PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jhong Hilario doesn't want daughter Sarina to lose her childhood

Jhong, Sarina Hilario shine at Kryzl Jorge's 10th birthday concert.
by PEP Troika
Published 14 hours ago
jhong and sarina hilario
Jhong Hilario on why he wants daughter Sarina to enjoy her childhood first, even as the young performer continues to impress on stage: Kasi, gusto ko wala siyang pagsisihan pag lumaki siya. Gusto ko, sabihin niya na ‘sobrang na-enjoy ko yung pagkabata.’”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nagpakitang-gilas ang mag-amang Jhong at Sarina Hilario sa Xtraordinary Kryzl: Born To Shine 10th Birthday Concert noong Hulyo 18, 2026, Sabado, sa Samsung Hall ng SM Aura, BGC, Taguig City.

Nakapanayam ng PEP Troika sina Jhong, Sarina, at ang "Little CEO" na si Kryzl Jorge sa dressing room bago nag-umpisa ang palabas.

Sabi ni Jhong, talagang close friends ang five-year old daughter niyang si Sarina at si Kryzl ng Purple Hearts Foundation.

Hindi raw nila puwedeng tanggihan ang request ni Kryzl na mag-guest sa birthday concert nito.

“Minsan pumupunta si Kryzl kapag may gift-giving si Sarina,” sabi ni Jhong.

“So, yung Purple Hearts family talagang very supportive kay Sarina, and of course Kryzl is also performing sa mga event.

“So, yeah! Talagang sobrang thankful kami kay Kryzl and sa Purple Hearts family.

“Kaya talagang yung hindi talaga namin mahindian si Kryzl kasi sobrang ano siya, sobrang talagang... hindi sila nagmimintis kapag nag-request kami for like gift-giving.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And sobrang ano na rin naman silang dalawa, sobrang close sila. Kasi minsan pag may mga performance, nagkukuwentuhan silang dalawa.”

Read: Toni Rose Gayda asked if she was romantically linked to Vic Sotto, Joey de Leon

sarina hilario kryzl jorge
Sarina and Kryzl
Photo/s: Jerry olea

KRYZL JORGE'S GUESTS

Guests din sa concert sina Josh Ford, Kira Balinger, at Queenay Mercado; at nag-host sa pre-show si Dianne Medina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-late ng dating si Kiray Celis na medyo maingat sa mga kilos niya dahil sa kanyang pagbubuntis. Talagang inalalayan si Kiray ng kanyang asawang si Stephan Estopia.

Nung una nga ay nasabihan kaming hindi na raw siya makakarating, pero pinilit talaga ni Kiray dahil close siya sa magkapatid na Kryzl at Gelo Jorge ng Purple Hearts Foundation.

Read: Thai superstars Nadech Kugimiya and Yaya Sperbund wed for the third time

NOEL FERRER

Masaya si Jhong Hilario sa pag-alalay sa kanyang anak, dahil gusto raw talaga nitong sumayaw at kumanta.

Umiling si Sarina nang tinanong kung gusto rin niyang umarte.

Sabi ni Jhong, gusto lang ng anak niyang mag-sing and dance.

Pati si Jhong ay napapag-perform na rin para sa kanyang anak.

“Okay lang din naman, kasi si Sari talaga mas kumportable siya kapag kasama niya akong nagpe-perform,” sey ni Jhong.

LIKE FATHER, LIKE DAUGHTER

Nakahiligan ng anak ang kumanta at sumayaw dahil nakikita niya ito sa ama.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Saad ni Jhong: “Alam naman natin na kapag nag-perform, nandiyan ang anak mo na kapag nagpe-perform, and ang sarap lang na nandun ka, nakikita mo kapag nagpe-perform na kasama mo siya.

“Siguro na-inspire siya dahil nakikita niya ako na nagpe-perform sa stage, sa TV.

"So, parang bonus na lang na talagang gusto niya akong gayahin. Gusto niya akong gayahin, gusto ring maging performer.

“Of course, with the help of Maia, ang mom ni Sarina, talagang natutukan niya rin.”

Pinagbibigyan lang daw nina Jhong at Maia ang hilig ng kanilang anak.

Gusto raw nilang i-enjoy pa rin ni Sarina ang kanyang pagkabata, at five years old pa lang kasi siya.

Parang laro lang siguro ito para sa kanya. Ayaw nilang parang trabaho na ito ng bagets.

“Of course, ayun yun. Ayoko, e,” bulalas ni Jhong.

“Kasi narinig ko lahat, kina Niño Muhlach, kila Aiza Seguerra na yung mga child star na yung childhood nila, nawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iyon ang ayoko… yung mangyari kay Sarina. Kasi, gusto ko wala siyang pagsisihan pag lumaki siya.

“Gusto ko, sabihin niya na ‘sobrang na-enjoy ko yung pagkabata,’” sabi pa ni Jhong.

Read: Yassi Pressman now engaged to Luigi Villafuerte

JERRY OLEA

Pinagbibigyan din ng pamilya ni Kryzl ang hilig niyang kumanta at magsayaw.

Kaya nagpapasalamat si "Little CEO" sa suporta ng kanyang pamilya at ng buong Purple Hearts team.

“This is my very first concert, and it is my wish to be here. I worked really hard since ‘ber’ months. Because I have my rehearsals starting May,” sabi ni Kryzl Jorge.

Sa concert inilunsad ang sampung original songs ni Kryzl na talagang kinarir niya ang pagkanta ay pagsayaw.

Tampok din sa selebrasyon ang adhikain ni Kryzl na pagtulong sa kapwa.

Sa pamamagitan ng Purple Hearts Foundation, sinuportahan ni Kryzl ang sampung benepisyaryong organisasyon bilang bahagi ng kanyang taunang charity initiative.

Kabilang dito ang Kanlungan ni Maria, Saluhang Evangelical Church sa Balut Island Sarangani, SPEED, Tahanang Balik-Alay, God's Little Angels, Colegio de San Rafael, Guanella Home for Special Children, Archdiocese of Peñafrancia, Animal Kingdom Foundation (AKF), at Baon Mo, Sagot Ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isa sa highlights ng programa ang pagtatanghal ng original song na "Birthday LOVE," kung saan nakasama ni Kryzl sa entablado ang The Jorge Siblings at ang kanilang mga magulang.

Aside from Kiray Celis ng Hello Bloom,sumuporta rin sa 10th birthday pauga ni Kryzl sina Nadine Samonte ng Anaiah, Dani Barretto ng Wellness Whispers, Anna Magkawas ng LuxeSlim, Rhed Sarmiento ng RS, Geraldine ng GAU, Charisse Tinio ng Nice Print Photo, Ryan Uson ng RAU Atelier, Yvonne Camay ng Yvonne Styling, Doc Alvin Francisco ng HealthMate, at Pauline Causarin ng Vampire Shot.

Bilang pasasalamat sa mahigit 1,000 bisitang dumalo, may giveaways at food packs mula sa Purple Hearts by Love Kryzl and Siblings, DayLi Supplements, SkinVibe, HotBabe, Erriza Bracelets, Nathan's Halo-Halo, at MangCook.

Read: Political vlogger shot dead in Caloocan; police forms special task group

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jhong Hilario on why he wants daughter Sarina to enjoy her childhood first, even as the young performer continues to impress on stage: Kasi, gusto ko wala siyang pagsisihan pag lumaki siya. Gusto ko, sabihin niya na ‘sobrang na-enjoy ko yung pagkabata.’”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results