PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ruru Madrid shares heartwarming experience with Tondo residents

Ruru Madrid turned down Encantadia Chronicles: Sang’gre for this project.
by PEP Troika
Published 4 days ago
Ruru Madrid shares heartwarming experience with Tondo residents
Ruru Madrid on being welcomed by Tondo residents during the taping of Hari Ng Tondo: "So, sabi ko ang sarap sa pakiramdam na kahit bago pa lang kami dun sa lugar nila, winelcome po kami dun na parang pamilya nila na hindi po kami iba sa kanila."
PHOTO/S: Ruru Madrid Facebook

GORGY RULA:

Puspusan na ang taping ng Hari ng Tondo, at minsan ay nakakasabay pa nila sa Tondo ang grupo ng Sigabo ni Coco Martin.

Itong bagong drama series ni Ruru Madrid ang napag-usapan namin sa nakaraang presscon ng Cinemalaya 2026.

Excited siya sa bagong serye niya, lalo na’t kasama pa niya rito si Dennis Trillo. Ang huli nilang pinagsamahan ay ang pelikulang Green Bones, na talagang nagtagisan sila sa aktingan.

Ang tanong ngayon, sino ba talaga kina Ruru at Dennis ang Hari ng Tondo?

Napangiti si Ruru nang tinanong namin ito sa kanya.

Aniya, “Dito ang kagandahan sa programang ito, hindi tayo magke-claim na tayo yung hari ng Tondo. Hayaan natin ang mga tao yung magluluklok sa atin dun.”

RURU MADRID ON TONDO RESIDENTS

Ang nakakatuwa lang daw ay maayos ang taping nila sa Tondo. Okay raw ang pagtrato sa kanila ng mga taga-Tondo.

Sabi pa ni Ruru, “Ang kagandahan po kasi, every time na nagsu-shoot kami sa Tondo, somehow, parang connected na kami yung istorya sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi kunyari, pag nag-shoot kami sa Balut, Tondo, lagi kami dun, sa istorya, nag-elevate yung characters at istorya ng Hari ng Tondo, but at the same time, in real life, nagiging ka-close natin yung community.

“So, sa maliliit na bagay na puwede tayong makatulong, like for example, may nakikita po akong nanay dun na nagtitinda, lagi kong pinapakyaw yung mga tinda niya. Hoping na sa kahit na maliit na paraan makatulong tayo sa kanila.

"Dahil sabi ko, makadisturbo tayo. So, ginagawa ko, pag pinakyaw ko yun, pinamimigay ko sa set. Pinamimigay ko sa kanila.

"Kasi alam ko nakakadisturbo tayo, e. Tayo po yung nakikigamit ng lugar nila.

"So, ang kagandahan sa kanila… one time may sinuong kami na maliit na iskinita, pagpasok namin dun, naglabasan yung mga tao.

"Nagulat kami, may bitbit na mga speaker, tapos pinapatugtog nila, 'Hari ng Tondo.'

"So, sabi ko ang sarap sa pakiramdam na kahit bago pa lang kami dun sa lugar nila, winelcome po kami dun na parang pamilya nila na hindi po kami iba sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, the fact na ganun po ang pagtanggap sa amin na bago po ito naipalabas ay napakasarap na po sa puso.”

Read: Ruru Madrid admits he was shocked by sister Rere's pregnancy

RURU MADRID ON PREPARING FOR HARI NG TONDO

NOEL FERRER:

Kinarir ni Ruru Madrid itong Hari ng Tondo. Kaya hindi niya tinanggap na mag-regular sa Encantadia Chronicles: Sang’gre dahil gusto n niyang mag-focus sa paghahanda sa seryeng ito.

“Nung natapos yung Lolong 2, I decided to train agad, because sabi ko, ayokong hintayin ang production na sabihin na ‘Ru, mag-start na tayo.’

“Gusto ko pag sabihin na nila, ready na ako. So, I started doing ‘Panuntukan’. It’s a kumbaga, system po siya under Filipino martial arts.

