Heart Evangelista sa content creator.

Saad ni Resty tungkol kay Mimiyuuuh: “Hindi ko alam bakit naging ganyan yan.

"Dati yan staff ni Mark Bumgarner. Umalis siya kay Mark kasi nga naliliitan sa suweldo.

“Tapos nag-vlog. Six months pa lang siya nagba-vlog, tinulungan agad ni Heart para makilala nga naman.

“Tapos pinasok namin siya sa Aivee, at tinulungan namin sa brands. Hindi lang isang beses niya ginawa yang pagsa-shadow lay Heart.

“Hindi ko alam kung anong problema niya kay Heart na wala namang ginagawang masama sa kanya.”

Ayon pa kay Resty, napansin na niyang unti-unting umiwas si Mimiyuuuh kay Heart nang pumutok ang isyu tungkol sa flood control.

Si Heart ay asawa ni Senator Chiz Escudero, na isa sa mga idinawit sa naturang anomalya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Gayunman, sinabi ni Resty na hindi ito napansin ni Heart at nanatiling maayos ang pakikitungo nito kay Mimiyuuuh.

Kuwento pa niya, kahit sa social media ay nagko-comment pa si Heart sa mga post ni Mimiyuuuh at nagsasabi pa ng "I love you."

Hindi rin daw nila ipinaalam kay Heart na pakiramdam nila ay iniiwasan na siya ng content creator.

Dagdag ni Resty: “Imbes na mag-reach out pa siya kay Heart, in-unfollow na niya,”

Ayon kay Resty, doon lamang nalaman ni Heart ang naging saloobin ni Mimiyuuuh nang magsalita ito tungkol sa "clean money," at nasaktan daw ang aktres dahil mahal nito ang content creator.

Sa huling text ni Resty sa PEP Troika, sinabi niya: “Siguro pumasok na sa utak niya na sikat na sikat na siya.”

Read: Heart clarifies complete separation of assets with Chiz

NOEL FERRER

Gets ko both sides.

Valid yung nasaktan si Heart Evangelista kasi mahal naman daw talaga niya si Mimiyuuuh.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Valid din yung gustong i-voice ni Mimiyuuuh yung "clean money," lalo na ngayon.

Pero eto tayo sa social media age, e.

Pag nag-post ka, public property na yung interpretation. Hindi mo na kontrolado kung sino ang tamaan.

Kaya if you post, panindigan mo. If you allow comments, be ready for all kinds of reactions.

Masakit, oo.

I've been on the receiving end too.

Pero just live according to your conscience. Yun lang naman ang di maba-bash.

Again, wala namang masama mangarap at manindigan sa clean money, values yun, e.

Pero pag sinabi mo ian in this climate, may mao-offend talaga lalo na yung mga malalapit sa iyo. That's the consequence of speaking online.

Kaya kung truth mo yun, say it. Pero be prepared na may masasaktan.

Ganoon talaga kapag bukas ang comments sa public.

Read: Angel Loscsin questions Robin Padilla after his "Komunista po ako" declaration

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Heart Evangelista's PA Resty Rossel (right) on her criticism of Mimiyuuuh (inset): Heart Evangelista's PA Resty Rossel doubled down on his criticism of Mimiyuuuh."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results