GORGY RULA:
Ilang reliable source ang nakatsikahan ng PEP Troika na meron palang binabalak na reunion movie para sa KathNiel.
KathNiel ang uniname ng former reel-and-real-life sweethearts na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
KATHRYN BERNARDO WANTS TO LIE LOW IN SHOWBIZ?
Taliwas ito sa mga nagsasabing tila gusto nang mag-lie low sa pag-arte ni Kathryn.
Totoo bang parang tinatamad na ang Asia’s Superstar sa mga ginagawa niya bilang aktres?
Sa pagpo-promote ng Someone, Someday, na pinagbibidahan nina Kathryn at James Reid, marami raw ang nakapansin na binabawasan umano ng aktres ang ilang activities nito sa promo.
Meron raw siyang motorcade na hindi na tinapos dahil gusto na raw niyang umuwi.
May nagsasabi pang gusto na raw niyang mag-focus sa ibang bagay, hindi sa pag-aartista.
MORE ON RUMORED KATHNIEL MOVIE
Balik doon sa nakarating sa amin na kuwentong may binabalak na raw na pelikulang pagsasamahan muli nina Kathryn at Daniel...
Hindi lubos na malinaw ito dahil may nagsasabi ring ayaw na raw talaga ni Kathryn na makatrabaho muli ang dating nobyo.
Pero may nagsabing kaya raw ni Direk Cathy Garcia-Sampana na hikayatin ang dalawa na magsama muli sa pelikula.
Epektibo raw ang convincing power na Direk Cathy.
Sinusubukan pa rin ng PEP Troika na kumuha ng iba pang impormasyon kung totoong may ganitong binabalak ang Star Cinema.
Read: Kathryn-James, Alden-Nadine heat up streaming battle
NOEL FERRER:
Kahit si Daniel Padilla daw na nagte-taping na ng part two ng Incognito ay gusto na rin daw pagtuunan ang ibang bagay.
Nag-i-invest na raw ito sa iba pang negosyo.
Nagpapahiwatig na raw itong pinag-iisipan nang magpahinga sa showbiz.
Masaya naman ang mga loyal fans ni Kathryn nang nakita nilang dumalo ang pamilya nito, lalo na si Mommy Min, sa unveiling ng wax figure niya ng Madame Tussauds.
Nagkatampuhan ba ang mag-ina?
Ang saya raw ni Mommy Min nang dumalo sa unveiling ng wax figure ni Kathryn.
Naghanda pa raw ito sa bahay nila sa Commonweath, Quezon City, na dinaluhan ng Asia’s Superstar.
Nakumpleto raw doon ang pamilya. Happy raw ang mga fans na okay na ang mag-inang Mommy Min at Kathryn.
Read: Kathryn Bernardo in Feng Shui remake? Direk Chito Roño reacts
JERRY OLEA:
Maligaya na si Daniel Padilla kay Kaila Estrada.
Si Kathryn Bernardo, nali-link naman kay Lucena City Mayor Mark Alcala.
Baka maging mitsa pa ng gulo kung magtatambal muli sina Kathryn at Daniel. If ever, dapat timbanging mabuti ng magkabilang panig kung worth it ba iyon.
Samantala, umpisa Hulyo 24, 2026, Biyernes ng gabi ay streaming na sa Netflix ang seryeng Someone, Someday kung saan bida si Kathryn.
Suportado siya rito nina James Reid, Maja Salvador, Dimples Romana, Rita Avila, Rowell Santiago, Miggy Jimenez, Daniela Stranner, McCoy de Leon, at Matt Evans.
At simula Hulyo 27, Lunes ng 8:45 ay kasunod na ito ng Coco Martin’s Sigabo (8:00 pm) sa TV5, ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook.