“Basically, pag sinabi kasi FMA, alam nila Arnis. So sa FMA, kasi nag-e-evolve siya. Pag wala kang weapon, ano siya, FMA pa rin.

“So, it’s called panuntukan, para siyang dirty boxing na pakiramdam ko, pasok sa Hari ng Tondo, kasi ano nga siya, medyo gritty, madumi.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“So parang ganung klaseng style na kung ano mang weapon na mahawakan ko, puwede nang gamitin.”

Lately ay nagpo-post ang magkasintahang Ruru at Bianca ng bonding nila. Pero aminado ang Kapuso actor na nababawasan na raw sila ng time ni Bianca para sa isa’t isa.

“Siyempre, mababawasan yung oras. Ganun talaga e. Sacrifices siya. Sacrifice sa personal mong buhay. Sakripisyo sa oras mo kasama mga mahal mo,” sey ni Ruru.

"I only wish Ruru the best!!! Grabeng ka-hardworking at mabait tao talaga. Good na lahat ng pagsisikap niya ay nagbe-bear fruit na ngayon. Tuloy lang, Ruru!

Read: Cinemalaya 2026: 9 feature films, 10 short films, 3 books

JERRY OLEA:

Looking forward tayo sa first Cinemalaya film ni Ruru Madrid na Hand of God, kasama sina Iza Calzado, Ronnie Lazaro, Sue Ramirez, KD Omalin, at Jhong Hilario.

May chance siyang maging best actor ng Cinemalaya 2026!

Sa isang Facebook post ni Ruru, ibinahagi niya na hindi niya inaasahan ang offer sa kanya na gawin ang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una pa lang niyang nalaman ang konsepto, naisip na raw niya, "I knew it was something special."

Lalo raw siyang na-inspire nang malamang siya ang naisip na bumida rito dahil sa nakitang performance niya sa acclaimed MMFF movie na Green Bones.

“Bilang artista, sobrang meaningful marinig yun. It reminded me that every project you pour your heart into can lead you to the next story you're meant to tell," ani Ruru.

At nang gawin na niya ang Hand of God, punung-puno raw siya ng pasasalamat na nabigyan siya ng pagkakataon na makasama sa pelikula.

Hindi lang daw maganda ang istorya kundi masaya siya sa mga nakasamang katrabaho.

“Working on my first Cinemalaya film became one of the most fulfilling experiences of my career.

“Alam naman natin na kapag Cinemalaya, passion project talaga. Hindi ka nandito dahil sa laki ng production or kasikatan. Nandito ang lahat dahil naniniwala sila sa kwentong gusto nila ikwento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“We all gave everything we had for this film. Hindi dahil kailangan lang namin tapusin ito, kundi dahil lahat kami naniniwala sa kwentong gusto namin ikwento."

Nagbigay din si Ruru ng kaunting patikim sa istorya ng pelikula.

Lahad niya: “At its heart, Hand of God is a story about hope.

“Isang kwento tungkol sa pananampalataya, kabutihan at sa mga taong dumarating sa buhay natin at nagiging instrumento para baguhin ang direksyon nito.

“It's a reminder that even in our darkest moments, there's always hope and that sometimes, a single act of kindness can change someone's life.

“Maraming salamat sa buong Hand of God family for trusting me, inspiring me, and reminding me why I love doing what I do.”

Agosto 6-18, 2026 ang 22nd edition ng Cinemalaya. Ang primary venue ay ang Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Plaza, EDSA cor. Shaw Blvd., Mandaluyong City. Partner venues pa rin ang Ayala Malls at Gateway Cineplex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruru Madrid on being welcomed by Tondo residents during the taping of Hari Ng Tondo: "So, sabi ko ang sarap sa pakiramdam na kahit bago pa lang kami dun sa lugar nila, winelcome po kami dun na parang pamilya nila na hindi po kami iba sa kanila."
PHOTO/S: Ruru Madrid Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results