GORGY RULA
Matutupad na ang pangarap ng batang singer at entrepreneur na si Kryzl Jorge na makasama sa gagawin niyang birthday concert ang five-year-old daughter ni Jhong Hilario na si Sarina.
Magkaibigan daw ang dalawa.
Sabi ni Kryzl, kapag natuloy ang kanyang birthday concert, papakiusapan niyang mag-guest ang mag-amang Jhong at Sarina.
Ikinuwento ito ni Kryzl sa PEP Troika nang inilunsad ang bagong single niyang "Perfect Summer."
Sabi ni Kryzl, kapag nakumpleto na niya ang kanyang sampung kanta ay magkakaroon siya ng concert in time for her 10th birthday celebration sa July.
So, matutuloy na ang kanyang concert na Extraordinary Kryzl Born To Shine 10th Birthday Concert na gaganapin sa Samsung Hall ng SM Aura Premier sa Sabado, July 18, 2026.
“I want Sir Jhong and Baby Sarina po,” mabilis na sagot sa akin ni Kryzl nang tinanong ko kung sino ang ige-guest niya sa kanyang birthday concert.
CLOSE FRIENDS
Sabi pa ng bagets, nung nagkakilala sila ni Sarina ay naging close sila agad.
“It’s because we’re very close friends ever since me and Sarina met. And I want to see her again. It’s been a while.
“Baby Sarina is really very happy with me. She sees me as an ate.”
Bukod sa mag-amang Jhong at Sarina, guests din sa concert ni Kryzl sina Queenay, Josh Ford, Kira Balinger, Kiray Celis, at Dianne Medina.
Read: Heart Evangelista's PA blasts Mimiyuuuh anew: "Hindi ko alam kung anong problema niya."

NOEL FERRER
Nakakatuwa ang pamilya ni Kryzl Jorge dahil talagang sinuportahan nila ang dream ng bagets.
Ang mga kapatid niya ang nag-aasikaso lahat, kasabay ng paglunsad ng kanilang Purple Hearts supplement and energy drinks.
Ang 24-year-old na kuya ni Kryzl na si Gelo Jorge ang nagma-manage ng kanilang negosyo.
Si Gelo ang in-charge sa production at operations ng naturang produkto.

YOUNG ENTREPRENEURS
Sa murang edad ay na-train na sila ng kanilang magulang kaya ang aga nilang natuto.
Kasama nina Gelo at Kryzl ang iba pa nilang kapatid na sina Mica, Neo, at Evo Jorge na nagpapatakbo ng kanilang kumpanya.
Ang babata pa nila, pero ipinagkatiwala na ng kanilang magulang ang pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Ani Gelo: “May manufacture po kami. I am more on production and operation po namin.
“Kahit bata kami, e. Ito binuo na na namin.
"Eto na rin, e, may manufacture na rin kami. E, di gumawa na rin kami ng sariling produkto namin.”
Pambagets ang mga supplement at drinks na binuo nila at nagustuhan daw ng mga kaedaran nila.
Nandiyan pa rin naman daw ang magulang nila na gumagabay sa kanila.
“Guidance na lang ang then, provider sila. And of course, nasa business din sila. Tine-train na rin po kami pagdating po sa business,” saad ni Gelo.
Read: Bea Alonzo, Vincent Co quietly wed in civil rites
JERRY OLEA
Magkakatuwang din si Kryzl at ang kanyang mga kapatid sa Purple Hearts Foundation na sa tuwi-tuwina’y may outreach programs.
Kabilang sila sa sumuporta sa outreach program ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) para sa senior showbiz journalists noong May 30, 2026, sa Max’s restaurant sa Matalino St., Quezon City.

Just recently ay nag-extend ng suporta at pagmamahal ang Purple Hearts Foundation sa mga taga-Balut Island, Sarangani, na apektado ng lindol.
Bumisita rin ang Purple Hearts Foundation kamakailan sa Guanella Home for Special Children, sa Kanlungan ni Maria sa Antipolo City, at sa Tahanang Balik Alay sa Tanay, Rizal.
Moreover, nakipagsaya rin ang Purple Hearts Foundation sa God’s Angel Little Miracle sa Jollibee UST Dapitan, Manila.
Maging sa Animal Kingdom Foundation ay sumuporta si Kryzl at ang kanyang siblings.
Kaya dalangin natin na lalo pa silang pagpalain ng Panginoon. Makabuluhang kaarawan, Kryzl!!!
Read: No new Pinoy movie opens in cinemas for three straight weeks
